Malamig ang simoy ng hangin sa aming probinsya. Maliwanag sapagkat napakaraming ilaw at parol ang makikita sa bawat tahanan. Hindi naman ganoon kaliblib ang aming probinsya at ito naman ay saklaw pa ng sibilisasyon.
Kahit mahirap ang buhay makikita mo ang bawat pamilya na nagluluto pa rin ng handa kahit kakaunti. Ang mahalaga sa kanila sila ay buo, masaya at walang sakit o anumang karamdaman.
******
"Iho gising na. Maglalanding na ang eroplano."
Nagising si Xavier. Ngayon lang ulit siya nakauwi sa Pilipinas. Matapos ang 15 taon na pamamalagi sa Amerika ay muli siyang nagbalik sa bansa upang ipagpatuloy ang kanyang bagong buhay.
Si Xavier ay 18 years old na binata. Matangkad, physically fit, chinito, may appeal. May pagka-brusko ng kaunti pero maginoo. Mabait, magalang at mapagmahal sa mga kaibigan. Sa kalalukuyan, ulila na si Xavier. Namatay sa 9-11 terrorist attack ang kanyang mga magulang. Napagdesisyunan niya matapos ang ilang taon na sa Pilipinas na lamang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Si Xavier ay kababata ni Amiel. Malapit ang dalawa nung bata pa sila. Kaso kinailangan ni Xavier na pumunta ng ibang bansa dahil sa trabaho kng kanyang ama. Sa ngayon, tanging ang yaya nalang nito ang kasama. Ang kanyang yaya ay matandang dalaga na hindi na piniling mag-asawa upang alagaan si Xavier at ituring na parang sarili niyang anak.
*****
Disyember 24. Bukas na ang Araw ng Pasko. Matagumpay na nabuo ni Amiel ang Simbang Gabi bagamat siya ay nasa probinsya na. Nagalakad siya pauwi nang may biglang nag-text sa kanya,
Rome: Nabuo ko ang Simbang Gabi. Yey!
Amiel: Mabuti.
Rome: Wala man lang reaksyon?
Amiel: Congrats?
Rome: Bahala ka nga -_-. Ikaw ba? Nabuo mo?
Amiel: Oo. Pauwi pa lang ako.
Rome: Ahhh. ANong wish mo?
AMiel: Bakit mo kailangang malaman?
Rome: Aga aga ang sungit mo.
Hindi nagreply si Amiel. Nang makauwi si Amiel ay may biglang tumawag. Si Rome.
"Ikaw na naman?"
"Bakit ba? Hindi mo kaya ako sinagot sa text."
"Naglalakad kaya ako pauwi."
"Hindi ka galit?"
"Hindi."
"Ah. Chineck ko lang hahaha. Nakauwi ka na?"
"Oo. Bakit?"
"Wala lang akala ko napahamak ka na."
"WOw. COncern. Hahaha."
"I miss you."
Natigilan si Amiel sa sinabi ni Rome. First time niya yung ganito. NAkatulala lang siya. Hinihintay siya ni ROme sa kabilang linya.
"Hoy Bakit di ka sumasagot? Umiiyak ka no?"
"Gago. May ginagawa ako."
"Okay. Akala ko naman namimiss mo din ako," nagtatampong tugon ni ROme.
"AH hehehe. Sige bye na."
"Sige na nga. Merry Christmas!"
"Sayo din."
Natapos ang usapan nila. Kinikilig si Amiel sa nangyari. Napakasarap madinig ng boses ni Rome. Ang kanyang pag-aalala, ang kanyang paglalambing, ang kanyang pagtatampo. Ang cute. Sana lagi na lang ganito. Pero hindi. Darating din ang araw na mag-iiba ang lahat.
Samantala, may dumating na kotse sa tapat ng kaharap na bahay nila Amiel. Sinilip niya ito sapagkat ang bahay na iyon ay bahay ng kanyang kababata. Wala ng nakatira doon maliban sa isang katulong at hardinero. Nagulat siya ng may bumabang isang babaeng nasa 40s at isang maputing lalaki. Nakilala niya ang mga ito. Si Manag Tesa at si...Wait si.. Si Xavier iyon ah. Malakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang tawagin ito kaso lamang pinangunahan siya ng hiya.
Baka hindi na niya ako natatandaan? Mapapahiya lang ako. Ito ang mga salitang sinabi ni Amiel sa sarili.
Sumapit ang araw ng Pasko at sumimba sila Amiel at kanyang pamilya.
Matapos ang Misa ay nagkasalubong ang kanyang mama at si Manang Tesa.
"Gina ikaw ba iyan?"
"Tesa?!"
"Ui ikaw nga. Akala ko sa Maynila ka na naglalagi kasi sarado ang bahay niyo kahapon."
"Teka, kailan ka pa umuwi? Sino kasama mo?"
"Kahapon lang ako dumating. Kasama ko si Xavier. "
Nakita namin na papalapit na si Xavier.
"Ai kagwapo nang batang ito. Kamusta iho. Natatandaan mo pa ba kami?" bati ni Mama.
"Tita Gina? Yes. I remember you." sagot ni Xavier.
Medyo naangasan ako sa dating niya kaya hindi ko siya pinansin.
"Tanda mo pa ba si AMiel iho? Yung kababata mo?"
"AMiel? IS that you?"
I nodded to him. He gave his right hand. As a sign of courtesy I also gave my hand for shaking.
"Oh siya Gina sisimba muna kami. Daan kayo sa bahay mamaya."
"Sure. Tesa."
Iba ang naramdaman ni Amiel nang makamayan niya si Xavier. Parang ito rin noong unang nagkita sila ni Rome. Magaan ang loob niya kay Xavier nang oras na iyon kahit ang angas ng dating nito kanikanina lang.
Itutuloy...
Thursday, December 19, 2013
Saturday, December 7, 2013
I NEED TO PART 7
Tinulak niya ako
sa kama niya. Nagsimula siyang maghubad. Inuna nya ang kanyang polo tsaka
undershirt. Tinanggali niya ang belt niya saka hinubad ang kanyang pantalon.
Dinaganan niya ako at hinalikan. Mapupusok na halik ang mga ito. Pinipilit kong
makawala ngunit sinikmuraan niya ako. Pinapaling ko ang labi ko ngunit sampal
ang natanggap ko sa kanya. Hinuhubaran na rin niya ako at kinakalmot ang aking
maputing balat. Nilalamas niya ng mahigpit ang aking dibdib. Nagsimula na akong
mapaluha
“Rome,
nasasaktan na ako. Parang awa mo na,” umiiyak akong nagmamakaawa sa kanya.
Nakabrief na
lang siya ng makita ko. Napakaganda ng katawan niya. Walang bading na hindi
tatamaan ng libog sa slim niyang katawan ngunit may laman. Nadedevelop na rin ang
abs niya. Slender ang kanyang mga binti. Malaman at medyo matambok ang kanyang
puwet. Malaki rin ang bukol niya sa kanyang black na boxer brief.
Siniil nya pa
rin ako ng halik. Nakaboxer shorts na lang ako noon nang magkaroon ako ng pagkakataon
na suntukin siya.
Napaungol sya sa
sakit ng ginawa ko.
“Bakit mo ako
sinuntok? Bakit ka tumatanggi?! Ito naman ang gusto mo diba?! Ang matikman ang
katawan ko ? Ang ari ko? DIba?!” malakas niyang tanong sa akin.
Napaiyak na lang
ako sa takot sa kanya. Hindi na ako nakakaramdam ng libog sa setup na yon. Ang
nararamdaman ko ay takot at awa sa sarili ko.
“Oo, Rome!
Bisexual ako pero hindi ako bastusing tao katulad ng iniisip mo,” umiiyak kong
sagot sa kanya.
Mabilis ang
pagpatak ng luha sa akin habang dumudugo ang nguso ko sa kanya. May mga pasa na
rin ako sa katawan at galos na dumudugo gawa niya. Napatitig siya sa akin at
napaluha na rin.
“Alam kong
ganito ako pero wala kang karapatang babuyin ako!”
Tila nagising
siya sa kanyang pagkahibang ng makita nyang umiiyak ako sa isang sulok. Dali
dali syang nagbihis at hinila ako patayo.
“Amiel. Amiel.
Amiel.” Niyuyugyog niya ako dahil nakatulala lang ako habang umiiyak.
“I don’t deserve
this thing.” Bigla kong nasabi.
“Amiel,
patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako sa galit ko dahil
ipinagkaila mo ako kay sir. Amiel. Amiel. Hindi ko sinasadya.” Humahagulhol
niyang sambit sa akin.
Niyakap niya ako
sa sulok na iyon. Pareho kaming nakaupo. Pareho kaming umiiyak. Mahigpit ang
yakap niya sa akin. Pilit niya akong binibihisan. Dinala niya ako sa banyo at
pinaliguan. Hindi ko maigalaw ang katawan ko noon dahil sa sobrang galit at awa
sa sarili.
Nagising ako sa
isang kama. Nakabalot ako sa isang bath robe. Umaga na pala. Nasaan ako? Unit
ito ni Rome ah. At naalala ko ang nangyari kagabi. Napasigaw ako at nakita kong
dumarating siya. Natakot ako kaya nahulog ako sa kama. Dali dali niya akong
nilapitan at itinayo. Niyakap niya ako.
“Amiel.
Patawarin mo ako sa mga ginawa ko kagabi. Hindi ko sinasadya.”
Nanginginig ako
habang hawak niya ako. Lumuluha at parang mauubusan ng hininga.
Hinimas niya ang
likod ko habang yakap yakap ako. Pinapatahan niya ako mula sa aking pag-iyak.
Matapos ang ilang minute ay nahimasmasan ako at pinainom nya akong tubig at
gamut pampakalma.
“Miel, hayaan mo
akong magpaliwanag.”
Yakap nya pa din
ako nang nagsimula siyang magsalita.
Naalala
ko bigla ang mga nangyari. Pumunta ako sa isang bar sa Taft at nakita ko si
Rome doon na naglalasing. Mag-isa lang siya at halatang madami na siyang
naiinom. Hindi ako palainom na tao. Inimbitahan lang ako ng kaibigan ko doon sa
HAPPY THURSDAY na sinasabi nila. Matapos mag-uwian doon ko nakita si Rome.
Napagpasyahan kong sundan siya. Nakita ko na may kakaibang pulbos sa
pinag-alisan niya.
Pulbos?
Weird
and aggressive behavior?
Shit.
Nagdadrugs ba si Rome?
“Rome, anong ginawa
mo?” concern kong tanong. Nanlaki ang mga mata ko.
“Hindi ko sinasadya
yung pananakit sayo kagabi. Dala lang yun ng alak at …” sagot niya.
“Nagda-drugs ka ba?”
“Miel, mali ang iniisip
mo. Hindi. Ahh ehh. Oo pero unang beses kong gumamit non kagabi,” lumuluha
niyang sagot.
Tumayo na ako. Wait ang
bango ko ah. Bagong paligo ba ako? Naka-bathrobe ako. Wala akong damit sa loob
ni underwear. Napatingin ako sa kanya.
“Kung hindi mo ako
ginalaw kagabi, bakit ganito ang ayos ko?” nagtataka kong tanong.
“Pinaliguan kita.
Nanginginig ka kagabi at wala akong ibang naisip kundi dalhin ka sa banyo.”
Nahiya ako sa sinabi
niya at dali dali kong pinulot ang mga damit ko. Tumayo si Rome at hinawakan
ang balikat ko. Yung tipong arms forward na style at nakatungo siya.
Sumisinghot siya. Halatang umiiyak siya.
“Aalis ka na ba?”
tanong niya.
“Walang dahilan para
manatili ako dito,” sagot ko.
“Miel, wag ka muna umalis
please. Samahan mo muna ako dito.” Humahagulhol na siya.
“Hindi ko na kaya Miel.
Sobrang lungkot na ang nararamdaman ko. Iniwan ako ni Lourdes. Ngayon, ang
matalik kong kaibigan parang hindi na rin ako kilala.” Naawa ako sa tinuran ni
Rome. Parang napaka hopeless na niya. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang
sincerity sa mga mata niya. Naluha na din ako.
“Miel, maawa ka naman
sa akin. Hirap na hirap na ako. Hindi pa ba sapat itong pagdurusa ko ngayon?
Wala nang nakakaintindi sa akin. Nasisira na pag-aaral ko. Hindi pa ba sapat
iyon?” Tuluyan na siyang umiyak ng matindi.
“Nandyan ang mga
kaibigan natin.”
“Hindi nila ako
maiintindihan!”
“Maiintindihan ka nila
kasi kaibigan mo sila.”
“Pucha, Amiel anong
gusto mong sabihin ko sa kanila? Na naguguluhan ako sa nararamdaman ko sayo? Na
may tumitibok ang puso ko para sayo?”
Parang tumigil ang
mundo ko ng madinig ko ang mga salitang iyon. Tumitibok ang puso niya para sa
akin? Pumatak pa ang maraming luha mula sa mga mata ko. Magkahalong sakit at
saya ang naramdaman ko nang mga panahong ito.
“Mahal kita Miel at
ngayon ko lang na-realize yun. Nagsisisi ako dahil sinaktan kita at nadamay pa
si Lourdes sa kaduwagan ko. Nagsisisi ako sa pagiging arogante ko at muntik pa
kitang mapatay noon.”
“Totoo ba Rome yang
sinasabi mo?” umiiyak kong tugon.
“Hindi ka ba
naniniwala? Ano pa bang gusto mong gawin ko para maniwala ka?”
“Hindi ko alam Rome.
Manhid na ako. AYoko na ulit umasa. Malay ko ba na niloloko mo lang ako para
makaganti ka sa akin.”
“Ganoon na ba ako
kasama sa paningin mo? Sabagay hindi kita masisisi.” Malungkot niyang sabi.
“Bigyan mo pa ako ng
isang pagkakataon,” hiling niya sa akin. Lumapit siya at niyakap ako.
Inalis ko ang yakap
niya kahit gusto ko ito.
“Rome.”
Hinawakan ko ang
dalawang kamay niya.
“Sinasabi ng utak ko na
tigilan ko na ang kahibangan ko sa’yo ngunit pinipigilan siya ng puso ko. Rome
naguguluhan ako. Hindi lang ikaw ang nahihirapan ngayon.”
“Miel, give me another
chance please? Hindi kita pipilitin. Isa lang ang hihilingin ko sa iyo ngayon.
Yung ibalik natin ang dati. Yung dating tayo. Close friends. Parang
magkapatid.”
“Marami nang nagbago
Rome.”
“Kaya kong ibalik ang
lahat sa dati.”
“Papaano? Kaya mo bang
hindi ako pandirihan ng mga kabarkada natin? Ha?” inis kong sagot sa kanya.
“Magtiwala ka sa akin.
Matagal ko nang nagawan ng solusyon yan.”
“What?!”
He hugged me. Mahigpit
ang pagkakakapit niya sa akin.
“I want you back.
Please forgive me,” sabi ni Rome.
“Matagal na kitang
pinatawad, Rome,” sagot ko. Pareho kaming umiiyak.
“Bumalik tayo sa dati
please?”
I replied with a hug.
Siguro na-gets niya na confirmation ko yung act na iyon.
“Bihis ka na. Kain
tayo,” yaya niya sa akin.
Bigla kong naalala na
kung hindi ako naka-bath robe ay nakahubad talaga ako.
“Ah eh wag na. Baka
hinahanap na ako sa bahay.”
“Don’t worry. I texted
your Mom na nandito ka at magoovernight sa unit ko.”
“Fuck! Tinext mo si
Mama?”
“Yes?”
“Hindi ba siya galit
sayo?! Buti hindi ka niya binigyan ng death threats?”
“Calm down. Nag-sorry
ako sa Mama mo noon pa. Tinanggap naman niya ang apology ko although marami daw
siyang katanungan sa isip niya.”
Hindi ako nakasagot.
Pumunta kami sa isang
mall at kumain. Ewan ko pero para kaming nag-date. Treat niya yung kinain
namin. Kwentuhan. Ang daming kinuwneto ni Rome. Gusto ko din magkwento at
makiapgtawanan ulit kaso suspicious pa din ako. Ayoko munang sumuko. Kailangan
ko munang i-test si Rome at kung ano ang mga binabalak niya. Sadly, oo. Wala
akong tiwala sa inaakto niya ngayon. Pero sa loob loob ko masaya ako.
Araw ng Lunes. Alas
nwebe ng umaga ng may nag-doorbell sa aming tahanan. Nagiisa lang ako sa bahay
kasi sina Mama at Cagalli ay sa probinsya naglalagi. Nagkataon lang na nasa
Maynila sila nung nangyari yung engkwentro sa bar. Ang bahay na tinutuluyan ko
ay bahay ng tatay ko na iniwan sa amin. Paconsuelo de bobo kumbaga.
Pagbukas ko ng gate ng
biglang tumambad sa akin si Rome. Nakauniform na siya.
“Anong meron? Bakit ka
nandito?” tanong ko.
“Ganyan ba talaga ang
approach mo sa isang bisita?” sagot niya.
“Bakit ka nandito?”
mataas ang kilay na sagot ng lola niyo.
“Sinusundo kita. May
pasok tayo diba?”
“10 oclock pa ang klase
natin.”
“Wala lang. Excited
lang kitang makita. Hindi mo ba ako papapasukin?”
Pinilit niyang
makapasok at nakapasok nga siya. Nakangiti siya na parang nang-aasar.
Pinaupo ko siya sa
sofa.
“Maliligo lang ako,”
sabi ko.
“Okay. Panood ng tv?”
Tumango na lang ako.
Kinikilig ako sa eksenang iyon. Ito yung first time na may sumundo sa akin.
Kahit naaasar ako sa kapreskuhan niya eh natutuwa ako sa loob.
Natapos akong maligo at
nakapagbihis na rin ng uniporme. Sabay kaming naglakad papunta sa aming
pinapasukang unibersidad. Nakaakbay siya sa akin pero yung pangbarkadang akbay
lang. Malamang? Baka kung anong isipin ng mga tao tungkol sa amin. Hanggang
makasalubong naming si Steve.
“Oi oi oi ano tong
nakikita ko?” tanong ni Steve.
“Bati na kami ni
Amiel!” masayang tugon ni Rome.
“Oh kalian pa?”
“Kahapon lang.”
“Anong ginawa mo kay
Amiel?” natatawang tugon ni Steve.
“Sige pre pasok na muna
kami.”
Nasalubong din naman
ang iba naming mga kabarkadang babae at sila Miggy at Andre.
“Guys bati na kami ni
Amiel!” masiglang pagdedeklara ni Rome.
Nahiya ako sa ginawa ni
Rome kaya bigla akong namula. Natawa yung mga babae at hindi ko alam kung ano
magiging reaksyon ko kanila Miggy since alam nila na bisexual ako. Nagulat
nalang ako ng lumapit sila sa akin. Inakbayan ako ni Miggy.
“Sa wakas mabubuo na
ulit ang barkada.”
“Oo nga. Magpa-Pasko na
din buti nagkabati na kayo,” sabat ni Andre.
Natuwa ako dahil
tanggap pa din nila ako sa kabila ng pinagsasabi ni Rome. Yun nga lang,
nakaramdam ako ng konting kirot at awa sa sarili. Ngunit nagtataka pa din ako.
Hindi ito ang mga inaaasahan kong mangyari. Ineexpect ko ay pandidirian at
aapihin ako gaya ng nangyari sa panaginip ko. Pero bakit? Parang may mali.
NAgsimula ang klase at
pilit na binabalik ni Rome ang dati. Dinidikit niya ang braso niya sa braso ko.
Kinukulit at nakikipagtawanan siya sa akin. Pag tahimik ako, nagaalala agad
siya. He keeps on insisting na Im not ok everytime I am silent. Gusto nya lagi
nya akong partner sa groupings. Something like that.
Natapos ang klase. 8pm
nay un. Nagugutom na ako. Balak kong kumain mag-isa gaya ng nakagawian ko ng
bigla akong hilahin ni Rome.
“Saan ka pupunta?”
tanong niya.
“Kakain. Uuwi na.”
sagot ko.
“Ikaw lang mag-isa?”
“Oo naman. Sanay naman
ako eh.”'
NAtawa lang siya.
“Tara na nga.”
Hinila niya ako ng may
biglang sumitsit sa amin.
“Rome, Amiel pasaan
kayo?” si Steve
Istorbo
naman oh, ungol ni Rome.
“Kakain kami. Sama
kayo?” sabat ko.
“Hindi na. Mukhang miss
na miss nyo ni Rome ang isa’t isa hahaha” nang-aasar na sagot ni Steve.
Napangiwi ako sa sinabi
ni Steve.
“Tara na nga,” hinila
ako ni Rome na parang naasar ang boses.
“Oh? ANong problema mo?
Bakit biglang nagbago ang mood mo?” tanong ko.
“Wala.”
“Ano nga?”
“Wala nga.”
“Pag di mo sinabi hindi
ako sasama.”
“Ikaw kasi eh.”
“Oh bakit ako?”
“Niyaya mo pa kasi si
Steve buti na lang hindi sumama ang loko.”
“Ano ngayon kung niyaya
ko siya?”
“Gusto ko tayong dalawa
lang. Gusto kitang solohin. Gusto kong bumawi sa mga araw na magkagalit tayo.”
“Okay?”
“Hmmp. Di mo man lang
ako na-miss?”
“Rome, ang corny mo.
Tara na.”
“Yiee. Dali na. Namiss
mo ako no?” pangungulit niya habang naglalakad kami.
“Tumigil ka Rome kinikilabutan
ako sa ginagawa mo. Parang hindi ka normal.”
Sa kabilang banda,
kinikilig ako sa tagpong iyon. Ang sarap at ang saya. Sana ganito na lang lagi.
Sana totoo na may relasyon kami. Sana tanggap din ng ibang tao ang ganung uri
ng relasyon. Kaso nga lang hindi. Mahirap. Pati masyado pang maaga, madami pa
akong dapat malaman. Hindi pwedeng mahulog ulit ang loob ko.
Kumain kami sa isang
carinderia. Pero malinis at mukhang may class itong carinderia na ito. Masarap
din ang pagkain. Hindi ko alam pero nakikita ko sa mga mata ni Rome na masaya
siya. Kahit hindi siya nagsasalita o nagkukwento, alam ko na masaya talaga
siya. Sana hindi ako nililinlang ng aking mga mata. Sana huwag dumating yung
oras na aalipinin na naman ako ng dinidikta ng aking puso.
Malapit na ang
Christmas party dahil isang linggo na lang at magpa-Pasko na. Ayun mukhang
masaya ang mga tao. Excited ang lahat sa pamimili ng kanilang mga kasuotan.
Nagshopping na din ako dahil binigyan naman ako ng aking ama ng pera bilang
papasko.
Nang bigla akong
mapadaan sa stall ng mga bowtie. Nakaagaw pansin sa aking paningin ang isang
green na bowtie. Naalala ko bigla si Rome. Bagay sa kanya ang bowtie na iyon.
Subalit bigla akong nagdalawang isip. Bibilhin ko ba ito? Oo para naman may Christmas
gift ako sa tao. Eh bakit ko naman siya bibigyan ng regalo ngayong Pasko eh
hindi ko naman siya boyfriend? Pero wala naming mawawala diba? Ngunit eto yung
first time ko na reregaluhan siya. Dati hanggang Christmas message lang. Shit ang
gulo.
At sa huli, binili ko
din. Bahala na siguro kung ibibigay ko o hindi. Titimbangin ko muna. Tutal
pwede ko din naming gamitin din ito eh.
Dumating ang araw n
gaming Christmas party. Syempre kainan. Napagkasunduan naming na huwag nang
magexchange gift kasi corny na college na kaya kami. After noon ay umattend
kami ng concert na handog n gaming unibersidad. Nakita ko na may isang babae na
nagbigay ng regal okay Rome. SI Jenny. Alam kong matagal ng may gusto si Jenny
kay Rome pero nagselos naman ako. Ang masama pa nito ay nakita ko din si Rome
na niyakap ni Jenny. Namula ako at uminit ang pakiramdam ko. Para hindi ako
mahalata ng aming mga kaklase ay nagpaalam akong pupunta ng banyo. Buti na lang
walang sumunod.
Bakit ako nagseselos?
TUmigil ka Amiel sa kaartehan mo. Nagsisimula palang kayong magkaayos ni Rome.
Eto ang mga salitang sinabi ko sa sarili ko. Mabilis din akong bumalik para
hindi sila makahalata. Ayun nagtutuksuhan sila about kay Rome and Jenny. Ako
deadma lang at nakikitawa tawa. Pero napansin ko na iba ang tingin sa akin ni
Rome. May halong pagtataka at pag-aalala ito.
Naisipan ko din na
huwag ng ibigay yung bowtie kay Rome total nawalan na rin ako ng gana. Sa akin
na lang siguro iyon.
Umuwi na ang ilan sa
mga kabarkada namin. Tanging si ako, si Rome, si Miggy, si Lyka at si Jenny na
lang ang natitira. 5 kami. Magboyfriend si Miggy at Lyka samantalang partner si
Rome at Jenny. Ako? Fifth wheel? Kakainis. Inabutan na ako ng topak kaya hindi
na ako nageenjoy. Tahimik na lang ako.
“Okay ka lang?” tanong
ni Rome na nanlalaki ang mga mata sa pagtataka.
“Oo naman.”
“Ang tahimik mo kasi.”
“Wala toh. Pagod lang.”
Biglang nagsalita si
Jenny.
“Rome uuwi na ako.”
“Oh bakit ang aga pa
ah? Di mo ba tatapusin ang concert?”
“Nope. Curfew eh.”
“Ah sige ingat.”
Umalis na nga si Jenny.
Biglang sumabat si Miggy.
“Hoy ano kaba? Ihatid
mo si Jenny.”
“Bakit?”
“Manhid k aba? EH kung
may mangyari don. Pati di mob a napansin na expected niya na ihahatid mo siya?”
“For what? Magsyota ba
kami?”
“Ewan ko sayo Rome para
kang hindi lalaki.”
Nag-iba ang mood ni Rome
sa sinabi ni Miggy. He clenched his fist but I secretly tapped his back. Kilala
ko tong si Rome pag nagagalit. Alam ko ang signs kung kelan sya aatake.
“Amiel, samahan mo ako.
Bibili lang ako ng drinks.”
“Kaya mo na yan mag-isa”
ang topakin kong sagot.
Tiningnan niya ako ng
masama.
“De joke lang tara na,”
napilitan kong sagot.
Bumili kami ng soft
drinks. Hindi kami bumalik kanila Miggy at Lyka. Pumunta kami sa kampanaryo ng
simbahan sa loob n campus namin. Umakyat kami sa tuktok nito. Wala akong nagawa
kasi pinilit niya ako. Tahimik pa din ako. Kami lang dalawa sa kampanaryong
iyon kasi hindi naman ito mukhang pupuntahan ng mga estudyante sa gabi kahit na
may concert kasi creepy tingnan.
“Galit ka na naman ba
sa akin?” tanong ni Rome.
“Hindi ah” malamig kong
tugon.
“Alam mo ang ganda ng
regalo ni Jenny sa akin. Pink na bowtie.”
“Ah. Oo nga.” Matipid kong
sagot. Nainsecure ako kasi pareho palang bowtie ang regalo naming. Buti na lang
hindi ko pa naibibigay.
“May…may surprise ako
sa iyo.” Nahihiya niyang sinabi sa akin.
Nagtako ako. Tiningnan
ko siya.
“Dyaran!” Isang pocket
watch na picture sa kahon ang nakita ko. Familiar ang design. Oo eto yung
pocket watch na gusto ko sa comic alley.
Nanlaki ang mga mata ko
sa nakita ko. Mabilis kong tinanggap ito at binuksan mula sa wrapper. Tuwang
tuwa ako sa nakita ko. Medyo naluluha ako ng sinundot niya ako sa tagiliran.
“Hmp. Wala ka man lang
regalo sa akin.” Nagtatampo niyang tugon.
“Ah eh. Sorry nalimutan
ko kasi.”
“Nalimutan o ayaw mo
ibigay?”
Nagulat ako sa sinabi
niya. Bakit alam niya?
“Ah…eh…”
“Nakita ko sa bag mo
kanina. May gift ka para sa akin. Huwag mo ng itanggi.” Presko niyang sagot.
“Okay?”
“Nakakapagtampo ka
naman.”
“Oo na bibigay ko na
nga” pakipot kong tugon.
“Heto” namumula kong
iniabot yung regalo ko.
“Bakit namumula ka?
Hahaha” pang-aasar niya.
Binato ko ito sa kanya
sa pagkapahiya.
“Wow. Sweet ah! Hahaha”
Pareho nalang kaming
natawa sa ginagawa namin. Binuksan niya ito at nagulat na green na bowtie ang
laman.
“Wow bowtie din. Bakit
color green?”
“Wala lang. Feeling ko
kasi bagay iyang kulay na iyan sayo.”
“Bakit? Kasi green is
for endless love?”
“Ulol. Mukha ka kasing
lumot!”
“Lumot pala ha.”
Sinundot niya ako sa tagiliran at gumanti naman ako sa kanya. Wala akong laban
ang lakas niya kaya ako agad ang sumuko.
Hinhingal ako ng hinila
niya akong patayo.
“Magsisimula na
fireworks.”
“Talaga? Baba na tayo. Panoorin
natin!”
“Dito na lang para
romantic.”
“What? Si Lo…”
pinigilan ko ang sarili ko na ituloy. Buti hindi niya nadinig.
Pareho kaming nasa
balkonahe ng kampanaryo ng magsimulang pumutok ang mga fireworks. Lahat kami ay
napawow maging si Rome ay napasigaw sa ganda n gaming nakikita. Iba talaga ang
university naming. Bongga. Habang manghang mangha kami ay namalayan kong
hinawakan ni Rome ang isa kong kamay ng isa nyang kamay. Oo. Magkaholding hands
na kami. Aalisin ko na sana…
“Miel kahit ngayon lang
please.”
Wala akong nagawa.
Gusto ko ang mga nangyayari kaso mali ito. Ano ba talaga ang balak ni Rome sa
akin? Mahal nga ba talaga niya ako? Baka naman ginagawa nya lang akong panakip
butas kay Lourdes? Or may masama siyang
balak sa akin para makaganti sa pagbbreak nila ni Lourdes? Gulong gulo na ako.
Ngunit in-appreciate ko na lang kung anong nangyayari ng panahong iyon. We are
watching the fireworks habang naka holding hands. Mga 10 minutes iyon. Parang
bata si Rome na tuwang tuwa.
Natapos ang fireworks
at ako na rin ang unang bumitiw sa pagkakahawak niya. Hindi tama ito. Tatlong
taon ako naging tanga sa pag-ibig ko sa kanya. Hindi pwedeng mahulog na naman
ulit ang loob ko. Tama na ang sakit sakit na.
He suddelny hugged me.
“Thank you.”
“Bakit?”
“Kasi ikaw ang nakasama
kong manood ng fireworks at pinaramdam mo sa akin ang kakaibang pagmamahal.
Pagmamahal na nagpapatawad at handing tumanggap matapos ang maraming
pagkakamali.”
“Bitawan mo ako. Ang
corny mo. Kilabot.”
“Na-miss kita.”
“Ako din.” Shit. It
slipped on my mouth.
Hinigpitan niya ang
pagkakayakap sa akin. Nadidinig kong umiiyak siya pero mahina lang. Bumitaw
din
siya at pinunasan ang mga luha niya.
“Babawi ako Amiel sa
lahat ng pagkakamali ko. Handa akong maghintay kung kalian mo ako lubusang
mapapatawad.”
Hindi ko na siya
sinagot. Bagkus niyaya ko na siyang umuwi.
Siguro ito ang
pinakamasayang memories ko sa lahat ng Pasko na nagdaan sa buhay ko. Masakit
man pero masarap isipin na maayos na ulit kayo ng matalik mong kaibigan na
nagkataong unang taong minahal mo sa iyong buong buhay. Ang saklap no. Kaso
kumplikado na ang sitwasyon. Ayoko ng palalalain pa. Ayoko na rin saktan ang
sarili ko. Marami pating hindi tamang nangyayari. Maaming katanungan ang dapat
saguti. Pero sabi nga nila. Just cherish the present.
ABANGAN
ANG PAGDATING NI XAVIER SA BUHAY NI AMIEL.
ITUTULOY…
Sunday, December 1, 2013
ABANGAN
Tunghayan sa Linggo ang ikapitong kabanata ng "I Need To". Maraming maraming salamat sa suporta. Keep on sharing. Please comment on every posts. Thank you!
Subscribe to:
Posts (Atom)