Saturday, September 14, 2013

ABOUT THE AUTHOR

Magandang araw po sa inyong lahat! Itago nyo po ako sa pangalang "FORGOTTEN ANGEL".

Oo, isa akong bisexual. Isa akong silahis na hindi tanggap ang buong pagkatao ko. Isa akong taong takot magladlad ng pagkatao ko. At dahil nga dito, naisipan kong gumawa ng blog upang dito ko ilabas ang lahat ng nararamdaman ko.

Sa kasalukuyan, isa akong estudyante sa isa sa pinakaprestihiyosong universidad da bansa. Pero ang universidad na ito ay hindi pang mayaman kundi para sa mga middle classes.

Sa ngayon, ako ay patagong umiibig sa isang kaibigan na hindi mo alam kung bisexual din o straight. Maraming nagsasabi na may bahid daw ng pagka-silahis ang taong iyon pero may mga ginagawa naman siyang mga bagay na ginagawa din ng isang straight na lalaki. Actually, naguguluhan ako. Kaya ko ba napapansin ang mga bahid sa kanya ay ini-issue ko lamang siya dahil umaasa akong mamahalin niya rin ako o ganun talaga? Haist.

 Isa po akong amateur writer. Bukas po ako sa inyong mga kritisismo. Nawa po magustuhan ninyo ang gma istoryang ibabahagi ko.