Saturday, December 7, 2013

I NEED TO PART 7



Tinulak niya ako sa kama niya. Nagsimula siyang maghubad. Inuna nya ang kanyang polo tsaka undershirt. Tinanggali niya ang belt niya saka hinubad ang kanyang pantalon. Dinaganan niya ako at hinalikan. Mapupusok na halik ang mga ito. Pinipilit kong makawala ngunit sinikmuraan niya ako. Pinapaling ko ang labi ko ngunit sampal ang natanggap ko sa kanya. Hinuhubaran na rin niya ako at kinakalmot ang aking maputing balat. Nilalamas niya ng mahigpit ang aking dibdib. Nagsimula na akong mapaluha
 
“Rome, nasasaktan na ako. Parang awa mo na,” umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya.

Nakabrief na lang siya ng makita ko. Napakaganda ng katawan niya. Walang bading na hindi tatamaan ng libog sa slim niyang katawan ngunit may laman. Nadedevelop na rin ang abs niya. Slender ang kanyang mga binti. Malaman at medyo matambok ang kanyang puwet. Malaki rin ang bukol niya sa kanyang black na boxer brief.

Siniil nya pa rin ako ng halik. Nakaboxer shorts na lang ako noon nang magkaroon ako ng pagkakataon na suntukin siya.

Napaungol sya sa sakit ng ginawa ko.

“Bakit mo ako sinuntok? Bakit ka tumatanggi?! Ito naman ang gusto mo diba?! Ang matikman ang katawan ko ? Ang ari ko? DIba?!” malakas niyang tanong sa akin.

Napaiyak na lang ako sa takot sa kanya. Hindi na ako nakakaramdam ng libog sa setup na yon. Ang nararamdaman ko ay takot at awa sa sarili ko.

“Oo, Rome! Bisexual ako pero hindi ako bastusing tao katulad ng iniisip mo,” umiiyak kong sagot sa kanya.

Mabilis ang pagpatak ng luha sa akin habang dumudugo ang nguso ko sa kanya. May mga pasa na rin ako sa katawan at galos na dumudugo gawa niya. Napatitig siya sa akin at napaluha na rin.

“Alam kong ganito ako pero wala kang karapatang babuyin ako!”

Tila nagising siya sa kanyang pagkahibang ng makita nyang umiiyak ako sa isang sulok. Dali dali syang nagbihis at hinila ako patayo.

“Amiel. Amiel. Amiel.” Niyuyugyog niya ako dahil nakatulala lang ako habang umiiyak.

“I don’t deserve this thing.” Bigla kong nasabi.

“Amiel, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa galit ko dahil ipinagkaila mo ako kay sir. Amiel. Amiel. Hindi ko sinasadya.” Humahagulhol niyang sambit sa akin.

Niyakap niya ako sa sulok na iyon. Pareho kaming nakaupo. Pareho kaming umiiyak. Mahigpit ang yakap niya sa akin. Pilit niya akong binibihisan. Dinala niya ako sa banyo at pinaliguan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko noon dahil sa sobrang galit at awa sa sarili.


Nagising ako sa isang kama. Nakabalot ako sa isang bath robe. Umaga na pala. Nasaan ako? Unit ito ni Rome ah. At naalala ko ang nangyari kagabi. Napasigaw ako at nakita kong dumarating siya. Natakot ako kaya nahulog ako sa kama. Dali dali niya akong nilapitan at itinayo. Niyakap niya ako.

“Amiel. Patawarin mo ako sa mga ginawa ko kagabi. Hindi ko sinasadya.”

Nanginginig ako habang hawak niya ako. Lumuluha at parang mauubusan ng hininga.

Hinimas niya ang likod ko habang yakap yakap ako. Pinapatahan niya ako mula sa aking pag-iyak. Matapos ang ilang minute ay nahimasmasan ako at pinainom nya akong tubig at gamut pampakalma. 

“Miel, hayaan mo akong magpaliwanag.”

Yakap nya pa din ako nang nagsimula siyang magsalita.


Naalala ko bigla ang mga nangyari. Pumunta ako sa isang bar sa Taft at nakita ko si Rome doon na naglalasing. Mag-isa lang siya at halatang madami na siyang naiinom. Hindi ako palainom na tao. Inimbitahan lang ako ng kaibigan ko doon sa HAPPY THURSDAY na sinasabi nila. Matapos mag-uwian doon ko nakita si Rome. Napagpasyahan kong sundan siya. Nakita ko na may kakaibang pulbos sa pinag-alisan niya.

Pulbos?

Weird and aggressive behavior?

Shit. Nagdadrugs ba si Rome?


“Rome, anong ginawa mo?” concern kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko.

“Hindi ko sinasadya yung pananakit sayo kagabi. Dala lang yun ng alak at …” sagot niya.

“Nagda-drugs ka ba?”

“Miel, mali ang iniisip mo. Hindi. Ahh ehh. Oo pero unang beses kong gumamit non kagabi,” lumuluha niyang sagot.

Tumayo na ako. Wait ang bango ko ah. Bagong paligo ba ako? Naka-bathrobe ako. Wala akong damit sa loob ni underwear. Napatingin ako sa kanya.

“Kung hindi mo ako ginalaw kagabi, bakit ganito ang ayos ko?” nagtataka kong tanong.

“Pinaliguan kita. Nanginginig ka kagabi at wala akong ibang naisip kundi dalhin ka sa banyo.”

Nahiya ako sa sinabi niya at dali dali kong pinulot ang mga damit ko. Tumayo si Rome at hinawakan ang balikat ko. Yung tipong arms forward na style at nakatungo siya. Sumisinghot siya. Halatang umiiyak siya.

“Aalis ka na ba?” tanong niya.

“Walang dahilan para manatili ako dito,” sagot ko.

“Miel, wag ka muna umalis please. Samahan mo muna ako dito.” Humahagulhol na siya.

“Hindi ko na kaya Miel. Sobrang lungkot na ang nararamdaman ko. Iniwan ako ni Lourdes. Ngayon, ang matalik kong kaibigan parang hindi na rin ako kilala.” Naawa ako sa tinuran ni Rome. Parang napaka hopeless na niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang sincerity sa mga mata niya. Naluha na din ako.

“Miel, maawa ka naman sa akin. Hirap na hirap na ako. Hindi pa ba sapat itong pagdurusa ko ngayon? Wala nang nakakaintindi sa akin. Nasisira na pag-aaral ko. Hindi pa ba sapat iyon?” Tuluyan na siyang umiyak ng matindi.

“Nandyan ang mga kaibigan natin.”

“Hindi nila ako maiintindihan!”

“Maiintindihan ka nila kasi kaibigan mo sila.”

“Pucha, Amiel anong gusto mong sabihin ko sa kanila? Na naguguluhan ako sa nararamdaman ko sayo? Na may tumitibok ang puso ko para sayo?”

Parang tumigil ang mundo ko ng madinig ko ang mga salitang iyon. Tumitibok ang puso niya para sa akin? Pumatak pa ang maraming luha mula sa mga mata ko. Magkahalong sakit at saya ang naramdaman ko nang mga panahong ito.

“Mahal kita Miel at ngayon ko lang na-realize yun. Nagsisisi ako dahil sinaktan kita at nadamay pa si Lourdes sa kaduwagan ko. Nagsisisi ako sa pagiging arogante ko at muntik pa kitang mapatay noon.”
“Totoo ba Rome yang sinasabi mo?” umiiyak kong tugon.

“Hindi ka ba naniniwala? Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?”

“Hindi ko alam Rome. Manhid na ako. AYoko na ulit umasa. Malay ko ba na niloloko mo lang ako para makaganti ka sa akin.”

“Ganoon na ba ako kasama sa paningin mo? Sabagay hindi kita masisisi.” Malungkot niyang sabi.

“Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon,” hiling niya sa akin. Lumapit siya at niyakap ako.

Inalis ko ang yakap niya kahit gusto ko ito.

“Rome.”

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

“Sinasabi ng utak ko na tigilan ko na ang kahibangan ko sa’yo ngunit pinipigilan siya ng puso ko. Rome naguguluhan ako. Hindi lang ikaw ang nahihirapan ngayon.”

“Miel, give me another chance please? Hindi kita pipilitin. Isa lang ang hihilingin ko sa iyo ngayon. Yung ibalik natin ang dati. Yung dating tayo. Close friends. Parang magkapatid.”

“Marami nang nagbago Rome.”

“Kaya kong ibalik ang lahat sa dati.”

“Papaano? Kaya mo bang hindi ako pandirihan ng mga kabarkada natin? Ha?” inis kong sagot sa kanya.

“Magtiwala ka sa akin. Matagal ko nang nagawan ng solusyon yan.”

“What?!”

He hugged me. Mahigpit ang pagkakakapit niya sa akin.

“I want you back. Please forgive me,” sabi ni Rome.

“Matagal na kitang pinatawad, Rome,” sagot ko. Pareho kaming umiiyak.

“Bumalik tayo sa dati please?”

I replied with a hug. Siguro na-gets niya na confirmation ko yung act na iyon.

“Bihis ka na. Kain tayo,” yaya niya sa akin.

Bigla kong naalala na kung hindi ako naka-bath robe ay nakahubad talaga ako.

“Ah eh wag na. Baka hinahanap na ako sa bahay.”

“Don’t worry. I texted your Mom na nandito ka at magoovernight sa unit ko.”

“Fuck! Tinext mo si Mama?”

“Yes?”

“Hindi ba siya galit sayo?! Buti hindi ka niya binigyan ng death threats?”

“Calm down. Nag-sorry ako sa Mama mo noon pa. Tinanggap naman niya ang apology ko although marami daw siyang katanungan sa isip niya.”

Hindi ako nakasagot.

Pumunta kami sa isang mall at kumain. Ewan ko pero para kaming nag-date. Treat niya yung kinain namin. Kwentuhan. Ang daming kinuwneto ni Rome. Gusto ko din magkwento at makiapgtawanan ulit kaso suspicious pa din ako. Ayoko munang sumuko. Kailangan ko munang i-test si Rome at kung ano ang mga binabalak niya. Sadly, oo. Wala akong tiwala sa inaakto niya ngayon. Pero sa loob loob ko masaya ako.




Araw ng Lunes. Alas nwebe ng umaga ng may nag-doorbell sa aming tahanan. Nagiisa lang ako sa bahay kasi sina Mama at Cagalli ay sa probinsya naglalagi. Nagkataon lang na nasa Maynila sila nung nangyari yung engkwentro sa bar. Ang bahay na tinutuluyan ko ay bahay ng tatay ko na iniwan sa amin. Paconsuelo de bobo kumbaga.

Pagbukas ko ng gate ng biglang tumambad sa akin si Rome. Nakauniform na siya.

“Anong meron? Bakit ka nandito?” tanong ko.

“Ganyan ba talaga ang approach mo sa isang bisita?” sagot niya.

“Bakit ka nandito?” mataas ang kilay na sagot ng lola niyo.

“Sinusundo kita. May pasok tayo diba?”

“10 oclock pa ang klase natin.”

“Wala lang. Excited lang kitang makita. Hindi mo ba ako papapasukin?”

Pinilit niyang makapasok at nakapasok nga siya. Nakangiti siya na parang nang-aasar.

Pinaupo ko siya sa sofa.

“Maliligo lang ako,” sabi ko.

“Okay. Panood ng tv?”

Tumango na lang ako. Kinikilig ako sa eksenang iyon. Ito yung first time na may sumundo sa akin. Kahit naaasar ako sa kapreskuhan niya eh natutuwa ako sa loob.

Natapos akong maligo at nakapagbihis na rin ng uniporme. Sabay kaming naglakad papunta sa aming pinapasukang unibersidad. Nakaakbay siya sa akin pero yung pangbarkadang akbay lang. Malamang? Baka kung anong isipin ng mga tao tungkol sa amin. Hanggang makasalubong naming si Steve.

“Oi oi oi ano tong nakikita ko?” tanong ni Steve.

“Bati na kami ni Amiel!” masayang tugon ni Rome.

“Oh kalian pa?”

“Kahapon lang.”

“Anong ginawa mo kay Amiel?” natatawang tugon ni Steve.

“Sige pre pasok na muna kami.”

Nasalubong din naman ang iba naming mga kabarkadang babae at sila Miggy at Andre. 

“Guys bati na kami ni Amiel!” masiglang pagdedeklara ni Rome.

Nahiya ako sa ginawa ni Rome kaya bigla akong namula. Natawa yung mga babae at hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko kanila Miggy since alam nila na bisexual ako. Nagulat nalang ako ng lumapit sila sa akin. Inakbayan ako ni Miggy.

“Sa wakas mabubuo na ulit ang barkada.”

“Oo nga. Magpa-Pasko na din buti nagkabati na kayo,” sabat ni Andre.

Natuwa ako dahil tanggap pa din nila ako sa kabila ng pinagsasabi ni Rome. Yun nga lang, nakaramdam ako ng konting kirot at awa sa sarili. Ngunit nagtataka pa din ako. Hindi ito ang mga inaaasahan kong mangyari. Ineexpect ko ay pandidirian at aapihin ako gaya ng nangyari sa panaginip ko. Pero bakit? Parang may mali.

NAgsimula ang klase at pilit na binabalik ni Rome ang dati. Dinidikit niya ang braso niya sa braso ko. Kinukulit at nakikipagtawanan siya sa akin. Pag tahimik ako, nagaalala agad siya. He keeps on insisting na Im not ok everytime I am silent. Gusto nya lagi nya akong partner sa groupings. Something like that.


Natapos ang klase. 8pm nay un. Nagugutom na ako. Balak kong kumain mag-isa gaya ng nakagawian ko ng bigla akong hilahin ni Rome.

“Saan ka pupunta?” tanong niya.

“Kakain. Uuwi na.” sagot ko.

“Ikaw lang mag-isa?”

“Oo naman. Sanay naman ako eh.”'

NAtawa lang siya.

“Tara na nga.”

Hinila niya ako ng may biglang sumitsit sa amin.

“Rome, Amiel pasaan kayo?” si Steve
Istorbo naman oh, ungol ni Rome.

“Kakain kami. Sama kayo?” sabat ko.

“Hindi na. Mukhang miss na miss nyo ni Rome ang isa’t isa hahaha” nang-aasar na sagot ni Steve.
Napangiwi ako sa sinabi ni Steve.

“Tara na nga,” hinila ako ni Rome na parang naasar ang boses.

“Oh? ANong problema mo? Bakit biglang nagbago ang mood mo?” tanong ko.

“Wala.”

“Ano nga?”

“Wala nga.”

“Pag di mo sinabi hindi ako sasama.”

“Ikaw kasi eh.”

“Oh bakit ako?”

“Niyaya mo pa kasi si Steve buti na lang hindi sumama ang loko.”

“Ano ngayon kung niyaya ko siya?”

“Gusto ko tayong dalawa lang. Gusto kitang solohin. Gusto kong bumawi sa mga araw na magkagalit tayo.”

“Okay?”

“Hmmp. Di mo man lang ako na-miss?”

“Rome, ang corny mo. Tara na.”

“Yiee. Dali na. Namiss mo ako no?” pangungulit niya habang naglalakad kami.

“Tumigil ka Rome kinikilabutan ako sa ginagawa mo. Parang hindi ka normal.”

Sa kabilang banda, kinikilig ako sa tagpong iyon. Ang sarap at ang saya. Sana ganito na lang lagi. Sana totoo na may relasyon kami. Sana tanggap din ng ibang tao ang ganung uri ng relasyon. Kaso nga lang hindi. Mahirap. Pati masyado pang maaga, madami pa akong dapat malaman. Hindi pwedeng mahulog ulit ang loob ko.

Kumain kami sa isang carinderia. Pero malinis at mukhang may class itong carinderia na ito. Masarap din ang pagkain. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata ni Rome na masaya siya. Kahit hindi siya nagsasalita o nagkukwento, alam ko na masaya talaga siya. Sana hindi ako nililinlang ng aking mga mata. Sana huwag dumating yung oras na aalipinin na naman ako ng dinidikta ng aking puso.



Malapit na ang Christmas party dahil isang linggo na lang at magpa-Pasko na. Ayun mukhang masaya ang mga tao. Excited ang lahat sa pamimili ng kanilang mga kasuotan. Nagshopping na din ako dahil binigyan naman ako ng aking ama ng pera bilang papasko.
Nang bigla akong mapadaan sa stall ng mga bowtie. Nakaagaw pansin sa aking paningin ang isang green na bowtie. Naalala ko bigla si Rome. Bagay sa kanya ang bowtie na iyon. Subalit bigla akong nagdalawang isip. Bibilhin ko ba ito? Oo para naman may Christmas gift ako sa tao. Eh bakit ko naman siya bibigyan ng regalo ngayong Pasko eh hindi ko naman siya boyfriend? Pero wala naming mawawala diba? Ngunit eto yung first time ko na reregaluhan siya. Dati hanggang Christmas message lang. Shit ang gulo.

At sa huli, binili ko din. Bahala na siguro kung ibibigay ko o hindi. Titimbangin ko muna. Tutal pwede ko din naming gamitin din ito eh.

Dumating ang araw n gaming Christmas party. Syempre kainan. Napagkasunduan naming na huwag nang magexchange gift kasi corny na college na kaya kami. After noon ay umattend kami ng concert na handog n gaming unibersidad. Nakita ko na may isang babae na nagbigay ng regal okay Rome. SI Jenny. Alam kong matagal ng may gusto si Jenny kay Rome pero nagselos naman ako. Ang masama pa nito ay nakita ko din si Rome na niyakap ni Jenny. Namula ako at uminit ang pakiramdam ko. Para hindi ako mahalata ng aming mga kaklase ay nagpaalam akong pupunta ng banyo. Buti na lang walang sumunod.

Bakit ako nagseselos? TUmigil ka Amiel sa kaartehan mo. Nagsisimula palang kayong magkaayos ni Rome. Eto ang mga salitang sinabi ko sa sarili ko. Mabilis din akong bumalik para hindi sila makahalata. Ayun nagtutuksuhan sila about kay Rome and Jenny. Ako deadma lang at nakikitawa tawa. Pero napansin ko na iba ang tingin sa akin ni Rome. May halong pagtataka at pag-aalala ito.
Naisipan ko din na huwag ng ibigay yung bowtie kay Rome total nawalan na rin ako ng gana. Sa akin na lang siguro iyon.

Umuwi na ang ilan sa mga kabarkada namin. Tanging si ako, si Rome, si Miggy, si Lyka at si Jenny na lang ang natitira. 5 kami. Magboyfriend si Miggy at Lyka samantalang partner si Rome at Jenny. Ako? Fifth wheel? Kakainis. Inabutan na ako ng topak kaya hindi na ako nageenjoy. Tahimik na lang ako. 

“Okay ka lang?” tanong ni Rome na nanlalaki ang mga mata sa pagtataka.

“Oo naman.”

“Ang tahimik mo kasi.”

“Wala toh. Pagod lang.”

Biglang nagsalita si Jenny.

“Rome uuwi na ako.”

“Oh bakit ang aga pa ah? Di mo ba tatapusin ang concert?”

“Nope. Curfew eh.”

“Ah sige ingat.”

Umalis na nga si Jenny. Biglang sumabat si Miggy.

“Hoy ano kaba? Ihatid mo si Jenny.”

“Bakit?”

“Manhid k aba? EH kung may mangyari don. Pati di mob a napansin na expected niya na ihahatid mo siya?”

“For what? Magsyota ba kami?”

“Ewan ko sayo Rome para kang hindi lalaki.”

Nag-iba ang mood ni Rome sa sinabi ni Miggy. He clenched his fist but I secretly tapped his back. Kilala ko tong si Rome pag nagagalit. Alam ko ang signs kung kelan sya aatake.

“Amiel, samahan mo ako. Bibili lang ako ng drinks.”

“Kaya mo na yan mag-isa” ang topakin kong sagot.

Tiningnan niya ako ng masama.

“De joke lang tara na,” napilitan kong sagot.

Bumili kami ng soft drinks. Hindi kami bumalik kanila Miggy at Lyka. Pumunta kami sa kampanaryo ng simbahan sa loob n campus namin. Umakyat kami sa tuktok nito. Wala akong nagawa kasi pinilit niya ako. Tahimik pa din ako. Kami lang dalawa sa kampanaryong iyon kasi hindi naman ito mukhang pupuntahan ng mga estudyante sa gabi kahit na may concert kasi creepy tingnan.

“Galit ka na naman ba sa akin?” tanong ni Rome.

“Hindi ah” malamig kong tugon.

“Alam mo ang ganda ng regalo ni Jenny sa akin. Pink na bowtie.”

“Ah. Oo nga.” Matipid kong sagot. Nainsecure ako kasi pareho palang bowtie ang regalo naming. Buti na lang hindi ko pa naibibigay.

“May…may surprise ako sa iyo.” Nahihiya niyang sinabi sa akin.

Nagtako ako. Tiningnan ko siya.

“Dyaran!” Isang pocket watch na picture sa kahon ang nakita ko. Familiar ang design. Oo eto yung pocket watch na gusto ko sa comic alley.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Mabilis kong tinanggap ito at binuksan mula sa wrapper. Tuwang tuwa ako sa nakita ko. Medyo naluluha ako ng sinundot niya ako sa tagiliran.

“Hmp. Wala ka man lang regalo sa akin.” Nagtatampo niyang tugon.

“Ah eh. Sorry nalimutan ko kasi.”

“Nalimutan o ayaw mo ibigay?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit alam niya?

“Ah…eh…”

“Nakita ko sa bag mo kanina. May gift ka para sa akin. Huwag mo ng itanggi.” Presko niyang sagot.

“Okay?”

“Nakakapagtampo ka naman.”

“Oo na bibigay ko na nga” pakipot kong tugon.

“Heto” namumula kong iniabot yung regalo ko.

“Bakit namumula ka? Hahaha” pang-aasar niya.

Binato ko ito sa kanya sa pagkapahiya.

“Wow. Sweet ah! Hahaha”

Pareho nalang kaming natawa sa ginagawa namin. Binuksan niya ito at nagulat na green na bowtie ang laman.

“Wow bowtie din. Bakit color green?”

“Wala lang. Feeling ko kasi bagay iyang kulay na iyan sayo.”

“Bakit? Kasi green is for endless love?”

“Ulol. Mukha ka kasing lumot!”

“Lumot pala ha.” Sinundot niya ako sa tagiliran at gumanti naman ako sa kanya. Wala akong laban ang lakas niya kaya ako agad ang sumuko.

Hinhingal ako ng hinila niya akong patayo.

“Magsisimula na fireworks.”

“Talaga? Baba na tayo. Panoorin natin!”

“Dito na lang para romantic.”

“What? Si Lo…” pinigilan ko ang sarili ko na ituloy. Buti hindi niya nadinig.

Pareho kaming nasa balkonahe ng kampanaryo ng magsimulang pumutok ang mga fireworks. Lahat kami ay napawow maging si Rome ay napasigaw sa ganda n gaming nakikita. Iba talaga ang university naming. Bongga. Habang manghang mangha kami ay namalayan kong hinawakan ni Rome ang isa kong kamay ng isa nyang kamay. Oo. Magkaholding hands na kami. Aalisin ko na sana…

“Miel kahit ngayon lang please.”

Wala akong nagawa. Gusto ko ang mga nangyayari kaso mali ito. Ano ba talaga ang balak ni Rome sa akin? Mahal nga ba talaga niya ako? Baka naman ginagawa nya lang akong panakip butas kay Lourdes?  Or may masama siyang balak sa akin para makaganti sa pagbbreak nila ni Lourdes? Gulong gulo na ako. Ngunit in-appreciate ko na lang kung anong nangyayari ng panahong iyon. We are watching the fireworks habang naka holding hands. Mga 10 minutes iyon. Parang bata si Rome na tuwang tuwa.

Natapos ang fireworks at ako na rin ang unang bumitiw sa pagkakahawak niya. Hindi tama ito. Tatlong taon ako naging tanga sa pag-ibig ko sa kanya. Hindi pwedeng mahulog na naman ulit ang loob ko. Tama na ang sakit sakit na.
He suddelny hugged me.

“Thank you.”

“Bakit?”

“Kasi ikaw ang nakasama kong manood ng fireworks at pinaramdam mo sa akin ang kakaibang pagmamahal. Pagmamahal na nagpapatawad at handing tumanggap matapos ang maraming pagkakamali.”

“Bitawan mo ako. Ang corny mo. Kilabot.”

“Na-miss kita.”

“Ako din.” Shit. It slipped on my mouth.

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Nadidinig kong umiiyak siya pero mahina lang. Bumitaw 
din siya at pinunasan ang mga luha niya.

“Babawi ako Amiel sa lahat ng pagkakamali ko. Handa akong maghintay kung kalian mo ako lubusang mapapatawad.”

Hindi ko na siya sinagot. Bagkus niyaya ko na siyang umuwi.


Siguro ito ang pinakamasayang memories ko sa lahat ng Pasko na nagdaan sa buhay ko. Masakit man pero masarap isipin na maayos na ulit kayo ng matalik mong kaibigan na nagkataong unang taong minahal mo sa iyong buong buhay. Ang saklap no. Kaso kumplikado na ang sitwasyon. Ayoko ng palalalain pa. Ayoko na rin saktan ang sarili ko. Marami pating hindi tamang nangyayari. Maaming katanungan ang dapat saguti. Pero sabi nga nila. Just cherish the present.

ABANGAN ANG PAGDATING NI XAVIER SA BUHAY NI AMIEL.
ITUTULOY…


No comments:

Post a Comment