POV XAVIER
I am in a state of confusion. I am already attached towards Amiel. I dont know the reason but Im happy with this state. I know this is not normal. In fact, this is a disgrace for me. But I cant resist it. Knowing Amiel only for a month, napakarami nang nangyari. Gusto ko yung ugali niya. He is very submissive, passive, cuddly, gentle, and ewan ko I cannot describe. He's nerd but he's cool. His mistakes are very spontaneous kaya ang cute cute niya. Parang ang sarap niyang abusuhin kaso mali naman ang bagay na iyon.
Nagulat din ako sa sinabi ko kay Tita Gina na pasasayahin ko si Amiel. Iba ang naging dating sa akin nung lumaon. Pero kailangan ko ng pangatawanan ito.
First Day of Shooting...
I texted Amiel na sabay kaming pupunta sa studio sa isang building. Ito ang studio na ginagamit lahat ng broadcasting networks sa university. Pumayag naman siya. Hindi ko alam pero exicted akong makita siya.
I am waiting on the elevator and he suddenly appeared. Nagulat ako dahil kasama din niya si Rome.
Si Rome. Si Rome. Si Rome. Hindi ko pa siya ganoon kakilala pero ang alam ko puro pasakit ang binigay niya kay Amiel. Nagtataka naman talaga ako rito kay Amiel kung bakit hindi pa niya magawang lumayo sa lalaking ito kahit na palagi sya nitong sinasaktan.
Okay na ang script. Okay ang setting. Si Rome na lang ang isusupervise ko. Sana si Amiel na lang ang reporter para mas magaan ang loob ko. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko baka iba ang masabi ko. Buti na lang parating na din si Kuya Archie.
POV ROME
Nandito na naman ang mayabang na si Xavier. Akala mo kung sino. PEro buti na lang he's very professional sa trabaho. Nakakainis lang. AKala mo close na close sila ni Amiel. FYI mas matagal kaming naging mag-bestfriend ni Amiel at mas may dating naman ako sa kanya. Ha!
POV AMIEL
Iba ang aura ng mga tao dito sa studio. Sana lang matapos na agad ito. Parang nagkukumpetensya itong dalawang mokong. Nakakainis. ANo bang meron???
Napabuntung hininga na lang ako.
***********
Natapos ang shooting. Mga 3 hours lang kami nagtaping kasi 4 segments na agad ang ginawa namin. Magaling si Rome at mukhang maganda ang directing skills ni Xavier.
Nakita ko si Rome na naglalalkad papalapit sa akin. May dala siyang dalawang C2. Nang akmang ibibgay na niya sa akin iyon ay biglang sumulpot si Xavier sa likod ko at binigyan ako ng Smart C. Nagulat ako pero tinanggap ko iyon.
Lumapit din si Rome,
"Dinalhan pala kita ng maiinom kaso meron ka na pang ibang tinanggap," sarkastikong komento ni Rome habang nakatitig siya kay Xavier. Mabuti na lang at hindi nakatingin si Xavier sa kanya. Promise iba tong nararamdaman ko.
"Hindi, ayos lang. Babaunin ko nalang sa room itong dala mong C2," nakangiti kong sagot kay Rome.
Ngumirit nalang si Rome. Hindi ko alam pero mukha siyang nadisappoint.
"Punta lang akong library. May hahanapin lang akong book," paalam niya.
"Okay," ito lang ang naisagot ko.
"Amiel, samahan mo ako mamaya sa Engineering building. Makikipagkita lang ako sa kaibigan ko," yaya ni Xavier.
"Ahmm cge kaso may class ako ng 3pm," sagot ko.
"Ahmm cge ako na lang," tugon ni Xavier.
Nagmadali akong lumabas ng studio na umaasang aabutan ko si Rome. Nakita ko syang papasok ng library. Minabuti kong mag ninja moves hahaha. Im using my stealth skills upang hindi nya maramdaman na susunod ako sa kanya.
Mabilis siyang maglakad at pumunta sya sa Spanish section. Walang masyadong tao ang pumupunta doon maliban na lang kung ang estudyante ay may subject na Spanish. Dumistansya ako kasi medyo makipot na iyong hallway at makikita ako. Ngunit nabigla ako sa aking nakita.
Biglang sumulpot si Shirley. Nakita kong nagulat si Rome sa kanyang presensya. Dagli nyang hinablot ang kamay ni ROme at nilagay ito sa kanyang dibdib. Bigla niya ring hinalikan si Rome sa labi.
"Namiss mo ba ako? Bakit hindi ka na nagpaparamdam?" pang-aakit ni Shirley.
"Ano ba, SHirley? Baka may makakita sa atin. Tsaka wala naman tayong relasyon eh," angal ni Rome.
"Pakipot ka pa eh may gusto ka rin naman sa akin sabi ni Amber? Hindi ka ba tinitigasan sa akin?" malanding panunuyo ni Shirley.
Hinablot ni Shirley ang pundiyo ng pantaloon ni Rome at pakiramdam ko tinamaan si Rome sa himas ni SHirley. Grabe namula ako sa pagkabigla at pagseselos sa nakita kong mga pangyayari. GUsto ko silang gambalain. Ayaw kong matuloy ang binabalak nila. Ang ginawa ko na lang ay binuksan ko ang pinto at nilakasan ang yabag ng aking mga paa. Lumapit ako sa kinaroroonan nila malapit sa mga shelf ng Spanish novels. Nagkunwari akong nagulat dahil nakita ko si Rome. Pawisan siya. Walang hiya talagang lalaki to oh.
"Uy nandito ka pala," patay malisya kong bati.
"Ah eh may kukunin nga diba akong libro?" kinakabahan niyang tugon. Namumutla siya.
"Hi, Shirley" nakangit kong bati sa malanding babaeng iyon.
"Hello, Amiel. Hihiram ka din ba ng libro? Uy mauuna na ako," papalayong sabi ni SHirley.
May kinuha akong libro. La Numancia ang title. Kukunin ko nmn tlga ang librong ito para basahin wala lang akong oras. Hahaha.
Papalabas na ako ng kwarto upang ibaba sa teller ang libro since walang librarian dito kasi nga konti lang ang taong pumupunta. SInabayan niya ako bitbit naman ang librong La Galatea. Hindi ko sya pinapansin kahit sabay kaming naglalakad. Napansin yata ng loko na may alam ako kaya umakbay siya. Ito ang lagi niyang ginagawa pag nananahimik ako or cold sa kanya. Siya ang unang mangungulit or mag-aapproach sa akin.
"Okay ka lang? Sorry mukhang napagod ka sa amin ni Xavier kanina sa shooting," bungad niya.
"Libro pala huh," nadulas kong sabi.
"May nakita ka ba?" Nanlalaki mga mata niya. Ang lakas ng kutob ng taong ito.
Ngumiti lang ako. Buti na lang dumating na ang elevator at naiwas sa topic. Buti na lang.
Nagpatuloy ang ganitong set up. Halos naguunahan lagi si Rome at Xavier na puntahan ako. Oo nakakahalata naman ako na nakikipagkumpetensya sila sa isa't isa. Bakit ba? Assuming talaga ako kaya nga ako nasaktan noong naging magsyota si Rome at si Lourdes eh.... Wait si Lourdes. Nasan na nga pala siya? Wala na akong balita sa kanya. Well, hindi pala dito nagtatapos ang role niya sa kwento ko. NAkita ko siya sa Starbucks malapit sa campus.
After I purchased my caramel frappe, nagulat ako pagharap ko sa pintuan ng store. Yes, there she is. Si Lourdes. Nagulat ako sa kanya at nanlaki ang aking mga mata. Nagulat din siya. As a sign of courtesy pinagbuksan ko siya ng pinto. Pagkapasok niya, she immediately hugged me. Naguguluhan ako. Hindi naman kami ganoon ka-close nung sila pa ni Rome.
"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin.
"Ahh ehh ayos lang ako. Ikaw ba? Ngayon lang kita nakita" sagot ko naman sa kanya.
"Pwede bang mag-usap muna tayo. My treat. Dont worry. Hindi ako galit sa'yo" deretsahang pagyaya niya sa akin.
"S-s-sur-e-e..." nauutal kong sagot.
Naupo kami and she ordered a cup of coffee and two slices of cinnamon roll. Medyo awkward noong una kaya ako na mismo ang bumasag ng aming katahimikan.
"Ahmm, Lourdes? Anong paguusapan natin?"
"Kamusta na kayo ni Rome? Kayo na ba?"
"I think you got the wrong notion?"
"Why? Binigay ko na siya sa'yo? Hindi mo pa rin ba grinab?" nagpapatawa niyang sagot.
"Ahh ehhh hindi kita naiintindihan?"
"So hindi pa kayo?"
"Hindi pa at mukhang imposibleng maging kami. Pareho kaming lalaki ano?"
"Dont fool me. Alam ko naman na mahal na mahal mo si Rome noon pa."
Nanlamig ako sa tinruan ni Lordes. Nagulat ako. Bakit alam niya?
"Dont worry. Kahit masakit sa akin noon pinalaya ko siya kasi alam kong mas magiging masaya siya sayo and ayoko naman na napipilitan lang siya sa akin. Huhuhu." lukaret na dagdag ni Lourdes.
"Ahmmm Lourdes, naguguluhan ako? Bakit mo ito sinasabi sa akin?"
"Kasi kailangan kita ngayon. Iligtas mo si Rome. May babaeng lumalandi sa kanya. She's a bitch. Wala siyang manners."
"Ha???"
"Shirley. Yun. Yun ang pangalan na nadinig ko."
"Shirley? Kilala ko siya. Kaklase namin siya. Pinopormahan siya ni Rome dati kaso parang nawala."
"Kasi sinampal ko siya. Sinampal ko siya hindi dahil sa nagseselos ako o may nararamdaman ako sa kanya. I admit medyo masakit pa rin sa akin. Pero ang tanga tanga niya ipagpapalit nalang niya ako eh sa bitchesa at mukhang pokpok pa," nanggagalaiting pangangatwiran ni Lourdes.
"So kaya mo ako ngyaon nilalapitan dahil sa insecurities mo?" inosente kong tugon.
"Tama si Rome. Slow ka nga. Hindi mo ba nakukuha ang gusto kong sabihin?"
Tumaas lang ang kilay ko.
"May nararamdaman ka pa ba kay Rome?"
"Oo"
"Mahal mo siya?"
"Oo?" nagulat ako dahil ito ang katagang naisambulat ko.
"Hindi ka ba nagseselos kapag nilalandi siya ni SHirley at pag nakikita mong tinotolerate naman ito ng malanding bestfriend mo?! Hindi mo ba nakikita na ginagawa ko ito para sayo?" seryoso niyang tingin.
"Nagseselos. Pero bakit ba ikaw nagrereact ng ganyan? Ginagawa mo ba ito para talaga sa akin o nasasaktan ka lang?"
"Hmmm. Alam ko Amiel na hindi tyao ganun ka-close pero mas gugustuhin ko pang mapunta sya sa piling mo kesa sa malanding Shirley na yun."
Natulala na naman ako sa mga sinabi ni Lourdes. Hindi ko ito inaasahan.
"Amiel, may feelings para sayo si Rome. Wag mong sayangin ang mga nalalabing pagkakataon. Baka mamalayan mo isang araw mawala yung apoy na iyon sa puso niya."
"Wag mo na akong bolahin Lourdes."
"Hindi ako nagsisinungaling. Isnatch mo yung Cattleya notebook niya. Ewan ko kung nadoon pa iyon. Magugulat ka sa mga nakasulat."
Nagiisip. Naguguluhan. Ito ang nararamdaman ko.
At the very first, akala ko naawa lang sa akin si Rome. Lahat ng ginagawa niya ay due to self pity. Lahat ay pagpapanggap. Seryoso. Pero kung totoo ang sinasabi ni Lourdes, bakit parang may kirot pa din na nararamdaman ang puso ko. Marami nang nangyaring nakakakilig sa amin ni Rome. I set up barricades and barriers to prevent myself from falling. There are victories, there are losses but the former is more numerous. Akala ko ang lahat ay dala lang ng awa o naguguluhan lang sa sarili si Rome or baka hindi pa din sya nakaka-move on kaya ako ang nakikita niya.
When ROme kissed me, it is one of the happiest moment in my life. Yes, it is bittersweet pero alam mo yung feeling na dumampi sa labi mo ang labi ng pinakamamahal mong tao.
"Amiel, tutulungan kita. Dont worry. Maybe Shirley has the guts but I know I can control some events."
Papatusin ko kaya ang plano ni Lourdes? Ang labo ng mga pangyayari. Pero...
"Mahal ko si Rome..." ito ang tanging lumabas sa bibig ko.
"Minahal ko rin siya. Kaibigan ko siya. At gusto kong mapunta siya sa tamang tao. At ikaw iyon Amiel. Naniniwala akong ikaw iyon," naluluhang sabi ni Lourdes.
**********
POV XAVIER
Nakakahalata na kaya si Amiel sa mga palipad hangin ko? Hmp. Kaso lagi nalang si Rome ang kasama niya. Unfair ang laban. Kaklase niya ito at ako ni hindi pa nga ako nageenroll eh. Kailan ko nang sumubok ng ibang paraan. Amiel gusto kita. Nalilito ako sa sarili ko pero umaasa ako na papansinin mo din ang damdamin ko para sayo.
ITUTULOY....