Thursday, December 19, 2013

I NEED TO PART 8: TEASER FOR THE NEW YEAR

Malamig ang simoy ng hangin sa aming probinsya. Maliwanag sapagkat napakaraming ilaw at parol ang makikita sa bawat tahanan. Hindi naman ganoon kaliblib ang aming probinsya at ito naman ay saklaw pa ng sibilisasyon.

Kahit mahirap ang buhay makikita mo ang bawat pamilya na nagluluto pa rin ng handa kahit kakaunti. Ang mahalaga sa kanila sila ay buo, masaya at walang sakit o anumang karamdaman.

******

"Iho gising na. Maglalanding na ang eroplano."

Nagising si Xavier. Ngayon lang ulit siya nakauwi sa Pilipinas. Matapos ang 15 taon na pamamalagi sa Amerika ay muli siyang nagbalik sa bansa upang ipagpatuloy ang kanyang bagong buhay.

Si Xavier ay 18 years old na binata. Matangkad, physically fit, chinito, may appeal. May pagka-brusko ng kaunti pero maginoo. Mabait, magalang at mapagmahal sa mga kaibigan. Sa kalalukuyan, ulila na si Xavier. Namatay sa 9-11 terrorist attack ang kanyang mga magulang. Napagdesisyunan niya matapos ang ilang taon na sa Pilipinas na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Si Xavier ay kababata ni Amiel. Malapit ang dalawa nung bata pa sila. Kaso kinailangan ni Xavier na pumunta ng ibang bansa dahil sa trabaho kng kanyang ama. Sa ngayon, tanging ang yaya nalang nito ang kasama. Ang kanyang yaya ay matandang dalaga na hindi na piniling mag-asawa upang alagaan si Xavier at ituring na parang sarili niyang anak.

*****

Disyember 24. Bukas na ang Araw ng Pasko. Matagumpay na nabuo ni Amiel ang Simbang Gabi bagamat siya ay nasa probinsya na. Nagalakad siya pauwi nang may biglang nag-text sa kanya,

Rome: Nabuo ko ang Simbang Gabi. Yey!

Amiel: Mabuti.

Rome: Wala man lang reaksyon?

Amiel: Congrats?

Rome: Bahala ka nga -_-. Ikaw ba? Nabuo mo?

Amiel: Oo. Pauwi pa lang ako.

Rome: Ahhh. ANong wish mo?

AMiel: Bakit mo kailangang malaman?

Rome: Aga aga ang sungit mo.

Hindi nagreply si Amiel. Nang makauwi si Amiel ay may biglang tumawag. Si Rome.

"Ikaw na naman?"

"Bakit ba? Hindi mo kaya ako sinagot sa text."

"Naglalakad kaya ako pauwi."

"Hindi ka galit?"

"Hindi."

"Ah. Chineck ko lang hahaha. Nakauwi ka na?"

"Oo. Bakit?"

"Wala lang akala ko napahamak ka na."

"WOw. COncern. Hahaha."

"I miss you."

Natigilan si Amiel sa sinabi ni Rome. First time niya yung ganito. NAkatulala lang siya. Hinihintay siya ni ROme sa kabilang linya.

"Hoy Bakit di ka sumasagot? Umiiyak ka no?"

"Gago. May ginagawa ako."

"Okay. Akala ko naman namimiss mo din ako," nagtatampong tugon ni ROme.

"AH hehehe. Sige bye na."

"Sige na nga. Merry Christmas!"

"Sayo din."

Natapos ang usapan nila. Kinikilig si Amiel sa nangyari. Napakasarap madinig ng boses ni Rome. Ang kanyang pag-aalala, ang kanyang paglalambing, ang kanyang pagtatampo. Ang cute. Sana lagi na lang ganito. Pero hindi. Darating din ang araw na mag-iiba ang lahat.



Samantala, may dumating na kotse sa tapat ng kaharap na bahay nila Amiel. Sinilip niya ito sapagkat ang bahay na iyon ay bahay ng kanyang kababata. Wala ng nakatira doon maliban sa isang katulong at hardinero. Nagulat siya ng may bumabang isang babaeng nasa 40s at isang maputing lalaki. Nakilala niya ang mga ito. Si Manag Tesa at si...Wait si.. Si Xavier iyon ah. Malakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang tawagin ito kaso lamang pinangunahan siya ng hiya.

Baka hindi na niya ako natatandaan? Mapapahiya lang ako. Ito ang mga salitang sinabi ni Amiel sa sarili.

Sumapit ang araw ng Pasko at sumimba sila Amiel at kanyang pamilya.

Matapos ang Misa ay nagkasalubong ang kanyang mama at si Manang Tesa.

"Gina ikaw ba iyan?"

"Tesa?!"

"Ui ikaw nga. Akala ko sa Maynila ka na naglalagi kasi sarado ang bahay niyo kahapon."

"Teka, kailan ka pa umuwi? Sino kasama mo?"

"Kahapon lang ako dumating. Kasama ko si Xavier. "

Nakita namin na papalapit na si Xavier.

"Ai kagwapo nang batang ito. Kamusta iho. Natatandaan mo pa ba kami?" bati ni Mama.

"Tita Gina? Yes. I remember you." sagot ni Xavier.

Medyo naangasan ako sa dating niya kaya hindi ko siya pinansin.

"Tanda mo pa ba si AMiel iho? Yung kababata mo?"

"AMiel? IS that you?"

I nodded to him. He gave his right hand. As a sign of courtesy I also gave my hand for shaking.

"Oh siya Gina sisimba muna kami. Daan kayo sa bahay mamaya."

"Sure. Tesa."

Iba ang naramdaman ni Amiel nang makamayan niya si Xavier. Parang ito rin noong unang nagkita sila ni Rome. Magaan ang loob niya kay Xavier nang oras na iyon kahit ang angas ng dating nito kanikanina lang.

Itutuloy...

Saturday, December 7, 2013

I NEED TO PART 7



Tinulak niya ako sa kama niya. Nagsimula siyang maghubad. Inuna nya ang kanyang polo tsaka undershirt. Tinanggali niya ang belt niya saka hinubad ang kanyang pantalon. Dinaganan niya ako at hinalikan. Mapupusok na halik ang mga ito. Pinipilit kong makawala ngunit sinikmuraan niya ako. Pinapaling ko ang labi ko ngunit sampal ang natanggap ko sa kanya. Hinuhubaran na rin niya ako at kinakalmot ang aking maputing balat. Nilalamas niya ng mahigpit ang aking dibdib. Nagsimula na akong mapaluha
 
“Rome, nasasaktan na ako. Parang awa mo na,” umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya.

Nakabrief na lang siya ng makita ko. Napakaganda ng katawan niya. Walang bading na hindi tatamaan ng libog sa slim niyang katawan ngunit may laman. Nadedevelop na rin ang abs niya. Slender ang kanyang mga binti. Malaman at medyo matambok ang kanyang puwet. Malaki rin ang bukol niya sa kanyang black na boxer brief.

Siniil nya pa rin ako ng halik. Nakaboxer shorts na lang ako noon nang magkaroon ako ng pagkakataon na suntukin siya.

Napaungol sya sa sakit ng ginawa ko.

“Bakit mo ako sinuntok? Bakit ka tumatanggi?! Ito naman ang gusto mo diba?! Ang matikman ang katawan ko ? Ang ari ko? DIba?!” malakas niyang tanong sa akin.

Napaiyak na lang ako sa takot sa kanya. Hindi na ako nakakaramdam ng libog sa setup na yon. Ang nararamdaman ko ay takot at awa sa sarili ko.

“Oo, Rome! Bisexual ako pero hindi ako bastusing tao katulad ng iniisip mo,” umiiyak kong sagot sa kanya.

Mabilis ang pagpatak ng luha sa akin habang dumudugo ang nguso ko sa kanya. May mga pasa na rin ako sa katawan at galos na dumudugo gawa niya. Napatitig siya sa akin at napaluha na rin.

“Alam kong ganito ako pero wala kang karapatang babuyin ako!”

Tila nagising siya sa kanyang pagkahibang ng makita nyang umiiyak ako sa isang sulok. Dali dali syang nagbihis at hinila ako patayo.

“Amiel. Amiel. Amiel.” Niyuyugyog niya ako dahil nakatulala lang ako habang umiiyak.

“I don’t deserve this thing.” Bigla kong nasabi.

“Amiel, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa galit ko dahil ipinagkaila mo ako kay sir. Amiel. Amiel. Hindi ko sinasadya.” Humahagulhol niyang sambit sa akin.

Niyakap niya ako sa sulok na iyon. Pareho kaming nakaupo. Pareho kaming umiiyak. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Pilit niya akong binibihisan. Dinala niya ako sa banyo at pinaliguan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko noon dahil sa sobrang galit at awa sa sarili.


Nagising ako sa isang kama. Nakabalot ako sa isang bath robe. Umaga na pala. Nasaan ako? Unit ito ni Rome ah. At naalala ko ang nangyari kagabi. Napasigaw ako at nakita kong dumarating siya. Natakot ako kaya nahulog ako sa kama. Dali dali niya akong nilapitan at itinayo. Niyakap niya ako.

“Amiel. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko kagabi. Hindi ko sinasadya.”

Nanginginig ako habang hawak niya ako. Lumuluha at parang mauubusan ng hininga.

Hinimas niya ang likod ko habang yakap yakap ako. Pinapatahan niya ako mula sa aking pag-iyak. Matapos ang ilang minute ay nahimasmasan ako at pinainom nya akong tubig at gamut pampakalma. 

“Miel, hayaan mo akong magpaliwanag.”

Yakap nya pa din ako nang nagsimula siyang magsalita.


Naalala ko bigla ang mga nangyari. Pumunta ako sa isang bar sa Taft at nakita ko si Rome doon na naglalasing. Mag-isa lang siya at halatang madami na siyang naiinom. Hindi ako palainom na tao. Inimbitahan lang ako ng kaibigan ko doon sa HAPPY THURSDAY na sinasabi nila. Matapos mag-uwian doon ko nakita si Rome. Napagpasyahan kong sundan siya. Nakita ko na may kakaibang pulbos sa pinag-alisan niya.

Pulbos?

Weird and aggressive behavior?

Shit. Nagdadrugs ba si Rome?


“Rome, anong ginawa mo?” concern kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi ko sinasadya yung pananakit sayo kagabi. Dala lang yun ng alak at …” sagot niya.

“Nagda-drugs ka ba?”

“Miel, mali ang iniisip mo. Hindi. Ahh ehh. Oo pero unang beses kong gumamit non kagabi,” lumuluha niyang sagot.

Tumayo na ako. Wait ang bango ko ah. Bagong paligo ba ako? Naka-bathrobe ako. Wala akong damit sa loob ni underwear. Napatingin ako sa kanya.

“Kung hindi mo ako ginalaw kagabi, bakit ganito ang ayos ko?” nagtataka kong tanong.

“Pinaliguan kita. Nanginginig ka kagabi at wala akong ibang naisip kundi dalhin ka sa banyo.”

Nahiya ako sa sinabi niya at dali dali kong pinulot ang mga damit ko. Tumayo si Rome at hinawakan ang balikat ko. Yung tipong arms forward na style at nakatungo siya. Sumisinghot siya. Halatang umiiyak siya.

“Aalis ka na ba?” tanong niya.

“Walang dahilan para manatili ako dito,” sagot ko.

“Miel, wag ka muna umalis please. Samahan mo muna ako dito.” Humahagulhol na siya.

“Hindi ko na kaya Miel. Sobrang lungkot na ang nararamdaman ko. Iniwan ako ni Lourdes. Ngayon, ang matalik kong kaibigan parang hindi na rin ako kilala.” Naawa ako sa tinuran ni Rome. Parang napaka hopeless na niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Naluha na din ako.

“Miel, maawa ka naman sa akin. Hirap na hirap na ako. Hindi pa ba sapat itong pagdurusa ko ngayon? Wala nang nakakaintindi sa akin. Nasisira na pag-aaral ko. Hindi pa ba sapat iyon?” Tuluyan na siyang umiyak ng matindi.

“Nandyan ang mga kaibigan natin.”

“Hindi nila ako maiintindihan!”

“Maiintindihan ka nila kasi kaibigan mo sila.”

“Pucha, Amiel anong gusto mong sabihin ko sa kanila? Na naguguluhan ako sa nararamdaman ko sayo? Na may tumitibok ang puso ko para sayo?”

Parang tumigil ang mundo ko ng madinig ko ang mga salitang iyon. Tumitibok ang puso niya para sa akin? Pumatak pa ang maraming luha mula sa mga mata ko. Magkahalong sakit at saya ang naramdaman ko nang mga panahong ito.

“Mahal kita Miel at ngayon ko lang na-realize yun. Nagsisisi ako dahil sinaktan kita at nadamay pa si Lourdes sa kaduwagan ko. Nagsisisi ako sa pagiging arogante ko at muntik pa kitang mapatay noon.”
“Totoo ba Rome yang sinasabi mo?” umiiyak kong tugon.

“Hindi ka ba naniniwala? Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?”

“Hindi ko alam Rome. Manhid na ako. AYoko na ulit umasa. Malay ko ba na niloloko mo lang ako para makaganti ka sa akin.”

“Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo? Sabagay hindi kita masisisi.” Malungkot niyang sabi.

“Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon,” hiling niya sa akin. Lumapit siya at niyakap ako.

Inalis ko ang yakap niya kahit gusto ko ito.

“Rome.”

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

“Sinasabi ng utak ko na tigilan ko na ang kahibangan ko sa’yo ngunit pinipigilan siya ng puso ko. Rome naguguluhan ako. Hindi lang ikaw ang nahihirapan ngayon.”

“Miel, give me another chance please? Hindi kita pipilitin. Isa lang ang hihilingin ko sa iyo ngayon. Yung ibalik natin ang dati. Yung dating tayo. Close friends. Parang magkapatid.”

“Marami nang nagbago Rome.”

“Kaya kong ibalik ang lahat sa dati.”

“Papaano? Kaya mo bang hindi ako pandirihan ng mga kabarkada natin? Ha?” inis kong sagot sa kanya.

“Magtiwala ka sa akin. Matagal ko nang nagawan ng solusyon yan.”

“What?!”

He hugged me. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin.

“I want you back. Please forgive me,” sabi ni Rome.

“Matagal na kitang pinatawad, Rome,” sagot ko. Pareho kaming umiiyak.

“Bumalik tayo sa dati please?”

I replied with a hug. Siguro na-gets niya na confirmation ko yung act na iyon.

“Bihis ka na. Kain tayo,” yaya niya sa akin.

Bigla kong naalala na kung hindi ako naka-bath robe ay nakahubad talaga ako.

“Ah eh wag na. Baka hinahanap na ako sa bahay.”

“Don’t worry. I texted your Mom na nandito ka at magoovernight sa unit ko.”

“Fuck! Tinext mo si Mama?”

“Yes?”

“Hindi ba siya galit sayo?! Buti hindi ka niya binigyan ng death threats?”

“Calm down. Nag-sorry ako sa Mama mo noon pa. Tinanggap naman niya ang apology ko although marami daw siyang katanungan sa isip niya.”

Hindi ako nakasagot.

Pumunta kami sa isang mall at kumain. Ewan ko pero para kaming nag-date. Treat niya yung kinain namin. Kwentuhan. Ang daming kinuwneto ni Rome. Gusto ko din magkwento at makiapgtawanan ulit kaso suspicious pa din ako. Ayoko munang sumuko. Kailangan ko munang i-test si Rome at kung ano ang mga binabalak niya. Sadly, oo. Wala akong tiwala sa inaakto niya ngayon. Pero sa loob loob ko masaya ako.




Araw ng Lunes. Alas nwebe ng umaga ng may nag-doorbell sa aming tahanan. Nagiisa lang ako sa bahay kasi sina Mama at Cagalli ay sa probinsya naglalagi. Nagkataon lang na nasa Maynila sila nung nangyari yung engkwentro sa bar. Ang bahay na tinutuluyan ko ay bahay ng tatay ko na iniwan sa amin. Paconsuelo de bobo kumbaga.

Pagbukas ko ng gate ng biglang tumambad sa akin si Rome. Nakauniform na siya.

“Anong meron? Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Ganyan ba talaga ang approach mo sa isang bisita?” sagot niya.

“Bakit ka nandito?” mataas ang kilay na sagot ng lola niyo.

“Sinusundo kita. May pasok tayo diba?”

“10 oclock pa ang klase natin.”

“Wala lang. Excited lang kitang makita. Hindi mo ba ako papapasukin?”

Pinilit niyang makapasok at nakapasok nga siya. Nakangiti siya na parang nang-aasar.

Pinaupo ko siya sa sofa.

“Maliligo lang ako,” sabi ko.

“Okay. Panood ng tv?”

Tumango na lang ako. Kinikilig ako sa eksenang iyon. Ito yung first time na may sumundo sa akin. Kahit naaasar ako sa kapreskuhan niya eh natutuwa ako sa loob.

Natapos akong maligo at nakapagbihis na rin ng uniporme. Sabay kaming naglakad papunta sa aming pinapasukang unibersidad. Nakaakbay siya sa akin pero yung pangbarkadang akbay lang. Malamang? Baka kung anong isipin ng mga tao tungkol sa amin. Hanggang makasalubong naming si Steve.

“Oi oi oi ano tong nakikita ko?” tanong ni Steve.

“Bati na kami ni Amiel!” masayang tugon ni Rome.

“Oh kalian pa?”

“Kahapon lang.”

“Anong ginawa mo kay Amiel?” natatawang tugon ni Steve.

“Sige pre pasok na muna kami.”

Nasalubong din naman ang iba naming mga kabarkadang babae at sila Miggy at Andre. 

“Guys bati na kami ni Amiel!” masiglang pagdedeklara ni Rome.

Nahiya ako sa ginawa ni Rome kaya bigla akong namula. Natawa yung mga babae at hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko kanila Miggy since alam nila na bisexual ako. Nagulat nalang ako ng lumapit sila sa akin. Inakbayan ako ni Miggy.

“Sa wakas mabubuo na ulit ang barkada.”

“Oo nga. Magpa-Pasko na din buti nagkabati na kayo,” sabat ni Andre.

Natuwa ako dahil tanggap pa din nila ako sa kabila ng pinagsasabi ni Rome. Yun nga lang, nakaramdam ako ng konting kirot at awa sa sarili. Ngunit nagtataka pa din ako. Hindi ito ang mga inaaasahan kong mangyari. Ineexpect ko ay pandidirian at aapihin ako gaya ng nangyari sa panaginip ko. Pero bakit? Parang may mali.

NAgsimula ang klase at pilit na binabalik ni Rome ang dati. Dinidikit niya ang braso niya sa braso ko. Kinukulit at nakikipagtawanan siya sa akin. Pag tahimik ako, nagaalala agad siya. He keeps on insisting na Im not ok everytime I am silent. Gusto nya lagi nya akong partner sa groupings. Something like that.


Natapos ang klase. 8pm nay un. Nagugutom na ako. Balak kong kumain mag-isa gaya ng nakagawian ko ng bigla akong hilahin ni Rome.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Kakain. Uuwi na.” sagot ko.

“Ikaw lang mag-isa?”

“Oo naman. Sanay naman ako eh.”'

NAtawa lang siya.

“Tara na nga.”

Hinila niya ako ng may biglang sumitsit sa amin.

“Rome, Amiel pasaan kayo?” si Steve
Istorbo naman oh, ungol ni Rome.

“Kakain kami. Sama kayo?” sabat ko.

“Hindi na. Mukhang miss na miss nyo ni Rome ang isa’t isa hahaha” nang-aasar na sagot ni Steve.
Napangiwi ako sa sinabi ni Steve.

“Tara na nga,” hinila ako ni Rome na parang naasar ang boses.

“Oh? ANong problema mo? Bakit biglang nagbago ang mood mo?” tanong ko.

“Wala.”

“Ano nga?”

“Wala nga.”

“Pag di mo sinabi hindi ako sasama.”

“Ikaw kasi eh.”

“Oh bakit ako?”

“Niyaya mo pa kasi si Steve buti na lang hindi sumama ang loko.”

“Ano ngayon kung niyaya ko siya?”

“Gusto ko tayong dalawa lang. Gusto kitang solohin. Gusto kong bumawi sa mga araw na magkagalit tayo.”

“Okay?”

“Hmmp. Di mo man lang ako na-miss?”

“Rome, ang corny mo. Tara na.”

“Yiee. Dali na. Namiss mo ako no?” pangungulit niya habang naglalakad kami.

“Tumigil ka Rome kinikilabutan ako sa ginagawa mo. Parang hindi ka normal.”

Sa kabilang banda, kinikilig ako sa tagpong iyon. Ang sarap at ang saya. Sana ganito na lang lagi. Sana totoo na may relasyon kami. Sana tanggap din ng ibang tao ang ganung uri ng relasyon. Kaso nga lang hindi. Mahirap. Pati masyado pang maaga, madami pa akong dapat malaman. Hindi pwedeng mahulog ulit ang loob ko.

Kumain kami sa isang carinderia. Pero malinis at mukhang may class itong carinderia na ito. Masarap din ang pagkain. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata ni Rome na masaya siya. Kahit hindi siya nagsasalita o nagkukwento, alam ko na masaya talaga siya. Sana hindi ako nililinlang ng aking mga mata. Sana huwag dumating yung oras na aalipinin na naman ako ng dinidikta ng aking puso.



Malapit na ang Christmas party dahil isang linggo na lang at magpa-Pasko na. Ayun mukhang masaya ang mga tao. Excited ang lahat sa pamimili ng kanilang mga kasuotan. Nagshopping na din ako dahil binigyan naman ako ng aking ama ng pera bilang papasko.
Nang bigla akong mapadaan sa stall ng mga bowtie. Nakaagaw pansin sa aking paningin ang isang green na bowtie. Naalala ko bigla si Rome. Bagay sa kanya ang bowtie na iyon. Subalit bigla akong nagdalawang isip. Bibilhin ko ba ito? Oo para naman may Christmas gift ako sa tao. Eh bakit ko naman siya bibigyan ng regalo ngayong Pasko eh hindi ko naman siya boyfriend? Pero wala naming mawawala diba? Ngunit eto yung first time ko na reregaluhan siya. Dati hanggang Christmas message lang. Shit ang gulo.

At sa huli, binili ko din. Bahala na siguro kung ibibigay ko o hindi. Titimbangin ko muna. Tutal pwede ko din naming gamitin din ito eh.

Dumating ang araw n gaming Christmas party. Syempre kainan. Napagkasunduan naming na huwag nang magexchange gift kasi corny na college na kaya kami. After noon ay umattend kami ng concert na handog n gaming unibersidad. Nakita ko na may isang babae na nagbigay ng regal okay Rome. SI Jenny. Alam kong matagal ng may gusto si Jenny kay Rome pero nagselos naman ako. Ang masama pa nito ay nakita ko din si Rome na niyakap ni Jenny. Namula ako at uminit ang pakiramdam ko. Para hindi ako mahalata ng aming mga kaklase ay nagpaalam akong pupunta ng banyo. Buti na lang walang sumunod.

Bakit ako nagseselos? TUmigil ka Amiel sa kaartehan mo. Nagsisimula palang kayong magkaayos ni Rome. Eto ang mga salitang sinabi ko sa sarili ko. Mabilis din akong bumalik para hindi sila makahalata. Ayun nagtutuksuhan sila about kay Rome and Jenny. Ako deadma lang at nakikitawa tawa. Pero napansin ko na iba ang tingin sa akin ni Rome. May halong pagtataka at pag-aalala ito.
Naisipan ko din na huwag ng ibigay yung bowtie kay Rome total nawalan na rin ako ng gana. Sa akin na lang siguro iyon.

Umuwi na ang ilan sa mga kabarkada namin. Tanging si ako, si Rome, si Miggy, si Lyka at si Jenny na lang ang natitira. 5 kami. Magboyfriend si Miggy at Lyka samantalang partner si Rome at Jenny. Ako? Fifth wheel? Kakainis. Inabutan na ako ng topak kaya hindi na ako nageenjoy. Tahimik na lang ako. 

“Okay ka lang?” tanong ni Rome na nanlalaki ang mga mata sa pagtataka.

“Oo naman.”

“Ang tahimik mo kasi.”

“Wala toh. Pagod lang.”

Biglang nagsalita si Jenny.

“Rome uuwi na ako.”

“Oh bakit ang aga pa ah? Di mo ba tatapusin ang concert?”

“Nope. Curfew eh.”

“Ah sige ingat.”

Umalis na nga si Jenny. Biglang sumabat si Miggy.

“Hoy ano kaba? Ihatid mo si Jenny.”

“Bakit?”

“Manhid k aba? EH kung may mangyari don. Pati di mob a napansin na expected niya na ihahatid mo siya?”

“For what? Magsyota ba kami?”

“Ewan ko sayo Rome para kang hindi lalaki.”

Nag-iba ang mood ni Rome sa sinabi ni Miggy. He clenched his fist but I secretly tapped his back. Kilala ko tong si Rome pag nagagalit. Alam ko ang signs kung kelan sya aatake.

“Amiel, samahan mo ako. Bibili lang ako ng drinks.”

“Kaya mo na yan mag-isa” ang topakin kong sagot.

Tiningnan niya ako ng masama.

“De joke lang tara na,” napilitan kong sagot.

Bumili kami ng soft drinks. Hindi kami bumalik kanila Miggy at Lyka. Pumunta kami sa kampanaryo ng simbahan sa loob n campus namin. Umakyat kami sa tuktok nito. Wala akong nagawa kasi pinilit niya ako. Tahimik pa din ako. Kami lang dalawa sa kampanaryong iyon kasi hindi naman ito mukhang pupuntahan ng mga estudyante sa gabi kahit na may concert kasi creepy tingnan.

“Galit ka na naman ba sa akin?” tanong ni Rome.

“Hindi ah” malamig kong tugon.

“Alam mo ang ganda ng regalo ni Jenny sa akin. Pink na bowtie.”

“Ah. Oo nga.” Matipid kong sagot. Nainsecure ako kasi pareho palang bowtie ang regalo naming. Buti na lang hindi ko pa naibibigay.

“May…may surprise ako sa iyo.” Nahihiya niyang sinabi sa akin.

Nagtako ako. Tiningnan ko siya.

“Dyaran!” Isang pocket watch na picture sa kahon ang nakita ko. Familiar ang design. Oo eto yung pocket watch na gusto ko sa comic alley.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Mabilis kong tinanggap ito at binuksan mula sa wrapper. Tuwang tuwa ako sa nakita ko. Medyo naluluha ako ng sinundot niya ako sa tagiliran.

“Hmp. Wala ka man lang regalo sa akin.” Nagtatampo niyang tugon.

“Ah eh. Sorry nalimutan ko kasi.”

“Nalimutan o ayaw mo ibigay?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit alam niya?

“Ah…eh…”

“Nakita ko sa bag mo kanina. May gift ka para sa akin. Huwag mo ng itanggi.” Presko niyang sagot.

“Okay?”

“Nakakapagtampo ka naman.”

“Oo na bibigay ko na nga” pakipot kong tugon.

“Heto” namumula kong iniabot yung regalo ko.

“Bakit namumula ka? Hahaha” pang-aasar niya.

Binato ko ito sa kanya sa pagkapahiya.

“Wow. Sweet ah! Hahaha”

Pareho nalang kaming natawa sa ginagawa namin. Binuksan niya ito at nagulat na green na bowtie ang laman.

“Wow bowtie din. Bakit color green?”

“Wala lang. Feeling ko kasi bagay iyang kulay na iyan sayo.”

“Bakit? Kasi green is for endless love?”

“Ulol. Mukha ka kasing lumot!”

“Lumot pala ha.” Sinundot niya ako sa tagiliran at gumanti naman ako sa kanya. Wala akong laban ang lakas niya kaya ako agad ang sumuko.

Hinhingal ako ng hinila niya akong patayo.

“Magsisimula na fireworks.”

“Talaga? Baba na tayo. Panoorin natin!”

“Dito na lang para romantic.”

“What? Si Lo…” pinigilan ko ang sarili ko na ituloy. Buti hindi niya nadinig.

Pareho kaming nasa balkonahe ng kampanaryo ng magsimulang pumutok ang mga fireworks. Lahat kami ay napawow maging si Rome ay napasigaw sa ganda n gaming nakikita. Iba talaga ang university naming. Bongga. Habang manghang mangha kami ay namalayan kong hinawakan ni Rome ang isa kong kamay ng isa nyang kamay. Oo. Magkaholding hands na kami. Aalisin ko na sana…

“Miel kahit ngayon lang please.”

Wala akong nagawa. Gusto ko ang mga nangyayari kaso mali ito. Ano ba talaga ang balak ni Rome sa akin? Mahal nga ba talaga niya ako? Baka naman ginagawa nya lang akong panakip butas kay Lourdes?  Or may masama siyang balak sa akin para makaganti sa pagbbreak nila ni Lourdes? Gulong gulo na ako. Ngunit in-appreciate ko na lang kung anong nangyayari ng panahong iyon. We are watching the fireworks habang naka holding hands. Mga 10 minutes iyon. Parang bata si Rome na tuwang tuwa.

Natapos ang fireworks at ako na rin ang unang bumitiw sa pagkakahawak niya. Hindi tama ito. Tatlong taon ako naging tanga sa pag-ibig ko sa kanya. Hindi pwedeng mahulog na naman ulit ang loob ko. Tama na ang sakit sakit na.
He suddelny hugged me.

“Thank you.”

“Bakit?”

“Kasi ikaw ang nakasama kong manood ng fireworks at pinaramdam mo sa akin ang kakaibang pagmamahal. Pagmamahal na nagpapatawad at handing tumanggap matapos ang maraming pagkakamali.”

“Bitawan mo ako. Ang corny mo. Kilabot.”

“Na-miss kita.”

“Ako din.” Shit. It slipped on my mouth.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Nadidinig kong umiiyak siya pero mahina lang. Bumitaw 
din siya at pinunasan ang mga luha niya.

“Babawi ako Amiel sa lahat ng pagkakamali ko. Handa akong maghintay kung kalian mo ako lubusang mapapatawad.”

Hindi ko na siya sinagot. Bagkus niyaya ko na siyang umuwi.


Siguro ito ang pinakamasayang memories ko sa lahat ng Pasko na nagdaan sa buhay ko. Masakit man pero masarap isipin na maayos na ulit kayo ng matalik mong kaibigan na nagkataong unang taong minahal mo sa iyong buong buhay. Ang saklap no. Kaso kumplikado na ang sitwasyon. Ayoko ng palalalain pa. Ayoko na rin saktan ang sarili ko. Marami pating hindi tamang nangyayari. Maaming katanungan ang dapat saguti. Pero sabi nga nila. Just cherish the present.

ABANGAN ANG PAGDATING NI XAVIER SA BUHAY NI AMIEL.
ITUTULOY…


Sunday, December 1, 2013

ABANGAN

Tunghayan sa Linggo ang ikapitong kabanata ng "I Need To". Maraming maraming salamat sa suporta. Keep on sharing. Please comment on every posts. Thank you!

Tuesday, November 26, 2013

I NEED TO PART 6


 
Dalawang araw matapos ang nangyari sa amin ni Rome sa simbahan…


Pagpasok ko sa classroom ay nilapitan ko ang mga kabarkada kong babae at narinig ko na pianguusapan nila si Rome at Lourdes.

“Alam mo saying sila Rome at Lourdes.”

“Oo nga no. Hiwalay na agad sila eh one month palang.”

“Oo nga eh naawa nga ako kay Rome.”

“Tama ka sis. Hindi din naman natin masisisi si Lourdes eh. Women’s instinct. Kahit sabihin ni Rome ang anumang dahilan, hindi maililihim ni Rome na may mahal siyang iba bukod kay Lourdes.”

“Sino kaya iyon sis? Ang swerte naman niya.”

Nagulat ako sa mga nadinig ko. May isang buwan nang hiwalay si Rome at Lourdes? Bakit? Sandali, kung isang buwan ibig sabihin nung nangyari ang engkwentro sa bar ay hiwalay na sila? Ibig sabihin depressed si Rome ng mga panahong iyon?

Naguguluhan ako. Bakit? May konting selos din akong naramdaman. Sino kaya ang babaeng iyon na talagang mahal ni Rome bukod kay Lourdes.

Mixed emotions. Tinawagan ko si Rica at kinuwento ang mga nangyari mula sa mga pangyayari nung first day ng Simbang Gabi hanggang sa nadinig kong tsismis.

“So happy kaba friend?”

“Not really. Nakakaramdam ako ng selos kung sino man yung taong iyon. Naaawa din ako kay Rome. Syempre masakit din na nakipaghiwalay sa kanya si Lourdes. Sana nandoon ako nung mga panahong naghihirap siya. Kanino kaya siya humingi ng counsel noon?” malungkot kong tugon.

“Friend, natouch ako sa mga sinabi mo. Napatunayan ko talaga ngayon na mahal mo talaga siya.”

“Dati siguro. Ngayon? Hindi na. Matapos ang lahat.”

“Uii wag kang ganyan. Maraming pwedeng mangyari. In fact, feeling ko yung nangyari nung Simbang Gabi ang start ulit ng love story niyo!”

“Sira. Kung ano ano iniisip mo.”

“Asus. If I know, kinikilig ka ngayon.”

Tama nga naman si Rica. Kinikilig ako pag naaalala ko iyong mga nangyari sa simbahan. Madalas kong sinasabi na sana maulit iyon kaso hindi na. Madalas ko siyang nakikita pag simbang gabi ngunit hindi na kami nagkakatabi. Minsan nakikita ko siyang parang nakatingin sa akin. Ganun din naman ako ngunit mabilis kong binabawi ang mga sulyap ko. Siguro nga hanggang ngayon umaasa pa din ako sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin.

Isang araw, ipinatawag ako ng propesor ko sa faculty room. Pumunta ako dito after ng class.

“Mr. Amiel Enriquez, may itatanong sana ako sayo.”

“Ano po iyon, sir?”

“Bilang guidance counsellor mo, natutuwa ako na nagiging maayos na ulit ang grades mo at performance sa klase. Ipagpatuloy mo lang iyan para sa isang taon grumaduate ka ng may Latin honor.”

Natouch ako sa sinabi ni Sir. Nainspire din akong pagbutihin pa ang pag-aaral ko.

“Kaibigan mo ba si Mr. Rome Sandoval?”

“Ah ehhh. Kilala ko po sya. Pero hindi po kami ganun magkadikit.”

“Talaga? Don’t make me laugh. Close kayo. Btw, kung ayaw mong aminin na magkaibigan kayo di kita masisisi. Siguro may mga pansarili kang rason. Humihingi lang sana ako ng tulong upang pagsabihan mo siya na ayusin ang pag-aaral niya.”

“Sir. Hindi ko po magagawa iyan dahil hindi nga po kami clooooseeee.”

Shit. Nakita ko sa salamin si Rome at nadinig yung pagtatatwa ko sa kanya. Lumabas siya matapos niya akong makita. Napatawa na lang ang propesor.

“Alam kong may problema kayong dalawa. Ayusin niyo iyon huh.” Sabi sa akin ng propesor sabay tapik sa aking balikat.

“Ganyan din kami ng partner ko dati. By the way, bagay kayo. Huwag niyong palampasin ang pagkakataon.”
 
Gulat na gulat ako sa mga sinabi ng aking propesor. 

Naglalakad akong tahimik at nagiisip palabas ng paaralan nang makita ko si Rome na parang may hinihintay. Nakita niya ako. Dali dali siyang lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit. Hinila niya ako na parang kinakaladkad. Wala akong magawa ng mga oras na iyon. Napakalakas niya. Isinakay niya akong jeep at bumaba kami sa tapat ng condominium niya. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas upang lumaban sa kanya. Kakaiba ang aura niya ngayon. Puno ng galit at lungkot.

***************

Bumalik ako sa realidad. Tapos na ang pagrereminisce ko. Hinihila ako ni Rome. Narito na ulit ako sa simula ng kwento. Namalayan ko na nagsalita ako sa kanya,

“Ano ba Rome? Anong ginagawa mo? Nahaharass ako.”

“Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan pa.”

“Rome, bitawan mo ako. Nasasaktan ako.”

Sumakay kami ng elevator at kinaladkad nya ako papunta sa unit niya. Pumasok kaming dalawa. Tinulak niya ako sa kanyang kama paupo. 

“Miel, ayaw mo na ba talaga akong maging magkaibigan?” malungkot niyang tanong.

Tumungo lang ang ulo ko. Hindi ko din kasi alam ang isasagot ko.

“Miel, hindi mo ba talaga ako mapapatawad?”

“Matagal na kitang pinatawad nung binato mo ako ng bote sa ulo,” sarkastiko kong tugon. “Maari na ba akong umalis?” Tumayo ako papunta sa pinto ngunit hinarang niya ako.

“Hindi lang naman kasi iyon eh.”

“Ano ba talaga ang gusto mo! Oo sige mapapatawad kita kung maibabalik mo yung respeto na binibigay sa akin ng mga tao. Kung maibabalik mo ang dating pagkakaibigan ng barkada. Yung hindi nila ako pandidirian dahil bisexual ako!”

Hindi siya nakaimik.

“Ano? Hindi mo kaya ano?”

“Miel, gusto kong bumalik yung dati nating pagkakaibigan.”

Napabuntong hininga ako.

“Kaibigan? Sana naisip mo iyan bago mo akong muntikang patayin sa bar noon.”

“Miel, wala na kami ni Lourdes. Ano pa ba ikinagagalit mo?”

Na-offend ako sa sinabi niya.

“So pinalalabas mo na ganoon ako kababang tao?”

“Bakit ba ang OA mo? Napaka over sensitive mo. Daig mo pa ang babae.”

“Kung wala ka nang sasabihin bukod sa panlalait sa pagkatao ko, maari na ba akong umalis?”

“Pag umalis ka ngayon sa kwarto ko, ikakalat ko sa classroom na piangsamantalahan mo ako.”

“Okay. Tutal naman wala na silang respeto sa akin. Manhid na ako, Rome. Hindi na ako katulad ng dati.”

Lumabas na nga ako ng kwartong iyon. Tinawagan ko si Rica at kinuwento ang lahat. Proud ako sa sarili ko na nagawa ko ang mga bagay na iyon. This time, hindi na ako umiiyak. Matatag na ako. Natuto na ako.

Natutuwa sa akin si Rica dahil sa mga ginawa ko. Indeed, she is very proud of me.

“Natakot ka ba sa banta niya?” tanong ni Rica.

“Nope. May delikadesa pa naman siguro sya upang hindi manira ng tao,” sagot ko.

“Besides, you can reason out that you have a girlfriend. And that is me. Hahahaha.”

“Naaalala ko bigla. Tanging si Rome lang ang may alam ng ‘relasyon’ natin.”

“What do you mean?”

“Hindi niya ito ikinukwento sa iba. Walang may alam sa barkada namin. Bakit kaya?”

“TIngin ko may dalawang rason diyan. Una, hindi siya naniniwala. Ikalawa, sinasakyan niya yung trip mo na secret relationship since nabigla ka nung sinabi ko na fiancĂ©e mo ako. Siguro nagets yung ibig mong sabihin.”

“Siguro nga. By the way, kamusta yung plano mo in the future? Sigurado ka na ba talaga?”

“Yup. Feeling ko dito ako tinatawag.”

Nalungkot ako sa sinabi ni Rica.

“Miel, don’t be sad. Habang hindi pa ako pumapasok, tutulungan kita sa love story mo.”

“Pero…”

“Don’t worry. Ikaw ang nagturo nito sa akin na God has plans for everybody,”

Napabuntong hininga na lang ako. “O sige, sabi mo eh. Pero hindi na ba talaga kita mapipigilan?”
Naluha siya sa sinabi ko.

“Are you okay?”

“Miel, ang tagal kong hinintay na sabihin mo ang bagay na iyan.” Umiiyak siya hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa.

“Bakit? Naguguluhan ako.”

“Oh sige dahil close naman tayo aaaminin ko na sayo. May feelings ako para sayo. HAhahahahaha”

“Hahahaha. Totoo ba?” medyo nagaalinlangan kong tanong.

“Yes?”

Sabay kaming nagtawanan. Tinanong ko siya, “Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan pa?”

“Matagal na. Ayoko naming guluhin pantasya mo kay Rome. Pati okay na since I already discerned my vocation.”

“Loka loka ka talaga. Sure ka na bas a pagmamadre mo? Sayang ang ganda mo, teh!”

“Ganon talaga. Tinatawag ako eh.”

“Mamimiss kita.”

“Ako din pero gaga hindi pa naman ako aalis! Tutulungan pa kita sa love story mo.”

“Hindi ako nagsisisi at ikaw ang naging bestfriend ko. Alam mong sa kaibuturan ng puso ko ay mahal na mahal kita. Isang natatanging pagmamahal na sayo ko lang naramdaman.”

“Shet! Ang corny mo frend! Echos ka, pucha!”

“Hoy yang bunganga mo! May madre bang nagmumura?!” pangaasar ko sa kanya.

“Ngayon lang naman. Sinasagad ko na. baka pagpasok ko dun bawal na. hehehe”

“Baliw! Malamang bawal magmura doon.”

Maghapon kaming nagtatawanan. We cracked jokes to each other. Oo mamimiss ko ang babaeng ito. Mahal ko si Rica and my love towards her is unexplainable. It is more than friendship and more than a lover. I cannot even comprehend and explain it. Basta, I love her and I value her like a precious metal.


POV: ROME

One week before the bar incident…

“Can we talk?” tanong ni Lourdes sa akin.

“Of course. Lagi naman tayong naguusap ah,” paglalambing ko sa kanya.

“Rome, I know that it seems odd but I think we must stop this.”

“What do you mean?”

“Rome, babae ako at alam ko ang nangyayari sa paligid ko.”

“Hindi kita naiintindihan.”

“I love you Rome and I know you really love me but our relationship is over.”

Napaigtad ako sa sinabi niya. Nagtataka at gulat na gulat.

“Why? What’s wrong?”

“Rome, ramdam ko. Iba ang mahal mo at kahit ikaw ay hindi ka aware doon. Masakit man sa akin pero hindi ko na kaya. Bawat araw nararamdaman ko yung impulse nung love mo towards that person.” Umiiyak siya.

Na-guilty ako sa sinabi ni Lourdes. Pero bakit? Bakit ako tinamaan sa sinabi niya. Hinawakan niya ang dibdib ko at sinabi,

“Rome. Marami na akong cases na nabasang ganito at tanggap ko naman. Rome, mahal ka niya at ramdam kong mahal mo din sya. Alam mo kung sinong tinutukoy ko.”

Hindi ko na naiintindihan si Lourdes. May sapak na ba itong girlfriend ko. Bakit siya nagiging psychic ngayon? Suddenly, biglang pumasok sa isip ko si Amiel. Si AMiel? Bakit si Amiel ang naiisip ko ngayon?

“Lourdes, wag mo naming gawing reason iyan para hiwalayan ako. Honestly, hindi kita maintindihan at nawiwirduhan ako ngayon sa iyo. Kung ito man ay isang biro, hindi ka nakakatuwa.”

She replied while sobbing, “Im not kidding around. Maiintindihan mo din ako. Rome, I am doing this for our sake. Ayokong masaktan ako at ikaw din sa huli. Maaga pa at pwede pa nating ayusin ang pagkakamali natin.”

“Lourdes, are you crazy? Lourdes, mahal kita. Ikaw ang unang babaeng minahal ko ng ganito. Are you not contented with what I am doing?! Tell me what you want. I’ll do it in order to prove my love and dedication to you!” I angrily insisted.

“I don’t need anything. I’m tired of this Rome! Ayoko na ng ganito. Sawa na ako na tuwing nagdedate tayo ay hindi ka makapag focus dahil iniisip mo si Amiel sa kung ano mang dahilan.”

“What?! Bakit napasok si Amiel dito?”

“Alam mo kung anong ibig kong sabihin.”

Napaluha na rin ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya. I kissed her and she didn’t resist. It was a very sweet kiss. But it is a farewell kiss.

“Pagisipan mong mabuti ang lahat ng kinuwneto mo sa akin about kay Amiel. Wag sana ikaw magsisi. But for now, thank you for a month of memories and happiness. Remember, Rome, that I always loved you. I am doing this for the good of each of us.” Umiiyak siya habang sinasabi ito.

“No Lourdes. Don’t do this to me.”

She hugged me for the last time and she ran away. I tried na habulin sya ngunit mabilis siya nakapunta sa cab niya at sumakay dito.

“Lourdes, bakit mo ako iniwan?”

“Kasalanan mo ito, Amiel. Kasalanan mo itong bakla ka.”

Ito ang mga salitang nasabi ko dahil sa galit at depression na naidulot ng paghihiwalay naming ni Lourdes.

Inimbitahan ako nila Miggy sa isang bar upang mai-release ko naman daw ang stress dulot ng break up naming ni Lourdes. Nagkataon naman na nandoon si Amiel. Namiss ko ang mga kaibigan ko. Yung tawanan at gaguhan naming. May kakaiba akong feeling towards kay AMiel. Oo, cold siya sa akin. Ngunit iba nararamdaman ko sa kanya. Magkahalong galit at melancholy. Namiss ko siya. Sobra. Ngunit ang feeling na ito ay tinatalo ng galit na dulot ng hiwalayan namin ni Lourdes. Si Amiel ang sinisisi ko kung bakit. Oo siya dapat naman talaga ang sisihin.

Dahil sa kalasingan at bugso ng damdamin ay nangyari nga ang insidente sa bar kung saan binato ko ng bote ng beer si Amiel sa ulo. Late na akong naabisuhan na muntik ko na pala siyang napatay dahil sa galit. Sinabihan ako ng doctor na buti na lang daw ay hindi nagkaroon ng internal haemorrhage si Amiel sa utak o kaya naman hindi namuo ang dugo ditto kung hindi siguradong tepok itong kaibigan ko. At ako? Siguradong sa kulungan ang bagsak ko.

Natatakot din ako nung panahong iyon dahil baka kasuhan din ako ng physical injury ng pamilya ni Amiel. Ngunit bigla kong nakita ng oras na iyon si Rica. I approached her,

“Rica, I… I… I’m sorry.”

“Masaya ka na ba Rome? Masaya ka na dahil nasaktan mo nan g tuluyan si Amiel? Hindi mo ba alam na muntikan mo na siyang mapatay?”

“Hindi ko sinasadya.”

“Hindi mo sinadya? Oo nga naman no kaya pala yun ang nakita sa CCTV sa bar?”

“Rica…”

“Alam mo Rome sobrang mahal ka nung tao eh na halos isakripisyo na niya ang sarili niyang kaligayahan para mapasaya ka lang. Hindi mo ba napansin iyon?” 

Tahimik lang ako.

“Sabagay hindi mo naman nga siya maiintindihan kasi sarado ang isip mo at nilait mo siya. Pero kung tutuusin Rome mas lalaki umasta sayo si Amiel kasi si Amiel kinaya niya lahat ng mental stress. Hindi siya nag give up. Oo alam ko na rin yung rason mo na hiwalay na kayo ng girlfriend mo pero hindi iyon sapat para isisi mo kay Amiel ang lahat!” galit na turan sa akin ni Rica.

“Hindi mo ako naiintindihan kasi hindi naman ikaw ang hiniwalayan. Hindi din ako maiintindihan ng boyfriend mo kasi wala siya sa lugar ko.”

“Hindi iyon ang issue Rome. Bukod dito, napakamanhid mo. Hindi mo man lang napansin na palabas ko lang ang lahat at dinamay ko lang si Amiel sa trip ko. So naniniwala ka na may relasyon talaga kami? Nakakaawa ka. Pansariling pleasures mo lang ang nakikita mo. Minsan try mo ding i-appreciate yung mga sakripisyo ng mga tao na nasa paligid mo.”

“Wag mo akong husgahan dahil hindi mo ako ganun kakilala! At bakit ganyan ka kung magslaita? Ikaw ba si Amiel?”

“Nagsasalita ako bilang si Amiel. Sinasabi ko sayo lahat ng gusto niyang sabihin dahil hindi niya ito masasabi sa harap mo kasi bulag sya sa pagmamahal niya sa iyo!”

“Hindi ko hiningi na mahalin niya ako.”

“Bullshit. Maghanap ka ng kausap mo! At kung gusto mong humingi ng tawad, huwag sa akin kundi sa Mama niya at sa kanya mismo!”

“Rome, kahit minsan matuto kang maging sensitive hindi lang sa ibang tao maging sa sarili mo,” dagdag pa ni Rica.

Palaisipan ang mga huling sinabi sa akin ni Rica. It strucked my heart. Maging sensitive? Ganoon ba ako kamanhid? Bakit ba parang sa akin bumabagsak ang lahat ng sisi? Eh ako nga ang na-agrabyado ni Amiel eh.

Sandali, hindi totoong mag-fiancee si Amiel at Rica? Totoo ba ito? Bakit ako napaniwala nila? Shit! Ang bobo ko. Pero bakit ganito? Bakit natutuwa ako? Baliw na ba ako?

Tinawagan ako nila Miggy at Andre at kinumusta ang sugat ko. Oo, hindi lang naman naman si Amiel ang sugatan eh pati ako. Bakit parang ako ang nagiging kontrabida?

“Pre kamusta?”

“Ayos naman. Nakauwi na ako. Hindi naman daw ganun kalala mga pasa at sugat ko sa ulo.”

“Eh si Amiel?”

“Nagising na siya kanina pero di ko sya nalapitan. Nahihiya ako sa pamilya niya eh.”

“Ah ganon ba? Ahh ehh Rome totoo ba ang lahat ng sinabi mo sa bar?”

“Kalimutan niyo na muna iyon. Sana kaibigan pa din ang turing niyo kay Amiel.”

“Oo naman. Hindi magbabago ang pagtingin naming sa kanya.”

“Salamat. Ahhmm…”

“May gusto ka bang hilingin sa amin pre?”

“Wala naman. Naguguluhan lang ako.”

“Naintindihan ka naming. Kagagaling mo lang sa break up and then dumagdag pa yung engkwentro.”

“Sige. Salamat sa pagtawag.”

Pagdating ng Lunes, nakatanggap ako ng isang notice mula sa student publication naming na tanggap na raw ako sa pagiging news anchor. Kinausap ako ng adviser, si Maam Gina.

“Ipinatawag ka namin, Rome, dahil nagbago ang isip ng editorial board. Tanggap ka na para maging news anchor ng local college publication natin. Tutal good looking ka naman at matatas ka sa Filipino at English.”

Sobrang gulat na gulat ako sa narinig ko. Tuwang tuwa ako. MAtagal ko na kasing pangarap lumabas sa TV ng unibersidad namin.

“Maam, ano po yung dahilan kung bakit niyo ako tinanggap?”

“Pasalamat ka sa kaibigan mo, si Amiel. Pinatunayan niya sa amin noong nakaraang buwan na kaya mo ang gawain dito. Nagresign siya sa slot niya at mas piniling maging writer. Ayun.”

Nagulat ako sa nadinig ko. Noong isang buwan? Eh hindi na kami nagiimikan noon ah? Bakit ganoon? Nakonsensya ako bigla sa mga ginawa ko. Sinakripisyo niya ang pangarap din niyang maging broadcaster para lumakas ang political influence niya sa college naming? What? Napakabobong desisyon pero. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Pero, utang na loob ko ba ito sa kanya? Hindi siguro. Ni minsan hindi nanumbat si Amiel. Nanlambot ang tuhod ko at naluluha ako. Dumeretso ako sa simbahan para magdasal at magpasalamat nang makita ko siyang nakaupo at nakatitig lang sa tabernakulo. Hinintay ko ang sunod na mangyayari. Di ko tlga alam ang gagawin ko since naguguluhan ako sa mga emosyon ko. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Lord, kaw na ang bahala sa amin.

Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko kasi nandoon ang exit. Nakatungo lang siya at ayaw niya akong tingnan. Hinarang ko siya. Binulong ko ang maikling, “Salamat” sa kanya. Hinawi niya ang kamay ko at dumeretso siya sa paglalakad.

Naisipan ko na subukan kong buuin ang Simbang Gabi. Alam ng puso ko na may wish ako pero di macomprehend ng utak ko. Basta sinasabi sa akin ng damdamin ko na pilitin kong magsimba mula Dec. 16. Siguro dahil nga hindi pa din ako nakakamove on kay Lourdes at dumagdag pa ang panggugulo ng konsensya ko dahil sa mga nagawa ko kay Amiel.

Unang araw, shit late ako! Wala na akong mahanap na upuan. Wait, bingo meron pang isa. Tinakbo ko ito buti nakasingit ako nang nabigla ako sa nakita ko. Katabi ko si Amiel! Nagkatitigan kami at siya ang unang bumawi ng tingin. Nagulat din siya ng makita niya ako. Shit. Very awkward.

“Lord, alam ko na ang hiling ko kung sakaling matapos ko man ang buong Simbang Gabi. Sana magkabati na kami ulit ni Amiel. Sana bumalik yung dati naming closeness. Sana maging ayos na ulit kami. Kayo na po ang bahala.” Ito ang dasal na naiusal ko.

Masaya ang pakiramdam ko habang katabi ko siya. Lalo akong sumaya nang nahawakan ko ang kamay niya noong umaawit na kami ng Ama Namin. Noong una ayaw niyang iabot sa akin ang kamay niya ngunit naglakas loob na akong hablutin ito. Malamig at nanginginig ang kamay niya. Ngunit malambot ito parang baby. Hehehe. Ang sarap hawakan ng kamay niya. Pareho yatang pasmado ang kamay naming kaya pareho itong namamawis. Matapos ang awit ay pareho naming binitawan ang isa’t isa. Nakita ko siyang pinahid ang kamay niya sa damit niya kasi basa ito ng pinagsamang pawis naming dalawa.

Dumating na ang isang bagay kung saan napaluha ako. Binati niya ako ng Peace Be With You. Hindi ko alam ang gagawin ko pero bigla ko siyang niyakap. Matagal din iyon. ANg sarap ng init ng katawan niya. Hanggang bumitaw na lang ako dahil sinabi niya na nakatingin ang mga tao. Nahiya din ako sa sarili ko. Natapos ang Misa at hindi ko namalayang nagmamadali na siyang lumabas. Nalungkot ako kasi napakabilis ng mga pangyayari.






Totoo nga pala na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa’yo. Yung tipong namimiss mo siya at nalulungkot ka pag naaalala niyo ang mga dati niyong ginagawa. Yung mga moments na nasasabi mo sa sarili mo n asana bumalik yung dati, na sana hindi ko na lang ginawa iyon, na sana naging sensitive ako, na sana hindi ako naging duwag.

Matapos ang nangyari sa condo namin lubos kong pinagsisishan iyong pagbabanta ko sa kanya. Sana di ko na lang sinabi iyon. Pero alam niyo yung feeling na madinig ng personal na itinatwa ka ng kaibigan mo? Sobrang sakit. Hindi ko akalain na ganoon na kalala ang galit niya sa akin. Lalo kaming naging hostile sa isa’t isa.

Patuloy pa din akong umaattend ng Simbang Gabi. Umaasa ako na tutuparin ng Diyos ang hiling ko. Binigyan ko ang Diyos ng deadline na sana bago magPasko kaso mukhang Malabo na talaga. Hanggang sa…

ITUTULOY…