Malamig ang simoy ng hangin sa aming probinsya. Maliwanag sapagkat napakaraming ilaw at parol ang makikita sa bawat tahanan. Hindi naman ganoon kaliblib ang aming probinsya at ito naman ay saklaw pa ng sibilisasyon.
Kahit mahirap ang buhay makikita mo ang bawat pamilya na nagluluto pa rin ng handa kahit kakaunti. Ang mahalaga sa kanila sila ay buo, masaya at walang sakit o anumang karamdaman.
******
"Iho gising na. Maglalanding na ang eroplano."
Nagising si Xavier. Ngayon lang ulit siya nakauwi sa Pilipinas. Matapos ang 15 taon na pamamalagi sa Amerika ay muli siyang nagbalik sa bansa upang ipagpatuloy ang kanyang bagong buhay.
Si Xavier ay 18 years old na binata. Matangkad, physically fit, chinito, may appeal. May pagka-brusko ng kaunti pero maginoo. Mabait, magalang at mapagmahal sa mga kaibigan. Sa kalalukuyan, ulila na si Xavier. Namatay sa 9-11 terrorist attack ang kanyang mga magulang. Napagdesisyunan niya matapos ang ilang taon na sa Pilipinas na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Si Xavier ay kababata ni Amiel. Malapit ang dalawa nung bata pa sila. Kaso kinailangan ni Xavier na pumunta ng ibang bansa dahil sa trabaho kng kanyang ama. Sa ngayon, tanging ang yaya nalang nito ang kasama. Ang kanyang yaya ay matandang dalaga na hindi na piniling mag-asawa upang alagaan si Xavier at ituring na parang sarili niyang anak.
*****
Disyember 24. Bukas na ang Araw ng Pasko. Matagumpay na nabuo ni Amiel ang Simbang Gabi bagamat siya ay nasa probinsya na. Nagalakad siya pauwi nang may biglang nag-text sa kanya,
Rome: Nabuo ko ang Simbang Gabi. Yey!
Amiel: Mabuti.
Rome: Wala man lang reaksyon?
Amiel: Congrats?
Rome: Bahala ka nga -_-. Ikaw ba? Nabuo mo?
Amiel: Oo. Pauwi pa lang ako.
Rome: Ahhh. ANong wish mo?
AMiel: Bakit mo kailangang malaman?
Rome: Aga aga ang sungit mo.
Hindi nagreply si Amiel. Nang makauwi si Amiel ay may biglang tumawag. Si Rome.
"Ikaw na naman?"
"Bakit ba? Hindi mo kaya ako sinagot sa text."
"Naglalakad kaya ako pauwi."
"Hindi ka galit?"
"Hindi."
"Ah. Chineck ko lang hahaha. Nakauwi ka na?"
"Oo. Bakit?"
"Wala lang akala ko napahamak ka na."
"WOw. COncern. Hahaha."
"I miss you."
Natigilan si Amiel sa sinabi ni Rome. First time niya yung ganito. NAkatulala lang siya. Hinihintay siya ni ROme sa kabilang linya.
"Hoy Bakit di ka sumasagot? Umiiyak ka no?"
"Gago. May ginagawa ako."
"Okay. Akala ko naman namimiss mo din ako," nagtatampong tugon ni ROme.
"AH hehehe. Sige bye na."
"Sige na nga. Merry Christmas!"
"Sayo din."
Natapos ang usapan nila. Kinikilig si Amiel sa nangyari. Napakasarap madinig ng boses ni Rome. Ang kanyang pag-aalala, ang kanyang paglalambing, ang kanyang pagtatampo. Ang cute. Sana lagi na lang ganito. Pero hindi. Darating din ang araw na mag-iiba ang lahat.
Samantala, may dumating na kotse sa tapat ng kaharap na bahay nila Amiel. Sinilip niya ito sapagkat ang bahay na iyon ay bahay ng kanyang kababata. Wala ng nakatira doon maliban sa isang katulong at hardinero. Nagulat siya ng may bumabang isang babaeng nasa 40s at isang maputing lalaki. Nakilala niya ang mga ito. Si Manag Tesa at si...Wait si.. Si Xavier iyon ah. Malakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang tawagin ito kaso lamang pinangunahan siya ng hiya.
Baka hindi na niya ako natatandaan? Mapapahiya lang ako. Ito ang mga salitang sinabi ni Amiel sa sarili.
Sumapit ang araw ng Pasko at sumimba sila Amiel at kanyang pamilya.
Matapos ang Misa ay nagkasalubong ang kanyang mama at si Manang Tesa.
"Gina ikaw ba iyan?"
"Tesa?!"
"Ui ikaw nga. Akala ko sa Maynila ka na naglalagi kasi sarado ang bahay niyo kahapon."
"Teka, kailan ka pa umuwi? Sino kasama mo?"
"Kahapon lang ako dumating. Kasama ko si Xavier. "
Nakita namin na papalapit na si Xavier.
"Ai kagwapo nang batang ito. Kamusta iho. Natatandaan mo pa ba kami?" bati ni Mama.
"Tita Gina? Yes. I remember you." sagot ni Xavier.
Medyo naangasan ako sa dating niya kaya hindi ko siya pinansin.
"Tanda mo pa ba si AMiel iho? Yung kababata mo?"
"AMiel? IS that you?"
I nodded to him. He gave his right hand. As a sign of courtesy I also gave my hand for shaking.
"Oh siya Gina sisimba muna kami. Daan kayo sa bahay mamaya."
"Sure. Tesa."
Iba ang naramdaman ni Amiel nang makamayan niya si Xavier. Parang ito rin noong unang nagkita sila ni Rome. Magaan ang loob niya kay Xavier nang oras na iyon kahit ang angas ng dating nito kanikanina lang.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment