Amiel Enriquez. Real picture is Ritsu Onodera, the protagonist of Sekai Ichi n Hatsukoi Koishiteru |
Friday, January 24, 2014
MISS NIYO NA BA SIYA?
Miss niyo na ba si Amiel at ang kanyang kamartiran at katangahan sa pag-ibig? Konting hintay na lang. Paseeensya naaa.
Wednesday, January 8, 2014
I NEED TO 10
I
NEED TO 10
POV ROME
“What did you said?”
mataray na tanong ni Shirley kay Amiel.
“Excuse me?” sagot ni
Amiel.
“Sinong sinasabihan mo
ng malandi?” naiinis na tanong ni Shirley.
“Wala, bakit ba?”
muling sagot ni Amiel.
“Hoy Amiel Enriquez.
Dinig na dinig kita. Sinasabihan mo ako ng malandi. May nagawa ba akong masama
sa iyo?”
“Actually hindi ikaw
ang sinasabihan ko. Binabasa ko ang text sa akin ng kaibigan ko,” depensa ni
Amiel sabay pinakita sa amin ang text message ni Rica.
Napahiya si Shirley at nag-apologize.
Grabe nakahinga ako ng maluwag ng oras na iyon. Hindi ko alam kung bakit
biglang ganoon ang inaasal ni Amiel. Sigurado ako hindi lang nagkataon iyon.
Sinadya iyon ni Amiel.
Sa loob ng klase…
“Miel okay ka lang?”
tanong ko.
Tumango lang siya.
Feeling ko nagseselos siya at may tampo na naman siya sa akin.
Hindi ko na muna
tinuloy yung lakad namin ni Shirley mamaya. Babawi muna siguro ako kay Amiel.
Parang ang tagal naming hindi nagkakasama. Namiss ko siya seryoso. Paano kaya
ako babawi sa kanya? Bahala na mamaya. Yayain ko na lang siya kung saan.
Sinundot ko yung pisngi
niya.
Napatingin siya sa akin
na kulang na lang ang sabihiin niya ay anong problema ko. Nakakunot ang noo.
Ang sungit talaga ng taong ito. Pero ito ang gusto ko sa kanya eh. Hehehehe.
“Kain tayo after
class?” yaya ko sa kanya.
“Busog pa ako eh,”
sagot niya.
“Ahmmm samahan mo na
lang ako kumain?”
“Bakit? Kailangan mo ng
taga subo?”
“Sungit. Wag na nga
lang. Namiss lang naman kita eh.”
“Wow huh. Araw araw
kaya tayong magkatabi.”
“Araw araw nga pero
parang wala ka rin naman kasi sobrang tahimik mo.”
“Ako pa may kasalanan
sa yo?”
“Hindi naman. Naiinis
lang ako dahil nagbago ka na. Napakatahimik, napaka modest at napaka-cold mo sa
akin ngayon.”
“Tapos?” sarcastic
niyang tugon.
Naiiinis na ako nang
oras na iyon. Parang sinsasadya niyang maging sarcastic. Parang useless ang
pag-eemote ko. Huminga ako ng malalim. Magiging sarcastic na rin ako.
“Akala ko lang naman
kasi po ay okay na tayo matapos yung mga nangyari last year?”
Tumingin lang ulit siya
sa mga mata ko. “Ano bang gusto mo mangyari?”
“Bumalik yung dati.”
“Okay.”
Hindi ko namalayan na
dinismiss na kami ng prof namin. Buti na lang hindi naabala yung klase sa
arguemnto namin ni Amiel.
Dali dali siyang
tumayo. Pinigil ko siya. Hinawakan ko kamay niya.
“Bakit?”
“Eh di ba sasamahan mo
pa ako kumain?”
“Oo nga pala.”
Napabuntung hininga
siya. Nakakainis naman tong taong ito oh. Minsan na nga lang ako magrequest.
POV AMIEL
Narito kami ngayon at
kumakain. Oo, kumakain na rin ako. Di ko matiis ang gutom ko. Sorry na hahaha.
Kumain kami sa Adobo Connection. Ewan ko ang sarap ng kain naming dalawa.
“Akala ko ba hindi ka
nagugutom?” nang iinis na tanong ni Rome.
“Ah eh nagutom ako
bigla. Bakit ba?” balasubas kong sagot.
“Iniiwasan mo na naman ba
ako?”
“Wow nahiya naman ako
sayo. Kapal ah.”
“Tara sa condo.”
“Bakit? Anong gagawin
natin?”
“Inuman?”
“Anong meron?”
“La lang. Gusto ko lang
ng kakwentuhan.”
“Ah. Kausapin mo mga
nasa katabing kwarto mo,” pilosopo kong sagot.
Tumaas ang kilay ni
Rome. Feeling ko napipikon na siya sa akin.
“Joke lang. Tara,” sabi
ko. Hindi ko alam kung tama sinagot ko. Hindi ko yata alam ang pinapasok ko.
Nasa loob na kami ng
condo ni Rome. As usual magulo ito. Kwarto ng isang lalaki. Nilabas niya ang
ilang beer-in-can. Umorder din siya ng pizza para pulutan namin. I helped him
to fry some prawn crackers. We watched a movie. Ako pinapili niya. Horror ang
pinili ko dahil alam kong ayaw niya noon. Hindi ko alam kung bakit pumayag siya
agad at hindi na siya nakipagargue pa sa akin.
Alam kong takot siya.
Oo duwag siya sa mga horror movies dahil bigla na lang siyang napapakapit sa
braso ko since nakaupo siya sa sofa at nasa sahig naman ako. Natatawa ako sa
scene na iyon. Kilig? Ewan ko. May tama na yata ako.
Malapit na matapos ang
movie at hindi pa ubos ang aming alak. Medyo may tama na ako dahil medyo malala
na ang antok ko. Namumula na rin siya at humihikab. Bumaba siya bigla sa sahig
at tumabi sa akin. Nagkadikit ang aming mga braso. Bigla siyang nag-initiate ng
usapan.
“Kamusta ka naman?”
tanong niya.
“Ayos naman ako,” sagot
ko.
“Namiss kita.”
Tinungga ko lang ang
aking beer bilang pagsagot. Bigla akong inatake ng hiccup.
Namalayan na lang namin
na bigla na lang umuulan ng malakas sa labas. Lalong lumamig sa unit niya dahil
na rin sa aircon.
“Anong
pinagkakaabalahan mo ngayon?” tanong niya sa akin.
“Wala naman. As usual,
pag-aaral tapos yung sa publication.”
“Oo nga pala. No
offence, hindi ka ba nababagot sa buhay mo?”
Pumanting ang tenga ko.
Ito ang ayoko sa lahat. Yung mas marunong pa sa akin at pinakikialaman ako.
“Anong ibig mong
sabihin?!” medyo tumaas ang boses ko.
“Easy lang. Napapansin
ko lang kasi na parang routine lang lagi ang ginagawa mo. Ayaw mo magventure sa
mga new things.”
“Wala kang alam sa mga
ginagawa ko sa buhay. In short, wala kang pakialam.” Nilapag ko yung lata ng
beer sa table.
“Uy wag ka namang
magalit. Hindi ko naman intension na laitin ang buhay mo. Nagtataka lang kasi
ako.”
Hindi na lang ako
umimik tutal hindi rin naman siya papatalo at ipipilit niya na gayahin ko siya
na paYOLO YOLO lang. Tsss. I hate that outlook. Sobrang carefree. Hindi nila
ako katulad. May sense of responsibility ako.
“Galit ka ba?”
“Hindi. Naiinis lang.”
“Sorry. Hindi ko
sinasadya. Hindi na ako mangingialam.”
Bumuntong hininga na
lang ako. Bigla siyang umakbay sa akin.
“Bakit?”
“Wala lang. Masama bang
umakbay?”
Hindi ako sumagot.
“Namimiss ko iyong
dating ikaw.”
“Hindi kita
naiintindihan.”
Tumingin siya sa mga
mata ko. “Namimiss ko yung dating ikaw. Yung dati. Yung Amiel na mabait. Yung
hindi masungit. Yung maalalahanin. Yung laging concern sa akin. Yung Amiel na
handa lagging makinig. Yung Amiel na hindi kaharap ko ngayon.”
Ngumiti ako. Nakita ko
na lang na naluluha ang mga mata niya. Napatungo na lang ako dahil naawa ako sa
kanya. Hindi ko siya kayang makita ng ganoon. Hindi ko siya matiis.
“Hindi naman ako ang
nagbago eh. Ikaw.”
“Oo siguro may
pinagbago nga ako pero pareho tayo. Simula ng makilala mo yung Xavier na iyan.
Nag-iba ka na.”
“Bakit ikaw? Eh di ba
best buds kayo ni Amber?”
“Bakit pati si Amber
napasok ditto?”
“EH bakit si Xavier
dinadamay mo?”
“Kasi nga…Argghhh.
Nawawalan ka na kasi ng time sa akin…Este lagi na lang siya ang kasama mo.
Parang siya na ang bestfriend mo.”
“Eh si Amber? Eh di ba
tuwang tuwa ka pa sa kanya dahil pinakilala niya sayo si Shirley tapos naging
close kayo kaya kinakalantari mo na siya?!” naiinis kong sagot.
“Nagseselos ka na naman
ba?”
Tumayo na ako para
kunin ang gamit ko. Shit mali nga ang pinasok ko. Dapat hindi na ako pumayag
makipag-inuman. Mabubuko na naman ako. Ayoko na maulit yung last year.
Unfortunately, nadapa ako dahil sa kalasingan. Inangat niya ako para makatayo.
“Ikaw kasi. Ang lampa
lampa mo. Lakas lakas mo magwalk out eh may tama ka naman.”
Tinabig ko siya. At
ayun nadapa na naman ako at medyo napalakas ito. Dito na ako napaluha.
“Amiel. Bakit ba? May
nasabi na naman ba akong mali?”
SInuntok ko ang semento
at nagsimulang umiyak. Wala itong tunog. Basta nakita na lang niya na tumutulo
na ang luha ko.
“Anyare?” Itinayo niya
ako at pinaupo sa sofa. Nahihilo na ako at umiikot ang paningin ko.
“Ayoko na Rome. Pagod
na ako masaktan. Alam mo iyon na ang sakit…Ang hirap! Araw araw kang nag-aalala
at nagseselos. Nagaalala ka dahil baka kung ano anon a ang ginagawa niyo ng
malanding si Shirley. Nagseselos ka dahil akala mo noon na okay na ang lahat at
magtutuloy tuloy na kaso hindi. Ang tanga ko Rome. Ang tanga tanga ko.”
Niyakap ako ni Rome.
Mahigpit. Namalayan kong umiiyak na rin siya.
“Ako ba itong tinutukoy
mo?” tanong ni Rome.
Dinabog ko ang dibdib
niya.
“Rome ayoko na. Sana
hindi na lang ako naging ganito. Sana hindi na lang ako nainlove sayo.
Sana…sana…”
“Miel, please wag mong
sabihin iyan. Natatakot akong marinig. Huwag mo namang pagsisihan iyong ilang taon
natin.”
Inaalo alo niya ako at
hinihipana ng aking ulo para ako ay kumalma.
“Miel. Lalayuan ko na
si Shirley. Promise. Kung iyon ang magpapaginhawa sayo. Tahan na.”
“Tapos ano? AKo ang
gagawin mong dahilan?!”
“Hindi! Ano ka ba?”
Tinitigan niya ako sa
mata at namalayan kong nakadampi na ang labi niya sa aking labi. Nakapikit siya
habang nakahalik sa akin. Gusto kong pumalag kaso mahigpit ang kapit niya at
gusto ko din ang nangyayari sa amin. Pero mali ito. Aasa na naman ako at
masasaktan.
Lalo niyang idiniin ang
pagkakahalik niya sa akin. At dahil sa kalasingan ay umayon na rin ang katawan
ko. Nilabanan ko na rin ang halik niya. Pareho kaming lumuluha at sarap na
sarap sa ginagawa namin. Sabik na sabik kami sa isa’t isa. It was a bittersweet
kiss. Oo nasasaktan pa din ako habang kahalikan ko siya pero nandoon iyong
matamis na aftertaste kasi nga mahal ko siya at hindi ko mapigilan ang
nararamdaman ko.
Nagsimulang igalaw ni
Rome ang kanyang mga kamay at sinumulang himasin ang aking dibdib. Pababa ito
ng pababa nang biglang nahulog kami sa sofa at naalimpungatan ako. Nagulat ako
sa ayos namin at naitulak ko siya.
“Sorry hindi ko
sinasadya,” sabi ko. Dali dali akong tumayo at pinahid ang mga luha ko.
Pinigil niya ako dahil
malakas ang ulan. Hindi raw ako makakauwi.
“Rome, salamat pero I
need to go. Magtataxi na lang cguro ako,” sabi ko.
“Cant you see?
Imposible kang makaalis baka bumaha,” pagpigil ni Rome.
Niyakap niya ako ng
mahigpit habang nakatalikod ako.
“Huwag mong pandirian
ang sarili mo. Hindi lang ikaw. Ginusto ko din yung nangyari,” pagpapakalma sa
akin ni Rome.
“Please Rome payagan mo
na akong umalis bago pa ako tuluyang mawalan ng respeto sa sarili ko,”
pagmamakaawa ko sa kanya.
“O sige pero sa
dalawang kondisyon,” pagpupumilit niya.
“Ano?”
“Ihahatid kita.”
“Agreed.”
“And kakalimutan mo ang
nangyari ngayong gabi? Totally wala. Huwag magbabago ang pakikitungo mo sa
akin.”
I nodded as a sign of
agreement.
Sabay kaming lumabas at
kinuhanan niya ako ng taxi. Pinayungan niya ako. Para akong babae. I mean para
akong maysakit na todo alaga. Ang sarap. Kaso I shouldn’t get off my guard.
Basang basa kaming
pumasok ng bahay at nakakatawa ang nangyari. Hindi ko na siya pinayagang umalis
kasi bumabaha na sa labas. Pumayag na rin siya. Pinaligo ko siya at pinahiram
ng aking damit. Medyo Malaki ito sa kanya pero tama lang.
POV ROME
Masaya ako na kahit
malaki yung resentment niya towards sa akin eh hindi pa din niya maiwasang
hindi mag-alala at mag-care. Alam ko marami akong kasalanan sa kanya. Gaya ng
pangako ko babawi ako. Nagsisisi ako dahil nalimutan ko iyong mga sinabi ko sa
kanya bago mag Christmas vacation. Pero paano si Shirley? Masasaktan ko siya.
Ang hirap naman ng kalagayan ko kaso kailangan kong mamili. Pero…oo masaya ako
kay Amiel. I care for him. I…I…yes…mahal ko na rin talaga siya.
Actually this is my
first time galugarin ang bahay ni Amiel. Ngayon ko lang napasok ang mga kwarto
at tagong lugar nito. Pinatulog ako ni Amiel sa guest room pero I insisted na
kung pwede sa kwarto na lang niya ako matulog.
“Hindi ba pwedeng sa
kwarto mo na lang din ako matulog?” pagpapacute kong request.
“Bakit? Hindi kasi ako
sanay na may kasama sa kwarto,” sagot niya.
“Ngayon lang naman eh.
Natatakot ako matulog mag-isa.”
“Sinong niloko mo eh
mag-isa ka lang sa unit mo?”
“Eh kasi. Basta ang
creepy sa room mo eh. Sorry sa nasabi ko. Pero…”
“Don’t worry.
Naintindihan kita. Diyan kasi sa room na iyan namantay yung lola ko.
Hahahahaha”
I approached him ang
kinurot ko siya. Pinaghahampas ko yung braso niya as a sign na nakakainis siya.
“Walang hiya ka talaga! Gusto mo na talaga ako mamatay no?”
“Hahaha. Sige na sa
kwarto na tayo matutulog.”
Sa loob ng kwarto…
“Dito ka na sa kama. Sa
sahig na ako matutulog,” deretsong sabi ni Amiel.
“No, ikaw ang may-ari
ng kama. AKo ang bisita ditto so hindi ako papaya na sa sahig ka matutulog,”
pagtutol ko.
“So palit tayo?”
“Hindi! Ayaw mo ba
akong katabi?”
“Hindi
ako sanay na may katabi matulog eh.”
Naglungkot
lungkutan ako para mahalata niya. Success. Nadistract nga agad siya.
“Sige
na. Sige na. Tabi na tayo. Wag kang malikot matulog ha?”
“Opo.” Nagpacute ang
aking mga mata sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko at hinawi ang ayos ng aking
buhok. Nakakatuwa. Di ko alam. Masaya ako.
Nakahiga kami ng
biglang napansin ko ang isang hanay ng mga gamot sa shelves ni Amiel.
“What are those?”
tanong ko sa kanya.
“Gamot? Ano pa ba sa
tingin mo?” sagot niya.
“I mean bakit ka
mayroon noon? May malala ka bang sakit?”
“Siguro.”
“Bigyan mo nga ako ng
matinong sagot!”
“Bakit ka ba nagagalit
eh hindi ko nga alam”
“Nag-aalala ako sa iyo.
High dosage yung mga gamot na iyan.”
“High dosage ba talaga
ang tamang term? Haha” pang-aalaska ni Amiel.
“Ah basta ewan ko pero
alam ko yung mga gamot na iyan pang may mga cancer.”
Humarap si Amiel sa
akin. Tiningnan niya ako sa mata. Ewan ko ngunit kahit madilim at tanging ilaw
lang sa labas ang sumisinag sa amin nakikita ko na nagniningning ang kanyang
mga mata. Masaya ito.
“Rome, matulog ka na.
Lasing ka lang. Pahinga na tayo.”
“Pero?”
He kissed me on my
forehead. Nakakabigla dahil ginawa niya iyon sa kabila ng mga nangyari kanina.
That kiss is not made out of lust or init ng katawan. I can feel it. It was a
kiss full of respect and gratitude.
“Everything will be
okay soon. Maiintindihan mo rin ang lahat.” Namalayan kong nakatulog na siya.
I decided to sleep
also. Naguguluhan pero mas pinili kong kumalma. Kung ano ano ang pumapasok sa
isip ko.
SIDE STORY
“Tita kamusta pala yung
sakit ni Amiel noong maliliit pa kami?” tanong ni Xavier sa kanyang Tita Gina,
nanay ni Amiel.
“Ayun. Nawala yung
symptoms. Pero sabi nung doctor baka raw bumalik since hindi madetect kung ano
yun,” sagot ni Gina.
“Pero…” tugon ni
Xavier.
“Oo alam ko. Aware din
si Amiel. Natatakot ako para sa kanya,” naluluhang sagot ni Gina.
“Gina, don’t worry.
Makakahanap tayo ng paraan. We will consult the best doctors. Tutulong kami ni
Xavier sa sakit ni Amiel,” sabat ni Tesa, ang yaya ni Xavier.
“Maraming salamat,
Tesa. Ang mahirap dito ay walang nakakaalam kung anong sakit ni Amiel. Ang
tanging diagnosis ay leukemia,” sabi ni Gina.
“May awa ang Diyos, Gina.
Makakahanap tayo ng gamot. Magpasalamat na lang siguro tayo at hanggang ngayon
ay nakakasama pa natin siya,” pagpapakalma ni Tesa.
POV XAVIER
Nagulat ako sa narinig
ko. Hindi lang pala basta basta ang sakit ni Amiel. Leukemia is not a nobody
ailment. It is severe. It is a form of cancer! Kahit matagal kaming nagkalayo
ni Amiel, nakilala ko ng husto ang buong pagkatao niya noong Christmas
vacation. Napakabuti niya. Napakabait. A perfect model of a friend.
Ang nakapagtataka rito
ay ang kanyang pagiging masigla with no signs of any sickness. Hindi ko siya
nakikitang mamutla or mapagod. He’s very jolly and optimistic. He’s very active
and energetic. He’s… he’s full of hope.
Suddenly, Tita Gina
approached me…
“Xavier, nagpapasalamat
ako sa Diyos dahil bumalik ka. Alam mo simula ng maging magkaibigan kayo ulit
ng anak ko napapansin kong muli siyang sumaya.”
“Wala po yun.”
“Xavier, ngayon may
clue ka na sa state of health ni Amiel. Pero alam ko lahat tayo clueless. Sabi
ng doctor madedetermine lang ang kanyang sakit pag may isang symptom ang
lalabas after many years. Xavier, hindi natin alam kung kalian at gaano
katagal.”
“Tita wag po kayong
magsalita ng ganyan.”
“Xavier, may simple akong
hiling.”
“Ano poi yon?”
“Pwede mo bang
pasayahin ang anak ko in all means?”
“Paanong pasayahin?”
“Basta. Sana lagi kang
nariyan para sa kanya.”
“Yes, Tita.”
“Mas gusto kita maging
bestfriend ng anak ko kesa sa Roma na iyon. Madami siyang nagawang sakit sa
anak ko.”
“Tita, igalang natin
ang preference ni Amiel.”
“Alam ko. Kaso nga
lang…”
“Pero Tita I will
fulfil my promise to you.”
“Thank you Xavier.
Thank you.”
Itutuloy…
Sunday, January 5, 2014
I NEED TO PART 9
Hindi maalis sa isip ko yung pakikipagkamay ko
kay Xavier. Bakit ganoon ang naramdaman ko? Ang bilis ng tibok ng aking puso
nung oras na iyon. Hindi ko maipaliwanag. Ang tanging naiisip ko nung kinamayan
ko siya ay iyong una naming pagkikita ni Rome.
Si Rome. Actually
namimiss ko na siya. Kinikilig ako tuwing naaalala ko yung nangyari sa amin
nung University Christmas Party Celebration. During the fireworks presentation.
Ang saya saya ko noong oras na iyon.
May nareceive akong
text mula kay Rome.
“Merry
Christmas sa aking bestfriend! Sana masaya ka ngayong Pasko kahit hindi mo ako
kasama. Hahhaa. Joke. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko sayo. Yung mga nasabi ko
sayo totoo lahat iyon. Handa akong maghintay.”
Natouch naman ako sa
text na iyon. Nireplyan ko siya ng “Merry Christmas din. Don’t worry napatawad
na kita.” I received another text, “Pwede ba kitang tawagan?”. Rereplyan ko na
sana ng oo nang biglang sumulpot sa harapan ko si Xavier na bigla kong
ikinagulat. Napasigaw ako.
“Bakit ka nandito?!
Nakakagulat ka!” sabi ko.
“Sorry bro. Pinapunta
kami ni Tita Gina kaya nandito. Gusto ko sana na makakwentuhan ka kaya
hinahanap kita,” sagot ni Xavier.
“Ah eh sorry. Nagulat
talaga ako sayo.”
Umupo siya.
“Kamusta? Tagal nating
hindi nagkita ahh.”
Feeling close?
“Ah eh ayos naman.
Ikaw? Ang bata pa natin nung umalis ka.”
“Oo nga eh. Biglaa yun
eh. Buti naaalala mo pa.”
“Ah eh oo.”
“Bakit paragn awkward
ka sa akin?”
“Hindi naman. Ganito
lang talaga ako.”
“Okay sige. Sabi mo eh.
Saan ka pala pumapasok?”
“Sa U******. Psychology
ang course ko.”
“Wow diyan ko din balak
pumasok next school year.”
“Ayos yun. Magkikita
tayo lagi. Ah eh matutulungan kita sa pagpasok mo.”
“Talaga? Tutulungan mo
ako.” Nakangiti siya habang nakatingin sa akin.
Napatitig ako sa mukha
niya. Hindi siya ganoon ka pogi pero may appeal. His eyes are very remarkable.
Full of soul. So sincere. Nangungusap. Nakakaakit.
“Tara pasyal kita ditto
sa bayan?”
“That’s a good idea.”
Halos dalawang linggo
ang setup naming ni Xavier na ganito. Kwentuhan, gaguhan, lakwatsa, masaya.
Naging close agad kami at napalapit sa isa’t isa. Parang bumalik yung pagkabata
namin.
Bumalik ako ng Maynila
nang sumunod na linggo dahil may pasok na. As usual ine-expect ko na susunduin
ako ni Rome. Pero hindi. Na-disappoint ako. Bigla akong naalala. Shit. Two
weeks kong hindi nirereplyan at kinakausap si Rome. Shet! Baka biglang nagtampo
iyon. OMG. Kailangan ko siyang makausap agad!
Madali akong pumasok sa
school at nakita ko kaagad siya ngunit may kasama siyang lalaki at isang babae.
Maganda iyong babae, si Shirley. Yung lalaki niyang kaklase ay si Amber. Umalis
na si Shirley at naisip kong sundan si Amber at Rome at pakinggan ang kanilang
usapan.
“Pre ayos ba si
Shirley? Type mo ba?” tanong ni Amber.
“Maganda si Shirley
pero ayoko muna seryosohin to. Saka ko na siya liligawan.\,” sagot ni Rome.
“Hina mo naman bro.
Sino ba ang nasa isip mo ngayon? Bakit ayaw mong patusin si Shirley? Sino ba
gusto mo? Si Amiel? Hahahaha”
“Gago ka. Huwag mo na
muna akong pakialaman. Watch my moves.”
“Ikaw bahala. Halata
naming gusto ka din ni Shirley.”
Nagulat ako sa mga
narinig ko. Halos two months palang silang break ni Lourdes at eto may
kinakalantari na naman siyang iba. Wait, anu ba to? Nagseselos ba ako? Bakit
parang ang lapit lapit nila ni Amber. Oo nakakapagselos. May basis naman ako
para magtampo diba? Pero naalala ko halos two weeks ko siyang hindi siansagot.
Iyon baa ng dahilan kung bakit naging malapit sila ni Amber? Kung bakit
kinakalantari niya ngayon si Shirley? Kainis. Napakalandi mo Rome.
Naglalakad akong
nakasimangot nang bigla akong ginulat ni Rica.
“Oh bakit nakasimangot
ka diyan?”
Kinuwento ko ang
nangyari at ang mga narinig ko kay Rica.
“Ikaw naman kasi friend
ang tanga tanga mo. Umasa ka na naman. Alalahanin mo confused pa din si Rome at
sa itsura ni Rome mukhang naghahanap ng chicks iyan. Hanap ka na lang ng iba.”
“Oo nga no. Haist. Ako
na naman siguro itong talo dito,” malamig kong tugon.
“Oh siya. Hinay hinay
muna ng pakikipaglandian huh. Baka masaktan ka na naman.”
“Yes madam. Kaw
talaga.”
Nagpaalam kami ni Rica
sa isa’t isa.
Pumasok ako sa
classroom. Naroon na si Rome sa kanyang upuan at umupo na ako. Nakita ko siya
may katext. Nakangit siya at mukhang kinikilig. Shit. Nakakapagselos. Nag-init
ang pisngi at tenga ko. Ako na ang nag-initiate na magsalita kasi mukhang wala
siyang balak na kausapin ako.
“Sorry hindi kita
narereplyan this past two weeks. Nagkaroon kasi kami ng bisita sa bahay kaya
lagi akong busy.”
“Ayos lang iyon.”
Matipid niyang sagot.
Hindi kami nagkikibuan
maghapon kasi busy siya sa katext niya.
Bahala siya.
Buong linggo akong
nagseselos at naghihintay kung kalian babalik sweetness niya. Ngunit nagkamali
ako. Mukhang wala siyang balak maging sweet at makipagkulitan sa akin. Mas lalo
yatang nagiging malapit sila ni Shirley dahil may times na magkasabay silang
pumapasok at minsan kumakain sila ng lunch. Nabalitaan ko din kay Amber na
nagde-date na din sila noong sumunod na linggo. Oo ako na naman ang talo.
Simula palang ng taon nasaktan agad ako. Tama na siguro. Bahala na si Rome sa
buhay niya.
*****
Two weeks na lang at
malapit na ang Valentines. Shit. Valentines. Malamang magdedate at masaya si
Rome. Eh ako paano ako? Ayun nagmumukmok sa isang tabi at nagseselos at
nasasaktan. Pero, I made a resolution. Magfofocus na lang lalo ako sa pag-aaral
ko. Magpapaka-active na rin ako sa student paper kaso nagtatrabaho din si Rome
doon as a broadcaster pero bahala na.
POV: ROME
Shirley is fun to be with. This girl is cool.
Nagkakasundo kami. Minsan naiisip ko na sana mas nauna ko na lang siyang
nakilala kaysa kay Lourdes. Feeling ko magcclick yung relationship namin. Pero
di ko muna seseryosohin to.
Isang araw bigla akong
in-approach ni Steve…
“Bro, may problema na
naman ba kayo ni Amiel?” tanong ni Steve.
“Wala naman. Bakit?”
sagot ko.
“Ah kasi napapansin ko
madalang kayo magpansinan.”
“Ah wala yun.”
Oo nga pala. Si Amiel. Masyado akong nagfocus kay
Shirley. Nakakainis naman kasi siya two weeks niya akong hindi sinisipot.
Tinamad na tuloy ko. At saka mabuti na rin na magfocus ako sa babae kesa sa
lalaki. Maaayos pa naman siguro itong nararamdaman ko. Magagamot ito.
Malilimutan ko din iyong feelings ko sa kanya. Lalaki ako at medyo naging
clingy lang talaga ako noong mga nakaraang buwan.
Isang araw ipinatawag ako ng student publication namin.
This is it. This is my first break. Eto ang unang beses na ilalabas ang mukha
ko sa telebisyon ng aming local college. Grabe excited ako.
Nauna ako dumating sa office nang na-meet ko ang editor
in chief na siya ring Chief of Staff ng project. Medyo magaan na ang loob ko sa
mga katrabaho ko. Mabait at approachable sila. Ang EIC ng publication ay si
Kuya Archie. 4th year college na siya at very dedicated sa kanyang
trabaho. Passion niya talaga ang Journalism kahit related sa social science ang
kursong kinukuha niya.
“So Rome, hintayin
nalang muna natin ang magiging researcher at scriptwriter mo. Dadating na din
ang magiging director ng inyong segment,” sabi ni kuya Archie.
“Yung director po ba ay
student din?” tanong ko.
“Actually, yes.. Pero
hindi siya estudyante ngayon. Next year sya mag-eenroll.”
“Ahh. Pero ka-age ko po
ba siya?”
“Of course. Ka-batch
niyo siya.”
“Okay. Im excited to
meet him or her?”
“Him. Lalaki kayong
tatlo sa segment na ito.”
“I see. Sana maging
kasundo mo sila.”
“Malamang magiging
kasundo mo yung scriptwriter kasi…”
May biglang pumasok sa
pinto. Dalawang lalaki ang naaninag ko. Nagulat ako sa nakita ko. Si Amiel at
isang lalaking kasingtangkad ko na may dating. Nagtataka ako dahil mukhang
magkakilala at close sila ni Amiel. Parang matagal na silang magkakilala.
Intriguing. Nagkatitigan kami ni Amiel pero nauna siyang umalis ng tingin.
“So kumpleto na tayo.
Rome, siguro kilala mo na si Amiel. Hahaha. He’s the one who will be the
scriptwriter of the program. Meanwhile, Rome meet Xavier. He will be your
director. Xavier is a renowned young amateur and nonprofessional director in
Los Angeles. He received numerous awards during his high school years. I hope
the three of you will produce chemistry,” sabi ni Kuya Archie.
“Nice to meet you,”
sabay abot ng kamay ni Xavier.
“Same here. My name is
Rome.”
“I’m Xavier. And I will
introduce you to your scriptwriter…”
“I know him. We’re
friends, right?”
“Ah yes yes” gulat na
sambit ni Amiel.
Bakit ganon ang sagot ni Amiel? Parang nagaalinlangan
siyang sabihin na magkaibigan kami?
“Xavier, start the
business,” utos ni Kuya Archie.
“Okay technically Rome
and Amiel under ko kayong dalawa. Rome, hindi ka mas mataas kay Amiel and vice
versa. Understand?” panimula ni Xavier.
Tumango kaming pareho
ni Amiel.
“Amiel, basic rule. I
won’t dictate you. But I want the script
two days before the filming date.”
“Noted.”
“Rome, hindi pa kita
ganoon kakilala unlike Amiel so ang assumption ko lang ay mabilis kang magsaulo
ng script just like what Amiel said?”
“Yup.”
“Good. Ahmmm first
episode daw natin ay i-feature ang isang professor in this college. Amiel, sayo
ko ipagkakatiwala yung flow ng show. Make it only 15 minutes. Can you give me
the outline after two four days?”
“Okay.”
“Thank you. Well, dito
na tayo magtatapos.”
“Ahmm anong gagawin
ko, Xavier?” tanong ko.
“Wala,” brusko niyang
tugon. “Joke lang. Hintayin nalang muna natin yung script.”
Naiinis ako ditto kay
Xavier. Sobrang yabang. Akala mo kung sino eh bago lang naman siya ditto sa
office. Eh ano naman kung marami siyang awards sa America? Hello? Nasa
Pilipinas kaya siya.
Lumapit si Xavier kay
Amiel at hinawakan ang balikat nito. Pinisi niya ito. Nasaktan si Amiel kasi
medyo malakas ang pagkakakurot niya.
“Aray. Sakit ah,” angal
ni Amiel.
“Sorry na. Tara let’s
eat. May one hour pa naman before yung klase mo right?” yaya ni Xavier.
“Ah okay sure. Saan?”
tanong ni Amiel.
“Ikaw bahala,” sagot ni
Xavier.
“Tara mag-Starbucks.”
“Tara. Help me to
complete my stickers.”
“Sige wag na lang pala
doon. Hahaha.”
Sinundot ni Xavier si Amiel sa tagiliran na ikinagulat ni
Amiel pero halata sa mukha niya na nakikiliti siya. Pareho kaming nabigla sa
ginawa ni Xavier. Nagulat ako dahil parang ganun na kalalim ang relationship
nila. Halata din sa mata ni Amiel yung pagkabigla.
Nakita ni Amiel na nakatingin ako sa kanila. Nailang siya
at biglang tumayo at niyaya nang lumabas si Xavier. Nahiya ako sa oras na iyon.
“Ok lang iyan,” nagulat
ako biglang nagsalita si Kuya Archie.
“Po?” tanong ko.
“Don’t deny. Matagal ko
na kayong napapansin. Oh sya alis na muna ako,” sagot ni Kuya Archie.
Napabuntong hininga ako
sa sinabi ni Kuya Archie. Paano kaya ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?
POV: AMIEL
“Ok ka lang ba? Bakit
bigla kang nanahimik?” Xavier asked.
“Nothing,” sagot ko.
Matagal tagal na rin palang ganito ang set-up naming ni
Xavier. Halos lagi kaming magkasama simula noong duamting siya sa probinsya.
Ewan ko. Maraming nagbago sa amin pero nandoon pa din yung childish features
niya nung bata pa kami. Medyo hindi ko lang talaga masakyan yung angas niya pag
minsan.
Nasa loob kami ng
Starbucks a we’re drinking our frappe when Xavier suddenly asked, “Tell me more
about Rome.” Ikinuwento ko naman ang lahat.
“I heard from Tita Gina
that you and Rome are bestfriends,” sabi ni Xavier.
I nodded as a sign of
agreeing.
“But there is something
wrong right?”
“I guess so,” nadulas
kong sabi sa kanya.
“I knew it. Tama ang
hinala ko sa mga kwento ni Tia.”
“What?”
“You and Rome are more
than friends right?”
“I don’t know what
you’re talking.”
“Tita narrated to me
what happened in the bar incident and paano kayo nagkabati. Kinuwento din niya
kung gaano kayo ka-close at kung gaano mo siya kabilis pinatawad. Even Tita is
confused kung bakit ganun ka kabait sa kanya.”
I buffered.
“Sabi pa nga ni Tita
sana raw ako na lang ang naging bestfriend instead kay Rome. Sorry for saying
this to you. But your mom doesn’t trust him.”
“I know and hindi ko
siya masisisi.”
“There is something
more I want to know.”
Naramdaman ko na
itatanong niya ang sexual preference ko kaya mabilis kong binago ang usapan.
Bingo!
“Ahm Xavier malapit
nang mag-time. I gonna get start walking to my building.”
“Hatid na kita.”
“No need.”
“I insist.”
Wala na akong nagawa
kundi pumayag na lang. Inakbayan niya ako habang naglalakad kami. Naiilang ako
pero ok na rin ito. Buti na lang kasi nasalubong naming magkasama si Shirley at
si Rome. Nagulat si Rome ng makita kami ni Xavier habang nakaakbay ito sa akin.
Pinauna na niyang pumasok si Shirley dahil may itatanong daw it okay Xavier.
Bumitiw si Xavier sa
pagkakaakbay ng lumapit si Rome na maangas din ang dating. Nagtanong itong si
Rome,
“Pre ask ko lang kung
kalian ang shooting natin.”
Napansin siguro ni
Xavier ang brusko at kakaibang asal ni Rome sa kanya kaya sumagot din ito ng
pabalang.
“Kung kalian ko gusto.”
Nanlaki ang mata ni
Rome dahil halatang barado ito sa sinambit ni Xavier. Humarang ako at
nagsalita,
“Wala pang exact date
kasi hindi ko pa po nagagawa ang script, Haring Rome.” Sarcastic ang tono ko.
“Oh sya alis na ako
Miel.”
“Sige bye ingat ka.”
“Tara pasok na tayo sa
room?” inosente kong yaya kay Rome.
Tumango lang siya.
Umupo kami sa aming designated seats. Hindi mapakali si Romeng araw na iyon.
Alam ko nagnanakaw siya ng tingin sa akin. Everytime na hindi ako nakatingin eh
sinisipat niya ang mukha ko tapos kapag akmang huhulihin ko siya eh ililingon
niya ang kanyang leeg. Clueless ako kung anong problema niya.
Vacant kami ng isang
oras dahil wala kaming prof. Nagrequest siya.
“Miel, pahiram ng
phone?” sabi ni Rome.
Nagulat ako dahil siya
ang unang nag-initiate ng usapan after ilang weeks.
“Bakit?” sagot ko.
“Palaro. Please?”
“May sarili ka naming
phone diba?”
“Gusto ko yung games mo
sa phone mo.”
“Ayos ka lang? Alam
mong hindi ako naggagames sa phone ko.”
“Yung…yung Snake! Ang
damot mo naman eh!” medyo napasigaw siya na ikinagulat ko. Namisiterpret koi
yon na nagalit siya.
“Eto,” malamig kong
tugon.
“Uy sorry di ko
sinasadya. Hindi ako galit. Don’t worry.”
Hindi ako sumagot.
“Ui…ui…wag kang magalit
sa akin. Nabigla lang talaga ako,” panunuyo ni Rome sabay haplos sa aking
dibdib.
Tinabig ko siya at
sinabi, “Pakibalik nalang ng phone kop ag tapos ka na maglaro. Huwag mong
uubusin yung charge.” Tumayo ako at lalabas na sana nang,
“Saan ka pupunta?”
“Diyan lang sa labas.”
“Anong gagawin mo doon?
Ayaw mo ba akong panoorin maglaro tulad ng dati?” Hinawakan niya ang braso ko
na parang pipigilan akong lumabas.
“It’s none of your
business.” Mabilis akong naglakad papalabas. Alam kong sinundan niya ako pero
hindi niya ako inabutan. Buti nalang.
POV: ROME
Ano ba itong nagawa ko?
Matampuhin nga pala itong si Amiel. Shit. Bakit nawala yun sa isip ko? Pero
okay na rin. Bakit ba hindi ako mapakali ngayon? Hindi talaga ako mapapanatag.
Namalayan ko na lang
ang sarili ko na binuksan ang inbox ng phone ni Amiel at unang unang nakita
kong thread ay yung conversation nila ni Xavier. Kinakabahan ako pero binuksan
ko pa din. I scrolled from the top and ito ay nung January lang nagstart. In
fairness, ang haba ng thread nila. Kwentuhan at bakit ganoon? Parang ang sweet nila?
Nagseselos ba ako? Hindi. I’m just confused. Nawalan na ako ng gana maglaro
since itong panghahack nmn ng inbox ang purpose ko eh. Mission accomplished.
Hinanap ko si Amiel at
ito’y nasa bench lang sa labas ng room naming. Binigay ko yung phone niya at
inakbayan ko siya.
“Miel?”
“Oh?”
“Sorry na.”
“Ok.”
“Ala naman eh. Singaw
sa ilong mo eh. Sorry na please?”
“Oo na nga.”
“Please? Sorry na
huhuhuhu (iyak iyakan mode). Di ko naman sinasadya eh. Promise. I swear.”
“Oo nga. Umalis ka na
nagbabasa ako.”
“Hindi ka na galit sa
akin?”
“Oo nga!”
“Sungit. Eh bakit ayaw
mong tumingin sa akin?”
“EH ano ngayon?”
“Tingnan mo ako sa mata
at sabihin mong hindi ka na galit.”
“Wow. Demanding.”
Sinundot ko siya sa
tagiliran at napayuko siya sa sakit at kiliti. Pinagpatuloy koi yon hanggang
tumingin na siya sa akin at ginawa ang sinabi ko.
“OO na tang ina. Hindi
na ako galit. Tama na. Nakikiliti na talaga ako! HAhahahaha” pagmamakaawa ni
Amiel.
Nawala lang sa momentum
yung kulitan naming ng may nagtext sa kanya. Si Xavier. Nireplyan niya naman
ito
Xavier: What time is
your dismissal, Miel?
Amiel: 5PM. Why?
Xavier: Nice. Can I ask
you to go out? Let’s watch a movie.
Amiel: Ahhh di ako
pwede tonight eh. I have something to do.
Xavier: Sayang naman.
Amiel: Sorry. Bawi ako next
time.
Haist. Buti nga.
Tinanggihan ni Amiel. What a relief. Akala ko papayag si Amiel. Anu yun
magdedate sila? Ulol?
Kaso biglang dumaan si
Shirley at umupo sa tabi ko.
“Ah eh… Aalis na ako.
Baka nakakaabala ako sa inyo,” pokerface na remarks ni Amiel.
Hindi ako nakasagot.
Medyo tinamaan ako. May dating yung sinabi niya. Kainis. Nabara niya ako ngayon
ah.
Pagdaan niya sa amin ni
Shirley ay may salita siyang ibinulong na accidentally narinig naming dalawa.
Napataas ang kilay ni Shirley ng marinig iyon at napatayo din ako dahil mukhang
napikon si Shirley sa sinabi ni Amiel.
“Malandi.” Ito ang
salitang narinig ko.
Itutuloy…
Subscribe to:
Posts (Atom)