Wednesday, January 8, 2014

I NEED TO 10




I NEED TO 10

POV ROME

“What did you said?” mataray na tanong ni Shirley kay Amiel.

“Excuse me?” sagot ni Amiel.

“Sinong sinasabihan mo ng malandi?” naiinis na tanong ni Shirley.

“Wala, bakit ba?” muling sagot ni Amiel.

“Hoy Amiel Enriquez. Dinig na dinig kita. Sinasabihan mo ako ng malandi. May nagawa ba akong masama sa iyo?”

“Actually hindi ikaw ang sinasabihan ko. Binabasa ko ang text sa akin ng kaibigan ko,” depensa ni Amiel sabay pinakita sa amin ang text message ni Rica.

Napahiya si Shirley at nag-apologize. Grabe nakahinga ako ng maluwag ng oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit biglang ganoon ang inaasal ni Amiel. Sigurado ako hindi lang nagkataon iyon. Sinadya iyon ni Amiel.


Sa loob ng klase…


“Miel okay ka lang?” tanong ko.

Tumango lang siya. Feeling ko nagseselos siya at may tampo na naman siya sa akin.

Hindi ko na muna tinuloy yung lakad namin ni Shirley mamaya. Babawi muna siguro ako kay Amiel. Parang ang tagal naming hindi nagkakasama. Namiss ko siya seryoso. Paano kaya ako babawi sa kanya? Bahala na mamaya. Yayain ko na lang siya kung saan.

Sinundot ko yung pisngi niya.

Napatingin siya sa akin na kulang na lang ang sabihiin niya ay anong problema ko. Nakakunot ang noo. Ang sungit talaga ng taong ito. Pero ito ang gusto ko sa kanya eh. Hehehehe.

“Kain tayo after class?” yaya ko sa kanya.

“Busog pa ako eh,” sagot niya.

“Ahmmm samahan mo na lang ako kumain?”

“Bakit? Kailangan mo ng taga subo?”

“Sungit. Wag na nga lang. Namiss lang naman kita eh.”

“Wow huh. Araw araw kaya tayong magkatabi.”

“Araw araw nga pero parang wala ka rin naman kasi sobrang tahimik mo.”

“Ako pa may kasalanan sa yo?”

“Hindi naman. Naiinis lang ako dahil nagbago ka na. Napakatahimik, napaka modest at napaka-cold mo sa akin ngayon.”

“Tapos?” sarcastic niyang tugon.

Naiiinis na ako nang oras na iyon. Parang sinsasadya niyang maging sarcastic. Parang useless ang pag-eemote ko. Huminga ako ng malalim. Magiging sarcastic na rin ako.

“Akala ko lang naman kasi po ay okay na tayo matapos yung mga nangyari last year?”

Tumingin lang ulit siya sa mga mata ko. “Ano bang gusto mo mangyari?”

“Bumalik yung dati.”

“Okay.”

Hindi ko namalayan na dinismiss na kami ng prof namin. Buti na lang hindi naabala yung klase sa arguemnto namin ni Amiel.

Dali dali siyang tumayo. Pinigil ko siya. Hinawakan ko kamay niya.

“Bakit?”

“Eh di ba sasamahan mo pa ako kumain?”

“Oo nga pala.”

Napabuntung hininga siya. Nakakainis naman tong taong ito oh. Minsan na nga lang ako magrequest.

POV AMIEL

Narito kami ngayon at kumakain. Oo, kumakain na rin ako. Di ko matiis ang gutom ko. Sorry na hahaha. Kumain kami sa Adobo Connection. Ewan ko ang sarap ng kain naming dalawa.

“Akala ko ba hindi ka nagugutom?” nang iinis na tanong ni Rome. 

“Ah eh nagutom ako bigla. Bakit ba?” balasubas kong sagot.

“Iniiwasan mo na naman ba ako?”

“Wow nahiya naman ako sayo. Kapal ah.”

“Tara sa condo.”

“Bakit? Anong gagawin natin?”

“Inuman?”

“Anong meron?”

“La lang. Gusto ko lang ng kakwentuhan.”

“Ah. Kausapin mo mga nasa katabing kwarto mo,” pilosopo kong sagot.

Tumaas ang kilay ni Rome. Feeling ko napipikon na siya sa akin.

“Joke lang. Tara,” sabi ko. Hindi ko alam kung tama sinagot ko. Hindi ko yata alam ang pinapasok ko.



Nasa loob na kami ng condo ni Rome. As usual magulo ito. Kwarto ng isang lalaki. Nilabas niya ang ilang beer-in-can. Umorder din siya ng pizza para pulutan namin. I helped him to fry some prawn crackers. We watched a movie. Ako pinapili niya. Horror ang pinili ko dahil alam kong ayaw niya noon. Hindi ko alam kung bakit pumayag siya agad at hindi na siya nakipagargue pa sa akin.

Alam kong takot siya. Oo duwag siya sa mga horror movies dahil bigla na lang siyang napapakapit sa braso ko since nakaupo siya sa sofa at nasa sahig naman ako. Natatawa ako sa scene na iyon. Kilig? Ewan ko. May tama na yata ako.

Malapit na matapos ang movie at hindi pa ubos ang aming alak. Medyo may tama na ako dahil medyo malala na ang antok ko. Namumula na rin siya at humihikab. Bumaba siya bigla sa sahig at tumabi sa akin. Nagkadikit ang aming mga braso. Bigla siyang nag-initiate ng usapan.

“Kamusta ka naman?” tanong niya.

“Ayos naman ako,” sagot ko.

“Namiss kita.”

Tinungga ko lang ang aking beer bilang pagsagot. Bigla akong inatake ng hiccup.

Namalayan na lang namin na bigla na lang umuulan ng malakas sa labas. Lalong lumamig sa unit niya dahil na rin sa aircon.

“Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?” tanong niya sa akin.

“Wala naman. As usual, pag-aaral tapos yung sa publication.”

“Oo nga pala. No offence, hindi ka ba nababagot sa buhay mo?”

Pumanting ang tenga ko. Ito ang ayoko sa lahat. Yung mas marunong pa sa akin at pinakikialaman ako.

“Anong ibig mong sabihin?!” medyo tumaas ang boses ko.

“Easy lang. Napapansin ko lang kasi na parang routine lang lagi ang ginagawa mo. Ayaw mo magventure sa mga new things.”

“Wala kang alam sa mga ginagawa ko sa buhay. In short, wala kang pakialam.” Nilapag ko yung lata ng beer sa table.

“Uy wag ka namang magalit. Hindi ko naman intension na laitin ang buhay mo. Nagtataka lang kasi ako.”

Hindi na lang ako umimik tutal hindi rin naman siya papatalo at ipipilit niya na gayahin ko siya na paYOLO YOLO lang. Tsss. I hate that outlook. Sobrang carefree. Hindi nila ako katulad. May sense of responsibility ako. 

“Galit ka ba?”

“Hindi. Naiinis lang.”

“Sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi na ako mangingialam.”

Bumuntong hininga na lang ako. Bigla siyang umakbay sa akin.

“Bakit?”

“Wala lang. Masama bang umakbay?”

Hindi ako sumagot.

“Namimiss ko iyong dating ikaw.”

“Hindi kita naiintindihan.”

Tumingin siya sa mga mata ko. “Namimiss ko yung dating ikaw. Yung dati. Yung Amiel na mabait. Yung hindi masungit. Yung maalalahanin. Yung laging concern sa akin. Yung Amiel na handa lagging makinig. Yung Amiel na hindi kaharap ko ngayon.”

Ngumiti ako. Nakita ko na lang na naluluha ang mga mata niya. Napatungo na lang ako dahil naawa ako sa kanya. Hindi ko siya kayang makita ng ganoon. Hindi ko siya matiis.

“Hindi naman ako ang nagbago eh. Ikaw.”

“Oo siguro may pinagbago nga ako pero pareho tayo. Simula ng makilala mo yung Xavier na iyan. Nag-iba ka na.”

“Bakit ikaw? Eh di ba best buds kayo ni Amber?”

“Bakit pati si Amber napasok ditto?”

“EH bakit si Xavier dinadamay mo?”

“Kasi nga…Argghhh. Nawawalan ka na kasi ng time sa akin…Este lagi na lang siya ang kasama mo. Parang siya na ang bestfriend mo.”

“Eh si Amber? Eh di ba tuwang tuwa ka pa sa kanya dahil pinakilala niya sayo si Shirley tapos naging close kayo kaya kinakalantari mo na siya?!” naiinis kong sagot.

“Nagseselos ka na naman ba?”

Tumayo na ako para kunin ang gamit ko. Shit mali nga ang pinasok ko. Dapat hindi na ako pumayag makipag-inuman. Mabubuko na naman ako. Ayoko na maulit yung last year. Unfortunately, nadapa ako dahil sa kalasingan. Inangat niya ako para makatayo.

“Ikaw kasi. Ang lampa lampa mo. Lakas lakas mo magwalk out eh may tama ka naman.” 

Tinabig ko siya. At ayun nadapa na naman ako at medyo napalakas ito. Dito na ako napaluha.

“Amiel. Bakit ba? May nasabi na naman ba akong mali?”

SInuntok ko ang semento at nagsimulang umiyak. Wala itong tunog. Basta nakita na lang niya na tumutulo na ang luha ko.

“Anyare?” Itinayo niya ako at pinaupo sa sofa. Nahihilo na ako at umiikot ang paningin ko. 

“Ayoko na Rome. Pagod na ako masaktan. Alam mo iyon na ang sakit…Ang hirap! Araw araw kang nag-aalala at nagseselos. Nagaalala ka dahil baka kung ano anon a ang ginagawa niyo ng malanding si Shirley. Nagseselos ka dahil akala mo noon na okay na ang lahat at magtutuloy tuloy na kaso hindi. Ang tanga ko Rome. Ang tanga tanga ko.”

Niyakap ako ni Rome. Mahigpit. Namalayan kong umiiyak na rin siya.

“Ako ba itong tinutukoy mo?” tanong ni Rome.

Dinabog ko ang dibdib niya.

“Rome ayoko na. Sana hindi na lang ako naging ganito. Sana hindi na lang ako nainlove sayo. Sana…sana…”

“Miel, please wag mong sabihin iyan. Natatakot akong marinig. Huwag mo namang pagsisihan iyong ilang taon natin.”

Inaalo alo niya ako at hinihipana ng aking ulo para ako ay kumalma.

“Miel. Lalayuan ko na si Shirley. Promise. Kung iyon ang magpapaginhawa sayo. Tahan na.”

“Tapos ano? AKo ang gagawin mong dahilan?!”

“Hindi! Ano ka ba?”

Tinitigan niya ako sa mata at namalayan kong nakadampi na ang labi niya sa aking labi. Nakapikit siya habang nakahalik sa akin. Gusto kong pumalag kaso mahigpit ang kapit niya at gusto ko din ang nangyayari sa amin. Pero mali ito. Aasa na naman ako at masasaktan.

Lalo niyang idiniin ang pagkakahalik niya sa akin. At dahil sa kalasingan ay umayon na rin ang katawan ko. Nilabanan ko na rin ang halik niya. Pareho kaming lumuluha at sarap na sarap sa ginagawa namin. Sabik na sabik kami sa isa’t isa. It was a bittersweet kiss. Oo nasasaktan pa din ako habang kahalikan ko siya pero nandoon iyong matamis na aftertaste kasi nga mahal ko siya at hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. 

Nagsimulang igalaw ni Rome ang kanyang mga kamay at sinumulang himasin ang aking dibdib. Pababa ito ng pababa nang biglang nahulog kami sa sofa at naalimpungatan ako. Nagulat ako sa ayos namin at naitulak ko siya.

“Sorry hindi ko sinasadya,” sabi ko. Dali dali akong tumayo at pinahid ang mga luha ko. 

Pinigil niya ako dahil malakas ang ulan. Hindi raw ako makakauwi.

“Rome, salamat pero I need to go. Magtataxi na lang cguro ako,” sabi ko.

“Cant you see? Imposible kang makaalis baka bumaha,” pagpigil ni Rome.

Niyakap niya ako ng mahigpit habang nakatalikod ako.

“Huwag mong pandirian ang sarili mo. Hindi lang ikaw. Ginusto ko din yung nangyari,” pagpapakalma sa akin ni Rome.

“Please Rome payagan mo na akong umalis bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa sarili ko,” pagmamakaawa ko sa kanya.

“O sige pero sa dalawang kondisyon,” pagpupumilit niya.

“Ano?”

“Ihahatid kita.”

“Agreed.”

“And kakalimutan mo ang nangyari ngayong gabi? Totally wala. Huwag magbabago ang pakikitungo mo sa akin.”

I nodded as a sign of agreement.

Sabay kaming lumabas at kinuhanan niya ako ng taxi. Pinayungan niya ako. Para akong babae. I mean para akong maysakit na todo alaga. Ang sarap. Kaso I shouldn’t get off my guard.
Basang basa kaming pumasok ng bahay at nakakatawa ang nangyari. Hindi ko na siya pinayagang umalis kasi bumabaha na sa labas. Pumayag na rin siya. Pinaligo ko siya at pinahiram ng aking damit. Medyo Malaki ito sa kanya pero tama lang.

POV ROME

Masaya ako na kahit malaki yung resentment niya towards sa akin eh hindi pa din niya maiwasang hindi mag-alala at mag-care. Alam ko marami akong kasalanan sa kanya. Gaya ng pangako ko babawi ako. Nagsisisi ako dahil nalimutan ko iyong mga sinabi ko sa kanya bago mag Christmas vacation. Pero paano si Shirley? Masasaktan ko siya. Ang hirap naman ng kalagayan ko kaso kailangan kong mamili. Pero…oo masaya ako kay Amiel. I care for him. I…I…yes…mahal ko na rin talaga siya.

Actually this is my first time galugarin ang bahay ni Amiel. Ngayon ko lang napasok ang mga kwarto at tagong lugar nito. Pinatulog ako ni Amiel sa guest room pero I insisted na kung pwede sa kwarto na lang niya ako matulog.

“Hindi ba pwedeng sa kwarto mo na lang din ako matulog?” pagpapacute kong request.

“Bakit? Hindi kasi ako sanay na may kasama sa kwarto,” sagot niya.

“Ngayon lang naman eh. Natatakot ako matulog mag-isa.”

“Sinong niloko mo eh mag-isa ka lang sa unit mo?”

“Eh kasi. Basta ang creepy sa room mo eh. Sorry sa nasabi ko. Pero…”

“Don’t worry. Naintindihan kita. Diyan kasi sa room na iyan namantay yung lola ko. Hahahahaha”
I approached him ang kinurot ko siya. Pinaghahampas ko yung braso niya as a sign na nakakainis siya. “Walang hiya ka talaga! Gusto mo na talaga ako mamatay no?”

“Hahaha. Sige na sa kwarto na tayo matutulog.”


Sa loob ng kwarto…


“Dito ka na sa kama. Sa sahig na ako matutulog,” deretsong sabi ni Amiel.

“No, ikaw ang may-ari ng kama. AKo ang bisita ditto so hindi ako papaya na sa sahig ka matutulog,” pagtutol ko.

“So palit tayo?”

“Hindi! Ayaw mo ba akong katabi?”
“Hindi ako sanay na may katabi matulog eh.”
                
Naglungkot lungkutan ako para mahalata niya. Success. Nadistract nga agad siya.

“Sige na. Sige na. Tabi na tayo. Wag kang malikot matulog ha?”

“Opo.” Nagpacute ang aking mga mata sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko at hinawi ang ayos ng aking buhok. Nakakatuwa. Di ko alam. Masaya ako.

Nakahiga kami ng biglang napansin ko ang isang hanay ng mga gamot sa shelves ni Amiel.

“What are those?” tanong ko sa kanya.

“Gamot? Ano pa ba sa tingin mo?” sagot niya.

“I mean bakit ka mayroon noon? May malala ka bang sakit?”

“Siguro.”

“Bigyan mo nga ako ng matinong sagot!”

“Bakit ka ba nagagalit eh hindi ko nga alam”

“Nag-aalala ako sa iyo. High dosage yung mga gamot na iyan.”

“High dosage ba talaga ang tamang term? Haha” pang-aalaska ni Amiel.

“Ah basta ewan ko pero alam ko yung mga gamot na iyan pang may mga cancer.”

Humarap si Amiel sa akin. Tiningnan niya ako sa mata. Ewan ko ngunit kahit madilim at tanging ilaw lang sa labas ang sumisinag sa amin nakikita ko na nagniningning ang kanyang mga mata. Masaya ito.

“Rome, matulog ka na. Lasing ka lang. Pahinga na tayo.”

“Pero?”

He kissed me on my forehead. Nakakabigla dahil ginawa niya iyon sa kabila ng mga nangyari kanina. That kiss is not made out of lust or init ng katawan. I can feel it. It was a kiss full of respect and gratitude.

“Everything will be okay soon. Maiintindihan mo rin ang lahat.” Namalayan kong nakatulog na siya.
I decided to sleep also. Naguguluhan pero mas pinili kong kumalma. Kung ano ano ang pumapasok sa isip ko.



SIDE STORY

“Tita kamusta pala yung sakit ni Amiel noong maliliit pa kami?” tanong ni Xavier sa kanyang Tita Gina, nanay ni Amiel.

“Ayun. Nawala yung symptoms. Pero sabi nung doctor baka raw bumalik since hindi madetect kung ano yun,” sagot ni Gina.

“Pero…” tugon ni Xavier.

“Oo alam ko. Aware din si Amiel. Natatakot ako para sa kanya,” naluluhang sagot ni Gina.

“Gina, don’t worry. Makakahanap tayo ng paraan. We will consult the best doctors. Tutulong kami ni Xavier sa sakit ni Amiel,” sabat ni Tesa, ang yaya ni Xavier.

“Maraming salamat, Tesa. Ang mahirap dito ay walang nakakaalam kung anong sakit ni Amiel. Ang tanging diagnosis ay leukemia,” sabi ni Gina.

“May awa ang Diyos, Gina. Makakahanap tayo ng gamot. Magpasalamat na lang siguro tayo at hanggang ngayon ay nakakasama pa natin siya,” pagpapakalma ni Tesa.

POV XAVIER

Nagulat ako sa narinig ko. Hindi lang pala basta basta ang sakit ni Amiel. Leukemia is not a nobody ailment. It is severe. It is a form of cancer! Kahit matagal kaming nagkalayo ni Amiel, nakilala ko ng husto ang buong pagkatao niya noong Christmas vacation. Napakabuti niya. Napakabait. A perfect model of a friend.

Ang nakapagtataka rito ay ang kanyang pagiging masigla with no signs of any sickness. Hindi ko siya nakikitang mamutla or mapagod. He’s very jolly and optimistic. He’s very active and energetic. He’s… he’s full of hope.

Suddenly, Tita Gina approached me…

“Xavier, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil bumalik ka. Alam mo simula ng maging magkaibigan kayo ulit ng anak ko napapansin kong muli siyang sumaya.”

“Wala po yun.”

“Xavier, ngayon may clue ka na sa state of health ni Amiel. Pero alam ko lahat tayo clueless. Sabi ng doctor madedetermine lang ang kanyang sakit pag may isang symptom ang lalabas after many years. Xavier, hindi natin alam kung kalian at gaano katagal.”

“Tita wag po kayong magsalita ng ganyan.”

“Xavier, may simple akong hiling.”

“Ano poi yon?”

“Pwede mo bang pasayahin ang anak ko in all means?”

“Paanong pasayahin?”

“Basta. Sana lagi kang nariyan para sa kanya.”

“Yes, Tita.”

“Mas gusto kita maging bestfriend ng anak ko kesa sa Roma na iyon. Madami siyang nagawang sakit sa anak ko.”

“Tita, igalang natin ang preference ni Amiel.”

“Alam ko. Kaso nga lang…”

“Pero Tita I will fulfil my promise to you.”

“Thank you Xavier. Thank you.”


Itutuloy…

No comments:

Post a Comment