Sunday, January 5, 2014

I NEED TO PART 9




Hindi maalis sa isip ko yung pakikipagkamay ko kay Xavier. Bakit ganoon ang naramdaman ko? Ang bilis ng tibok ng aking puso nung oras na iyon. Hindi ko maipaliwanag. Ang tanging naiisip ko nung kinamayan ko siya ay iyong una naming pagkikita ni Rome.

Si Rome. Actually namimiss ko na siya. Kinikilig ako tuwing naaalala ko yung nangyari sa amin nung University Christmas Party Celebration. During the fireworks presentation. Ang saya saya ko noong oras na iyon.

May nareceive akong text mula kay Rome.

“Merry Christmas sa aking bestfriend! Sana masaya ka ngayong Pasko kahit hindi mo ako kasama. Hahhaa. Joke. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Yung mga nasabi ko sayo totoo lahat iyon. Handa akong maghintay.”

Natouch naman ako sa text na iyon. Nireplyan ko siya ng “Merry Christmas din. Don’t worry napatawad na kita.” I received another text, “Pwede ba kitang tawagan?”. Rereplyan ko na sana ng oo nang biglang sumulpot sa harapan ko si Xavier na bigla kong ikinagulat. Napasigaw ako.

“Bakit ka nandito?! Nakakagulat ka!” sabi ko.

“Sorry bro. Pinapunta kami ni Tita Gina kaya nandito. Gusto ko sana na makakwentuhan ka kaya hinahanap kita,” sagot ni Xavier.

“Ah eh sorry. Nagulat talaga ako sayo.”

Umupo siya.

“Kamusta? Tagal nating hindi nagkita ahh.”

Feeling close?

“Ah eh ayos naman. Ikaw? Ang bata pa natin nung umalis ka.”

“Oo nga eh. Biglaa yun eh. Buti naaalala mo pa.”

“Ah eh oo.”

“Bakit paragn awkward ka sa akin?”

“Hindi naman. Ganito lang talaga ako.”

“Okay sige. Sabi mo eh. Saan ka pala pumapasok?”

“Sa U******. Psychology ang course ko.”

“Wow diyan ko din balak pumasok next school year.”

“Ayos yun. Magkikita tayo lagi. Ah eh matutulungan kita sa pagpasok mo.”

“Talaga? Tutulungan mo ako.” Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Napatitig ako sa mukha niya. Hindi siya ganoon ka pogi pero may appeal. His eyes are very remarkable. Full of soul. So sincere. Nangungusap. Nakakaakit.

“Tara pasyal kita ditto sa bayan?”

“That’s a good idea.”

Halos dalawang linggo ang setup naming ni Xavier na ganito. Kwentuhan, gaguhan, lakwatsa, masaya. Naging close agad kami at napalapit sa isa’t isa. Parang bumalik yung pagkabata namin.

Bumalik ako ng Maynila nang sumunod na linggo dahil may pasok na. As usual ine-expect ko na susunduin ako ni Rome. Pero hindi. Na-disappoint ako. Bigla akong naalala. Shit. Two weeks kong hindi nirereplyan at kinakausap si Rome. Shet! Baka biglang nagtampo iyon. OMG. Kailangan ko siyang makausap agad!

Madali akong pumasok sa school at nakita ko kaagad siya ngunit may kasama siyang lalaki at isang babae. Maganda iyong babae, si Shirley. Yung lalaki niyang kaklase ay si Amber. Umalis na si Shirley at naisip kong sundan si Amber at Rome at pakinggan ang kanilang usapan.

“Pre ayos ba si Shirley? Type mo ba?” tanong ni Amber.

“Maganda si Shirley pero ayoko muna seryosohin to. Saka ko na siya liligawan.\,” sagot ni Rome.

“Hina mo naman bro. Sino ba ang nasa isip mo ngayon? Bakit ayaw mong patusin si Shirley? Sino ba gusto mo? Si Amiel? Hahahaha”

“Gago ka. Huwag mo na muna akong pakialaman. Watch my moves.”

“Ikaw bahala. Halata naming gusto ka din ni Shirley.”

Nagulat ako sa mga narinig ko. Halos two months palang silang break ni Lourdes at eto may kinakalantari na naman siyang iba. Wait, anu ba to? Nagseselos ba ako? Bakit parang ang lapit lapit nila ni Amber. Oo nakakapagselos. May basis naman ako para magtampo diba? Pero naalala ko halos two weeks ko siyang hindi siansagot. Iyon baa ng dahilan kung bakit naging malapit sila ni Amber? Kung bakit kinakalantari niya ngayon si Shirley? Kainis. Napakalandi mo Rome.

Naglalakad akong nakasimangot nang bigla akong ginulat ni Rica. 

“Oh bakit nakasimangot ka diyan?”

Kinuwento ko ang nangyari at ang mga narinig ko kay Rica.

“Ikaw naman kasi friend ang tanga tanga mo. Umasa ka na naman. Alalahanin mo confused pa din si Rome at sa itsura ni Rome mukhang naghahanap ng chicks iyan. Hanap ka na lang ng iba.”

“Oo nga no. Haist. Ako na naman siguro itong talo dito,” malamig kong tugon.

“Oh siya. Hinay hinay muna ng pakikipaglandian huh. Baka masaktan ka na naman.”

“Yes madam. Kaw talaga.”

Nagpaalam kami ni Rica sa isa’t isa.

Pumasok ako sa classroom. Naroon na si Rome sa kanyang upuan at umupo na ako. Nakita ko siya may katext. Nakangit siya at mukhang kinikilig. Shit. Nakakapagselos. Nag-init ang pisngi at tenga ko. Ako na ang nag-initiate na magsalita kasi mukhang wala siyang balak na kausapin ako.

“Sorry hindi kita narereplyan this past two weeks. Nagkaroon kasi kami ng bisita sa bahay kaya lagi akong busy.”

“Ayos lang iyon.” Matipid niyang sagot.

Hindi kami nagkikibuan maghapon kasi  busy siya sa katext niya. Bahala siya.

Buong linggo akong nagseselos at naghihintay kung kalian babalik sweetness niya. Ngunit nagkamali ako. Mukhang wala siyang balak maging sweet at makipagkulitan sa akin. Mas lalo yatang nagiging malapit sila ni Shirley dahil may times na magkasabay silang pumapasok at minsan kumakain sila ng lunch. Nabalitaan ko din kay Amber na nagde-date na din sila noong sumunod na linggo. Oo ako na naman ang talo. Simula palang ng taon nasaktan agad ako. Tama na siguro. Bahala na si Rome sa buhay niya.

*****
Two weeks na lang at malapit na ang Valentines. Shit. Valentines. Malamang magdedate at masaya si Rome. Eh ako paano ako? Ayun nagmumukmok sa isang tabi at nagseselos at nasasaktan. Pero, I made a resolution. Magfofocus na lang lalo ako sa pag-aaral ko. Magpapaka-active na rin ako sa student paper kaso nagtatrabaho din si Rome doon as a broadcaster pero bahala na.

POV: ROME
            Shirley is fun to be with. This girl is cool. Nagkakasundo kami. Minsan naiisip ko na sana mas nauna ko na lang siyang nakilala kaysa kay Lourdes. Feeling ko magcclick yung relationship namin. Pero di ko muna seseryosohin to.

Isang araw bigla akong in-approach ni Steve…

“Bro, may problema na naman ba kayo ni Amiel?” tanong ni Steve.

“Wala naman. Bakit?” sagot ko.

“Ah kasi napapansin ko madalang kayo magpansinan.”

“Ah wala yun.”

            Oo nga pala. Si Amiel. Masyado akong nagfocus kay Shirley. Nakakainis naman kasi siya two weeks niya akong hindi sinisipot. Tinamad na tuloy ko. At saka mabuti na rin na magfocus ako sa babae kesa sa lalaki. Maaayos pa naman siguro itong nararamdaman ko. Magagamot ito. Malilimutan ko din iyong feelings ko sa kanya. Lalaki ako at medyo naging clingy lang talaga ako noong mga nakaraang buwan.

            Isang araw ipinatawag ako ng student publication namin. This is it. This is my first break. Eto ang unang beses na ilalabas ang mukha ko sa telebisyon ng aming local college. Grabe excited ako.

            Nauna ako dumating sa office nang na-meet ko ang editor in chief na siya ring Chief of Staff ng project. Medyo magaan na ang loob ko sa mga katrabaho ko. Mabait at approachable sila. Ang EIC ng publication ay si Kuya Archie. 4th year college na siya at very dedicated sa kanyang trabaho. Passion niya talaga ang Journalism kahit related sa social science ang kursong kinukuha niya. 

“So Rome, hintayin nalang muna natin ang magiging researcher at scriptwriter mo. Dadating na din ang magiging director ng inyong segment,” sabi ni kuya Archie.

“Yung director po ba ay student din?” tanong ko.

“Actually, yes.. Pero hindi siya estudyante ngayon. Next year sya mag-eenroll.”

“Ahh. Pero ka-age ko po ba siya?”

“Of course. Ka-batch niyo siya.”

“Okay. Im excited to meet him or her?”

“Him. Lalaki kayong tatlo sa segment na ito.”

“I see. Sana maging kasundo mo sila.”

“Malamang magiging kasundo mo yung scriptwriter kasi…”

May biglang pumasok sa pinto. Dalawang lalaki ang naaninag ko. Nagulat ako sa nakita ko. Si Amiel at isang lalaking kasingtangkad ko na may dating. Nagtataka ako dahil mukhang magkakilala at close sila ni Amiel. Parang matagal na silang magkakilala. Intriguing. Nagkatitigan kami ni Amiel pero nauna siyang umalis ng tingin.

“So kumpleto na tayo. Rome, siguro kilala mo na si Amiel. Hahaha. He’s the one who will be the scriptwriter of the program. Meanwhile, Rome meet Xavier. He will be your director. Xavier is a renowned young amateur and nonprofessional director in Los Angeles. He received numerous awards during his high school years. I hope the three of you will produce chemistry,” sabi ni Kuya Archie.

“Nice to meet you,” sabay abot ng kamay ni Xavier.

“Same here. My name is Rome.”

“I’m Xavier. And I will introduce you to your scriptwriter…”

“I know him. We’re friends, right?”

“Ah yes yes” gulat na sambit ni Amiel.

            Bakit ganon ang sagot ni Amiel? Parang nagaalinlangan siyang sabihin na magkaibigan kami?
“Xavier, start the business,” utos ni Kuya Archie.

“Okay technically Rome and Amiel under ko kayong dalawa. Rome, hindi ka mas mataas kay Amiel and vice versa. Understand?” panimula ni Xavier.

Tumango kaming pareho ni Amiel.

“Amiel, basic rule. I won’t dictate you.  But I want the script two days before the filming date.”

“Noted.”

“Rome, hindi pa kita ganoon kakilala unlike Amiel so ang assumption ko lang ay mabilis kang magsaulo ng script just like what Amiel said?”

“Yup.”

“Good. Ahmmm first episode daw natin ay i-feature ang isang professor in this college. Amiel, sayo ko ipagkakatiwala yung flow ng show. Make it only 15 minutes. Can you give me the outline after two four days?”

“Okay.”

“Thank you. Well, dito na tayo magtatapos.”

“Ahmm anong gagawin­ ko, Xavier?” tanong ko.

“Wala,” brusko niyang tugon. “Joke lang. Hintayin nalang muna natin yung script.”

Naiinis ako ditto kay Xavier. Sobrang yabang. Akala mo kung sino eh bago lang naman siya ditto sa office. Eh ano naman kung marami siyang awards sa America? Hello? Nasa Pilipinas kaya siya. 

Lumapit si Xavier kay Amiel at hinawakan ang balikat nito. Pinisi niya ito. Nasaktan si Amiel kasi medyo malakas ang pagkakakurot niya.

“Aray. Sakit ah,” angal ni Amiel.

“Sorry na. Tara let’s eat. May one hour pa naman before yung klase mo right?” yaya ni Xavier.

“Ah okay sure. Saan?” tanong ni Amiel.

“Ikaw bahala,” sagot ni Xavier.

“Tara mag-Starbucks.”

“Tara. Help me to complete my stickers.”

“Sige wag na lang pala doon. Hahaha.”

            Sinundot ni Xavier si Amiel sa tagiliran na ikinagulat ni Amiel pero halata sa mukha niya na nakikiliti siya. Pareho kaming nabigla sa ginawa ni Xavier. Nagulat ako dahil parang ganun na kalalim ang relationship nila. Halata din sa mata ni Amiel yung pagkabigla. 

            Nakita ni Amiel na nakatingin ako sa kanila. Nailang siya at biglang tumayo at niyaya nang lumabas si Xavier. Nahiya ako sa oras na iyon.

“Ok lang iyan,” nagulat ako biglang nagsalita si Kuya Archie.

“Po?” tanong ko.

“Don’t deny. Matagal ko na kayong napapansin. Oh sya alis na muna ako,” sagot ni Kuya Archie.
Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kuya Archie. Paano kaya ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?


POV: AMIEL

“Ok ka lang ba? Bakit bigla kang nanahimik?” Xavier asked.
“Nothing,” sagot ko.
            Matagal tagal na rin palang ganito ang set-up naming ni Xavier. Halos lagi kaming magkasama simula noong duamting siya sa probinsya. Ewan ko. Maraming nagbago sa amin pero nandoon pa din yung childish features niya nung bata pa kami. Medyo hindi ko lang talaga masakyan yung angas niya pag minsan.

Nasa loob kami ng Starbucks a we’re drinking our frappe when Xavier suddenly asked, “Tell me more about Rome.” Ikinuwento ko naman ang lahat.

“I heard from Tita Gina that you and Rome are bestfriends,” sabi ni Xavier.

I nodded as a sign of agreeing.

“But there is something wrong right?”

“I guess so,” nadulas kong sabi sa kanya.

“I knew it. Tama ang hinala ko sa mga kwento ni Tia.”

“What?”

“You and Rome are more than friends right?”

“I don’t know what you’re talking.”

“Tita narrated to me what happened in the bar incident and paano kayo nagkabati. Kinuwento din niya kung gaano kayo ka-close at kung gaano mo siya kabilis pinatawad. Even Tita is confused kung bakit ganun ka kabait sa kanya.”

I buffered.

“Sabi pa nga ni Tita sana raw ako na lang ang naging bestfriend instead kay Rome. Sorry for saying this to you. But your mom doesn’t trust him.”

“I know and hindi ko siya masisisi.”

“There is something more I want to know.”

Naramdaman ko na itatanong niya ang sexual preference ko kaya mabilis kong binago ang usapan. Bingo!

“Ahm Xavier malapit nang mag-time. I gonna get start walking to my building.”

“Hatid na kita.”

“No need.”

“I insist.”

Wala na akong nagawa kundi pumayag na lang. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Naiilang ako pero ok na rin ito. Buti na lang kasi nasalubong naming magkasama si Shirley at si Rome. Nagulat si Rome ng makita kami ni Xavier habang nakaakbay ito sa akin. Pinauna na niyang pumasok si Shirley dahil may itatanong daw it okay Xavier.

Bumitiw si Xavier sa pagkakaakbay ng lumapit si Rome na maangas din ang dating. Nagtanong itong si Rome,

“Pre ask ko lang kung kalian ang shooting natin.”

Napansin siguro ni Xavier ang brusko at kakaibang asal ni Rome sa kanya kaya sumagot din ito ng pabalang.

“Kung kalian ko gusto.”

Nanlaki ang mata ni Rome dahil halatang barado ito sa sinambit ni Xavier. Humarang ako at nagsalita,

“Wala pang exact date kasi hindi ko pa po nagagawa ang script, Haring Rome.” Sarcastic ang tono ko.

“Oh sya alis na ako Miel.”

“Sige bye ingat ka.”

“Tara pasok na tayo sa room?” inosente kong yaya kay Rome.

Tumango lang siya. Umupo kami sa aming designated seats. Hindi mapakali si Romeng araw na iyon. Alam ko nagnanakaw siya ng tingin sa akin. Everytime na hindi ako nakatingin eh sinisipat niya ang mukha ko tapos kapag akmang huhulihin ko siya eh ililingon niya ang kanyang leeg. Clueless ako kung anong problema niya.

Vacant kami ng isang oras dahil wala kaming prof. Nagrequest siya.

“Miel, pahiram ng phone?” sabi ni Rome.

Nagulat ako dahil siya ang unang nag-initiate ng usapan after ilang weeks.

“Bakit?” sagot ko.

“Palaro. Please?”

“May sarili ka naming phone diba?”

“Gusto ko yung games mo sa phone mo.”

“Ayos ka lang? Alam mong hindi ako naggagames sa phone ko.”

“Yung…yung Snake! Ang damot mo naman eh!” medyo napasigaw siya na ikinagulat ko. Namisiterpret koi yon na nagalit siya.

“Eto,” malamig kong tugon.

“Uy sorry di ko sinasadya. Hindi ako galit. Don’t worry.”

Hindi ako sumagot.

“Ui…ui…wag kang magalit sa akin. Nabigla lang talaga ako,” panunuyo ni Rome sabay haplos sa aking dibdib.

Tinabig ko siya at sinabi, “Pakibalik nalang ng phone kop ag tapos ka na maglaro. Huwag mong uubusin yung charge.” Tumayo ako at lalabas na sana nang,

“Saan ka pupunta?”

“Diyan lang sa labas.”

“Anong gagawin mo doon? Ayaw mo ba akong panoorin maglaro tulad ng dati?” Hinawakan niya ang braso ko na parang pipigilan akong lumabas.

“It’s none of your business.” Mabilis akong naglakad papalabas. Alam kong sinundan niya ako pero hindi niya ako inabutan. Buti nalang.

POV: ROME

Ano ba itong nagawa ko? Matampuhin nga pala itong si Amiel. Shit. Bakit nawala yun sa isip ko? Pero okay na rin. Bakit ba hindi ako mapakali ngayon? Hindi talaga ako mapapanatag. 

Namalayan ko na lang ang sarili ko na binuksan ang inbox ng phone ni Amiel at unang unang nakita kong thread ay yung conversation nila ni Xavier. Kinakabahan ako pero binuksan ko pa din. I scrolled from the top and ito ay nung January lang nagstart. In fairness, ang haba ng thread nila. Kwentuhan at bakit ganoon? Parang ang sweet nila? Nagseselos ba ako? Hindi. I’m just confused. Nawalan na ako ng gana maglaro since itong panghahack nmn ng inbox ang purpose ko eh. Mission accomplished.

Hinanap ko si Amiel at ito’y nasa bench lang sa labas ng room naming. Binigay ko yung phone niya at inakbayan ko siya.

“Miel?”

“Oh?”

“Sorry na.”

“Ok.”

“Ala naman eh. Singaw sa ilong mo eh. Sorry na please?”

“Oo na nga.”

“Please? Sorry na huhuhuhu (iyak iyakan mode). Di ko naman sinasadya eh. Promise. I swear.”

“Oo nga. Umalis ka na nagbabasa ako.”

“Hindi ka na galit sa akin?”

“Oo nga!”

“Sungit. Eh bakit ayaw mong tumingin sa akin?”

“EH ano ngayon?”

“Tingnan mo ako sa mata at sabihin mong hindi ka na galit.”

“Wow. Demanding.”

Sinundot ko siya sa tagiliran at napayuko siya sa sakit at kiliti. Pinagpatuloy koi yon hanggang tumingin na siya sa akin at ginawa ang sinabi ko.

“OO na tang ina. Hindi na ako galit. Tama na. Nakikiliti na talaga ako! HAhahahaha” pagmamakaawa ni Amiel.

Nawala lang sa momentum yung kulitan naming ng may nagtext sa kanya. Si Xavier. Nireplyan niya naman ito

Xavier: What time is your dismissal, Miel?
Amiel: 5PM. Why?
Xavier: Nice. Can I ask you to go out? Let’s watch a movie.
Amiel: Ahhh di ako pwede tonight eh. I have something to do.
Xavier: Sayang naman.
Amiel: Sorry. Bawi ako next time.

Haist. Buti nga. Tinanggihan ni Amiel. What a relief. Akala ko papayag si Amiel. Anu yun magdedate sila? Ulol?

Kaso biglang dumaan si Shirley at umupo sa tabi ko.

“Ah eh… Aalis na ako. Baka nakakaabala ako sa inyo,” pokerface na remarks ni Amiel.
Hindi ako nakasagot. Medyo tinamaan ako. May dating yung sinabi niya. Kainis. Nabara niya ako ngayon ah.

Pagdaan niya sa amin ni Shirley ay may salita siyang ibinulong na accidentally narinig naming dalawa. Napataas ang kilay ni Shirley ng marinig iyon at napatayo din ako dahil mukhang napikon si Shirley sa sinabi ni Amiel. 

“Malandi.” Ito ang salitang narinig ko.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment