Tuesday, November 26, 2013

I NEED TO PART 6


 
Dalawang araw matapos ang nangyari sa amin ni Rome sa simbahan…


Pagpasok ko sa classroom ay nilapitan ko ang mga kabarkada kong babae at narinig ko na pianguusapan nila si Rome at Lourdes.

“Alam mo saying sila Rome at Lourdes.”

“Oo nga no. Hiwalay na agad sila eh one month palang.”

“Oo nga eh naawa nga ako kay Rome.”

“Tama ka sis. Hindi din naman natin masisisi si Lourdes eh. Women’s instinct. Kahit sabihin ni Rome ang anumang dahilan, hindi maililihim ni Rome na may mahal siyang iba bukod kay Lourdes.”

“Sino kaya iyon sis? Ang swerte naman niya.”

Nagulat ako sa mga nadinig ko. May isang buwan nang hiwalay si Rome at Lourdes? Bakit? Sandali, kung isang buwan ibig sabihin nung nangyari ang engkwentro sa bar ay hiwalay na sila? Ibig sabihin depressed si Rome ng mga panahong iyon?

Naguguluhan ako. Bakit? May konting selos din akong naramdaman. Sino kaya ang babaeng iyon na talagang mahal ni Rome bukod kay Lourdes.

Mixed emotions. Tinawagan ko si Rica at kinuwento ang mga nangyari mula sa mga pangyayari nung first day ng Simbang Gabi hanggang sa nadinig kong tsismis.

“So happy kaba friend?”

“Not really. Nakakaramdam ako ng selos kung sino man yung taong iyon. Naaawa din ako kay Rome. Syempre masakit din na nakipaghiwalay sa kanya si Lourdes. Sana nandoon ako nung mga panahong naghihirap siya. Kanino kaya siya humingi ng counsel noon?” malungkot kong tugon.

“Friend, natouch ako sa mga sinabi mo. Napatunayan ko talaga ngayon na mahal mo talaga siya.”

“Dati siguro. Ngayon? Hindi na. Matapos ang lahat.”

“Uii wag kang ganyan. Maraming pwedeng mangyari. In fact, feeling ko yung nangyari nung Simbang Gabi ang start ulit ng love story niyo!”

“Sira. Kung ano ano iniisip mo.”

“Asus. If I know, kinikilig ka ngayon.”

Tama nga naman si Rica. Kinikilig ako pag naaalala ko iyong mga nangyari sa simbahan. Madalas kong sinasabi na sana maulit iyon kaso hindi na. Madalas ko siyang nakikita pag simbang gabi ngunit hindi na kami nagkakatabi. Minsan nakikita ko siyang parang nakatingin sa akin. Ganun din naman ako ngunit mabilis kong binabawi ang mga sulyap ko. Siguro nga hanggang ngayon umaasa pa din ako sa kabila ng mga masasakit na nangyari sa amin.

Isang araw, ipinatawag ako ng propesor ko sa faculty room. Pumunta ako dito after ng class.

“Mr. Amiel Enriquez, may itatanong sana ako sayo.”

“Ano po iyon, sir?”

“Bilang guidance counsellor mo, natutuwa ako na nagiging maayos na ulit ang grades mo at performance sa klase. Ipagpatuloy mo lang iyan para sa isang taon grumaduate ka ng may Latin honor.”

Natouch ako sa sinabi ni Sir. Nainspire din akong pagbutihin pa ang pag-aaral ko.

“Kaibigan mo ba si Mr. Rome Sandoval?”

“Ah ehhh. Kilala ko po sya. Pero hindi po kami ganun magkadikit.”

“Talaga? Don’t make me laugh. Close kayo. Btw, kung ayaw mong aminin na magkaibigan kayo di kita masisisi. Siguro may mga pansarili kang rason. Humihingi lang sana ako ng tulong upang pagsabihan mo siya na ayusin ang pag-aaral niya.”

“Sir. Hindi ko po magagawa iyan dahil hindi nga po kami clooooseeee.”

Shit. Nakita ko sa salamin si Rome at nadinig yung pagtatatwa ko sa kanya. Lumabas siya matapos niya akong makita. Napatawa na lang ang propesor.

“Alam kong may problema kayong dalawa. Ayusin niyo iyon huh.” Sabi sa akin ng propesor sabay tapik sa aking balikat.

“Ganyan din kami ng partner ko dati. By the way, bagay kayo. Huwag niyong palampasin ang pagkakataon.”
 
Gulat na gulat ako sa mga sinabi ng aking propesor. 

Naglalakad akong tahimik at nagiisip palabas ng paaralan nang makita ko si Rome na parang may hinihintay. Nakita niya ako. Dali dali siyang lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit. Hinila niya ako na parang kinakaladkad. Wala akong magawa ng mga oras na iyon. Napakalakas niya. Isinakay niya akong jeep at bumaba kami sa tapat ng condominium niya. Hindi ko alam kung bakit wala akong lakas upang lumaban sa kanya. Kakaiba ang aura niya ngayon. Puno ng galit at lungkot.

***************

Bumalik ako sa realidad. Tapos na ang pagrereminisce ko. Hinihila ako ni Rome. Narito na ulit ako sa simula ng kwento. Namalayan ko na nagsalita ako sa kanya,

“Ano ba Rome? Anong ginagawa mo? Nahaharass ako.”

“Sumunod ka na lang kung ayaw mong masaktan pa.”

“Rome, bitawan mo ako. Nasasaktan ako.”

Sumakay kami ng elevator at kinaladkad nya ako papunta sa unit niya. Pumasok kaming dalawa. Tinulak niya ako sa kanyang kama paupo. 

“Miel, ayaw mo na ba talaga akong maging magkaibigan?” malungkot niyang tanong.

Tumungo lang ang ulo ko. Hindi ko din kasi alam ang isasagot ko.

“Miel, hindi mo ba talaga ako mapapatawad?”

“Matagal na kitang pinatawad nung binato mo ako ng bote sa ulo,” sarkastiko kong tugon. “Maari na ba akong umalis?” Tumayo ako papunta sa pinto ngunit hinarang niya ako.

“Hindi lang naman kasi iyon eh.”

“Ano ba talaga ang gusto mo! Oo sige mapapatawad kita kung maibabalik mo yung respeto na binibigay sa akin ng mga tao. Kung maibabalik mo ang dating pagkakaibigan ng barkada. Yung hindi nila ako pandidirian dahil bisexual ako!”

Hindi siya nakaimik.

“Ano? Hindi mo kaya ano?”

“Miel, gusto kong bumalik yung dati nating pagkakaibigan.”

Napabuntong hininga ako.

“Kaibigan? Sana naisip mo iyan bago mo akong muntikang patayin sa bar noon.”

“Miel, wala na kami ni Lourdes. Ano pa ba ikinagagalit mo?”

Na-offend ako sa sinabi niya.

“So pinalalabas mo na ganoon ako kababang tao?”

“Bakit ba ang OA mo? Napaka over sensitive mo. Daig mo pa ang babae.”

“Kung wala ka nang sasabihin bukod sa panlalait sa pagkatao ko, maari na ba akong umalis?”

“Pag umalis ka ngayon sa kwarto ko, ikakalat ko sa classroom na piangsamantalahan mo ako.”

“Okay. Tutal naman wala na silang respeto sa akin. Manhid na ako, Rome. Hindi na ako katulad ng dati.”

Lumabas na nga ako ng kwartong iyon. Tinawagan ko si Rica at kinuwento ang lahat. Proud ako sa sarili ko na nagawa ko ang mga bagay na iyon. This time, hindi na ako umiiyak. Matatag na ako. Natuto na ako.

Natutuwa sa akin si Rica dahil sa mga ginawa ko. Indeed, she is very proud of me.

“Natakot ka ba sa banta niya?” tanong ni Rica.

“Nope. May delikadesa pa naman siguro sya upang hindi manira ng tao,” sagot ko.

“Besides, you can reason out that you have a girlfriend. And that is me. Hahahaha.”

“Naaalala ko bigla. Tanging si Rome lang ang may alam ng ‘relasyon’ natin.”

“What do you mean?”

“Hindi niya ito ikinukwento sa iba. Walang may alam sa barkada namin. Bakit kaya?”

“TIngin ko may dalawang rason diyan. Una, hindi siya naniniwala. Ikalawa, sinasakyan niya yung trip mo na secret relationship since nabigla ka nung sinabi ko na fiancĂ©e mo ako. Siguro nagets yung ibig mong sabihin.”

“Siguro nga. By the way, kamusta yung plano mo in the future? Sigurado ka na ba talaga?”

“Yup. Feeling ko dito ako tinatawag.”

Nalungkot ako sa sinabi ni Rica.

“Miel, don’t be sad. Habang hindi pa ako pumapasok, tutulungan kita sa love story mo.”

“Pero…”

“Don’t worry. Ikaw ang nagturo nito sa akin na God has plans for everybody,”

Napabuntong hininga na lang ako. “O sige, sabi mo eh. Pero hindi na ba talaga kita mapipigilan?”
Naluha siya sa sinabi ko.

“Are you okay?”

“Miel, ang tagal kong hinintay na sabihin mo ang bagay na iyan.” Umiiyak siya hindi dahil sa lungkot kundi dahil sa tuwa.

“Bakit? Naguguluhan ako.”

“Oh sige dahil close naman tayo aaaminin ko na sayo. May feelings ako para sayo. HAhahahahaha”

“Hahahaha. Totoo ba?” medyo nagaalinlangan kong tanong.

“Yes?”

Sabay kaming nagtawanan. Tinanong ko siya, “Bakit ngayon mo lang sinabi? Kailan pa?”

“Matagal na. Ayoko naming guluhin pantasya mo kay Rome. Pati okay na since I already discerned my vocation.”

“Loka loka ka talaga. Sure ka na bas a pagmamadre mo? Sayang ang ganda mo, teh!”

“Ganon talaga. Tinatawag ako eh.”

“Mamimiss kita.”

“Ako din pero gaga hindi pa naman ako aalis! Tutulungan pa kita sa love story mo.”

“Hindi ako nagsisisi at ikaw ang naging bestfriend ko. Alam mong sa kaibuturan ng puso ko ay mahal na mahal kita. Isang natatanging pagmamahal na sayo ko lang naramdaman.”

“Shet! Ang corny mo frend! Echos ka, pucha!”

“Hoy yang bunganga mo! May madre bang nagmumura?!” pangaasar ko sa kanya.

“Ngayon lang naman. Sinasagad ko na. baka pagpasok ko dun bawal na. hehehe”

“Baliw! Malamang bawal magmura doon.”

Maghapon kaming nagtatawanan. We cracked jokes to each other. Oo mamimiss ko ang babaeng ito. Mahal ko si Rica and my love towards her is unexplainable. It is more than friendship and more than a lover. I cannot even comprehend and explain it. Basta, I love her and I value her like a precious metal.


POV: ROME

One week before the bar incident…

“Can we talk?” tanong ni Lourdes sa akin.

“Of course. Lagi naman tayong naguusap ah,” paglalambing ko sa kanya.

“Rome, I know that it seems odd but I think we must stop this.”

“What do you mean?”

“Rome, babae ako at alam ko ang nangyayari sa paligid ko.”

“Hindi kita naiintindihan.”

“I love you Rome and I know you really love me but our relationship is over.”

Napaigtad ako sa sinabi niya. Nagtataka at gulat na gulat.

“Why? What’s wrong?”

“Rome, ramdam ko. Iba ang mahal mo at kahit ikaw ay hindi ka aware doon. Masakit man sa akin pero hindi ko na kaya. Bawat araw nararamdaman ko yung impulse nung love mo towards that person.” Umiiyak siya.

Na-guilty ako sa sinabi ni Lourdes. Pero bakit? Bakit ako tinamaan sa sinabi niya. Hinawakan niya ang dibdib ko at sinabi,

“Rome. Marami na akong cases na nabasang ganito at tanggap ko naman. Rome, mahal ka niya at ramdam kong mahal mo din sya. Alam mo kung sinong tinutukoy ko.”

Hindi ko na naiintindihan si Lourdes. May sapak na ba itong girlfriend ko. Bakit siya nagiging psychic ngayon? Suddenly, biglang pumasok sa isip ko si Amiel. Si AMiel? Bakit si Amiel ang naiisip ko ngayon?

“Lourdes, wag mo naming gawing reason iyan para hiwalayan ako. Honestly, hindi kita maintindihan at nawiwirduhan ako ngayon sa iyo. Kung ito man ay isang biro, hindi ka nakakatuwa.”

She replied while sobbing, “Im not kidding around. Maiintindihan mo din ako. Rome, I am doing this for our sake. Ayokong masaktan ako at ikaw din sa huli. Maaga pa at pwede pa nating ayusin ang pagkakamali natin.”

“Lourdes, are you crazy? Lourdes, mahal kita. Ikaw ang unang babaeng minahal ko ng ganito. Are you not contented with what I am doing?! Tell me what you want. I’ll do it in order to prove my love and dedication to you!” I angrily insisted.

“I don’t need anything. I’m tired of this Rome! Ayoko na ng ganito. Sawa na ako na tuwing nagdedate tayo ay hindi ka makapag focus dahil iniisip mo si Amiel sa kung ano mang dahilan.”

“What?! Bakit napasok si Amiel dito?”

“Alam mo kung anong ibig kong sabihin.”

Napaluha na rin ako. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Niyakap ko din siya. I kissed her and she didn’t resist. It was a very sweet kiss. But it is a farewell kiss.

“Pagisipan mong mabuti ang lahat ng kinuwneto mo sa akin about kay Amiel. Wag sana ikaw magsisi. But for now, thank you for a month of memories and happiness. Remember, Rome, that I always loved you. I am doing this for the good of each of us.” Umiiyak siya habang sinasabi ito.

“No Lourdes. Don’t do this to me.”

She hugged me for the last time and she ran away. I tried na habulin sya ngunit mabilis siya nakapunta sa cab niya at sumakay dito.

“Lourdes, bakit mo ako iniwan?”

“Kasalanan mo ito, Amiel. Kasalanan mo itong bakla ka.”

Ito ang mga salitang nasabi ko dahil sa galit at depression na naidulot ng paghihiwalay naming ni Lourdes.

Inimbitahan ako nila Miggy sa isang bar upang mai-release ko naman daw ang stress dulot ng break up naming ni Lourdes. Nagkataon naman na nandoon si Amiel. Namiss ko ang mga kaibigan ko. Yung tawanan at gaguhan naming. May kakaiba akong feeling towards kay AMiel. Oo, cold siya sa akin. Ngunit iba nararamdaman ko sa kanya. Magkahalong galit at melancholy. Namiss ko siya. Sobra. Ngunit ang feeling na ito ay tinatalo ng galit na dulot ng hiwalayan namin ni Lourdes. Si Amiel ang sinisisi ko kung bakit. Oo siya dapat naman talaga ang sisihin.

Dahil sa kalasingan at bugso ng damdamin ay nangyari nga ang insidente sa bar kung saan binato ko ng bote ng beer si Amiel sa ulo. Late na akong naabisuhan na muntik ko na pala siyang napatay dahil sa galit. Sinabihan ako ng doctor na buti na lang daw ay hindi nagkaroon ng internal haemorrhage si Amiel sa utak o kaya naman hindi namuo ang dugo ditto kung hindi siguradong tepok itong kaibigan ko. At ako? Siguradong sa kulungan ang bagsak ko.

Natatakot din ako nung panahong iyon dahil baka kasuhan din ako ng physical injury ng pamilya ni Amiel. Ngunit bigla kong nakita ng oras na iyon si Rica. I approached her,

“Rica, I… I… I’m sorry.”

“Masaya ka na ba Rome? Masaya ka na dahil nasaktan mo nan g tuluyan si Amiel? Hindi mo ba alam na muntikan mo na siyang mapatay?”

“Hindi ko sinasadya.”

“Hindi mo sinadya? Oo nga naman no kaya pala yun ang nakita sa CCTV sa bar?”

“Rica…”

“Alam mo Rome sobrang mahal ka nung tao eh na halos isakripisyo na niya ang sarili niyang kaligayahan para mapasaya ka lang. Hindi mo ba napansin iyon?” 

Tahimik lang ako.

“Sabagay hindi mo naman nga siya maiintindihan kasi sarado ang isip mo at nilait mo siya. Pero kung tutuusin Rome mas lalaki umasta sayo si Amiel kasi si Amiel kinaya niya lahat ng mental stress. Hindi siya nag give up. Oo alam ko na rin yung rason mo na hiwalay na kayo ng girlfriend mo pero hindi iyon sapat para isisi mo kay Amiel ang lahat!” galit na turan sa akin ni Rica.

“Hindi mo ako naiintindihan kasi hindi naman ikaw ang hiniwalayan. Hindi din ako maiintindihan ng boyfriend mo kasi wala siya sa lugar ko.”

“Hindi iyon ang issue Rome. Bukod dito, napakamanhid mo. Hindi mo man lang napansin na palabas ko lang ang lahat at dinamay ko lang si Amiel sa trip ko. So naniniwala ka na may relasyon talaga kami? Nakakaawa ka. Pansariling pleasures mo lang ang nakikita mo. Minsan try mo ding i-appreciate yung mga sakripisyo ng mga tao na nasa paligid mo.”

“Wag mo akong husgahan dahil hindi mo ako ganun kakilala! At bakit ganyan ka kung magslaita? Ikaw ba si Amiel?”

“Nagsasalita ako bilang si Amiel. Sinasabi ko sayo lahat ng gusto niyang sabihin dahil hindi niya ito masasabi sa harap mo kasi bulag sya sa pagmamahal niya sa iyo!”

“Hindi ko hiningi na mahalin niya ako.”

“Bullshit. Maghanap ka ng kausap mo! At kung gusto mong humingi ng tawad, huwag sa akin kundi sa Mama niya at sa kanya mismo!”

“Rome, kahit minsan matuto kang maging sensitive hindi lang sa ibang tao maging sa sarili mo,” dagdag pa ni Rica.

Palaisipan ang mga huling sinabi sa akin ni Rica. It strucked my heart. Maging sensitive? Ganoon ba ako kamanhid? Bakit ba parang sa akin bumabagsak ang lahat ng sisi? Eh ako nga ang na-agrabyado ni Amiel eh.

Sandali, hindi totoong mag-fiancee si Amiel at Rica? Totoo ba ito? Bakit ako napaniwala nila? Shit! Ang bobo ko. Pero bakit ganito? Bakit natutuwa ako? Baliw na ba ako?

Tinawagan ako nila Miggy at Andre at kinumusta ang sugat ko. Oo, hindi lang naman naman si Amiel ang sugatan eh pati ako. Bakit parang ako ang nagiging kontrabida?

“Pre kamusta?”

“Ayos naman. Nakauwi na ako. Hindi naman daw ganun kalala mga pasa at sugat ko sa ulo.”

“Eh si Amiel?”

“Nagising na siya kanina pero di ko sya nalapitan. Nahihiya ako sa pamilya niya eh.”

“Ah ganon ba? Ahh ehh Rome totoo ba ang lahat ng sinabi mo sa bar?”

“Kalimutan niyo na muna iyon. Sana kaibigan pa din ang turing niyo kay Amiel.”

“Oo naman. Hindi magbabago ang pagtingin naming sa kanya.”

“Salamat. Ahhmm…”

“May gusto ka bang hilingin sa amin pre?”

“Wala naman. Naguguluhan lang ako.”

“Naintindihan ka naming. Kagagaling mo lang sa break up and then dumagdag pa yung engkwentro.”

“Sige. Salamat sa pagtawag.”

Pagdating ng Lunes, nakatanggap ako ng isang notice mula sa student publication naming na tanggap na raw ako sa pagiging news anchor. Kinausap ako ng adviser, si Maam Gina.

“Ipinatawag ka namin, Rome, dahil nagbago ang isip ng editorial board. Tanggap ka na para maging news anchor ng local college publication natin. Tutal good looking ka naman at matatas ka sa Filipino at English.”

Sobrang gulat na gulat ako sa narinig ko. Tuwang tuwa ako. MAtagal ko na kasing pangarap lumabas sa TV ng unibersidad namin.

“Maam, ano po yung dahilan kung bakit niyo ako tinanggap?”

“Pasalamat ka sa kaibigan mo, si Amiel. Pinatunayan niya sa amin noong nakaraang buwan na kaya mo ang gawain dito. Nagresign siya sa slot niya at mas piniling maging writer. Ayun.”

Nagulat ako sa nadinig ko. Noong isang buwan? Eh hindi na kami nagiimikan noon ah? Bakit ganoon? Nakonsensya ako bigla sa mga ginawa ko. Sinakripisyo niya ang pangarap din niyang maging broadcaster para lumakas ang political influence niya sa college naming? What? Napakabobong desisyon pero. Magkahalong emosyon ang nararamdaman ko. Pero, utang na loob ko ba ito sa kanya? Hindi siguro. Ni minsan hindi nanumbat si Amiel. Nanlambot ang tuhod ko at naluluha ako. Dumeretso ako sa simbahan para magdasal at magpasalamat nang makita ko siyang nakaupo at nakatitig lang sa tabernakulo. Hinintay ko ang sunod na mangyayari. Di ko tlga alam ang gagawin ko since naguguluhan ako sa mga emosyon ko. Bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Lord, kaw na ang bahala sa amin.

Tumayo siya at naglakad papunta sa kinaroroonan ko kasi nandoon ang exit. Nakatungo lang siya at ayaw niya akong tingnan. Hinarang ko siya. Binulong ko ang maikling, “Salamat” sa kanya. Hinawi niya ang kamay ko at dumeretso siya sa paglalakad.

Naisipan ko na subukan kong buuin ang Simbang Gabi. Alam ng puso ko na may wish ako pero di macomprehend ng utak ko. Basta sinasabi sa akin ng damdamin ko na pilitin kong magsimba mula Dec. 16. Siguro dahil nga hindi pa din ako nakakamove on kay Lourdes at dumagdag pa ang panggugulo ng konsensya ko dahil sa mga nagawa ko kay Amiel.

Unang araw, shit late ako! Wala na akong mahanap na upuan. Wait, bingo meron pang isa. Tinakbo ko ito buti nakasingit ako nang nabigla ako sa nakita ko. Katabi ko si Amiel! Nagkatitigan kami at siya ang unang bumawi ng tingin. Nagulat din siya ng makita niya ako. Shit. Very awkward.

“Lord, alam ko na ang hiling ko kung sakaling matapos ko man ang buong Simbang Gabi. Sana magkabati na kami ulit ni Amiel. Sana bumalik yung dati naming closeness. Sana maging ayos na ulit kami. Kayo na po ang bahala.” Ito ang dasal na naiusal ko.

Masaya ang pakiramdam ko habang katabi ko siya. Lalo akong sumaya nang nahawakan ko ang kamay niya noong umaawit na kami ng Ama Namin. Noong una ayaw niyang iabot sa akin ang kamay niya ngunit naglakas loob na akong hablutin ito. Malamig at nanginginig ang kamay niya. Ngunit malambot ito parang baby. Hehehe. Ang sarap hawakan ng kamay niya. Pareho yatang pasmado ang kamay naming kaya pareho itong namamawis. Matapos ang awit ay pareho naming binitawan ang isa’t isa. Nakita ko siyang pinahid ang kamay niya sa damit niya kasi basa ito ng pinagsamang pawis naming dalawa.

Dumating na ang isang bagay kung saan napaluha ako. Binati niya ako ng Peace Be With You. Hindi ko alam ang gagawin ko pero bigla ko siyang niyakap. Matagal din iyon. ANg sarap ng init ng katawan niya. Hanggang bumitaw na lang ako dahil sinabi niya na nakatingin ang mga tao. Nahiya din ako sa sarili ko. Natapos ang Misa at hindi ko namalayang nagmamadali na siyang lumabas. Nalungkot ako kasi napakabilis ng mga pangyayari.






Totoo nga pala na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa’yo. Yung tipong namimiss mo siya at nalulungkot ka pag naaalala niyo ang mga dati niyong ginagawa. Yung mga moments na nasasabi mo sa sarili mo n asana bumalik yung dati, na sana hindi ko na lang ginawa iyon, na sana naging sensitive ako, na sana hindi ako naging duwag.

Matapos ang nangyari sa condo namin lubos kong pinagsisishan iyong pagbabanta ko sa kanya. Sana di ko na lang sinabi iyon. Pero alam niyo yung feeling na madinig ng personal na itinatwa ka ng kaibigan mo? Sobrang sakit. Hindi ko akalain na ganoon na kalala ang galit niya sa akin. Lalo kaming naging hostile sa isa’t isa.

Patuloy pa din akong umaattend ng Simbang Gabi. Umaasa ako na tutuparin ng Diyos ang hiling ko. Binigyan ko ang Diyos ng deadline na sana bago magPasko kaso mukhang Malabo na talaga. Hanggang sa…

ITUTULOY…

Saturday, November 23, 2013

ANNOUNCEMENT RE: I NEED TO

Brace yourselves! The sixth part of the series "I Need To" will be posted on Wednesday morning. It's much longer than its precedents. Moreover, on the same time, the said part will be also visible on the blog, Michael Shades of Blue. Thank you. Keep on sharing!

Friday, November 22, 2013

ADVISORY

Matatagalan po yung update ng I Need To. Ito ay sa kadahilanang isasabay ko ang phasing ng post nito sa Michael Shades of Blue. Yun lamang. Maraming salamat sa pagsubaybay sa aking blog. Nawa'y ishare niyo ito sa inyong mga kaibigan.

Tuesday, November 19, 2013

I NEED TO PART 5





POV: AMIEL

            Matagal na rin pala simula nang nagkalayo kami ni Rome sa isa’t isa. Pero sanay na rin naman na ako. Oo medyo may sakit at konting pangungulila pero mas okay na ito kesa naman lagi kong pinapahirapan ang sarili ko na umasa na matutunan din niya akong mahalin. Syempre nagseselos at nalulungkot pa din ako pag nakikita ko sila ni Lourdes na magkasama at masaya. Minsan napapabuntong hininga na lang ako. Isa sa mga magandang bagay na nangyari sa akin simula nang iniwasan ko si Rome ay napalapit lalo ako sa Diyos. NAtuto akong magdasal. Linggo lingo na rin akong nagsisimba. Madalas na rin akong dumaan sa simbahan upang bisitahin ang Blessed Sacrament. In short, mas lalong lumalim ang relasyon ko sa Diyos.

            Maaaring pinagtatawanan niyo ako pero sa pamamagitan ng pagdarasal ay napupunan yung pagkukulang na hinahanap ko. Masaya ako dito lalo na at may mga kaibigan at pamilya naman akong kumakalinga at nagpapasaya sa akin. Akala ko ayos na yung ganitong setup. Ngunit mali pala ako. Hindi natin dapat takas an ang problema dahil mas lalo itong lumalala.


            Buwan na nang Disyembre. Malapit na ang Pasko. Malamig na ang simoy ng hangin. Damang dama mo na ang kapaskuhan dahil sa mga dekorasyon at mga pailaw sa paligid lalo na sa aming unibersidad.

            Ako ang taong may ayaw sa Pasko. Napakalungkot noon para sa akin. Siguro dahil hinahanap ko ang isang masayang Pasko kasama ang aking buong pamilya. Pero hindi na ito mangyayari pa. May iba nang pamilya ang aking ama. Pero may komunikasyon naman kami. Masaya naman kaming mag-iina kasama ang kapatid kong babae. Ngunit may kulang. Siguro naghihintay ako ng isang taong magmamahal sa akin. Isang taong tatanggapin ako ng buo. Naghahanap ako ng isang taong magpaparamdam sa akin ng init ng kanyang pagmamahal sa isang malamig na Pasko. Pero hindi na ako naniniwala roon. Imposible iyon. Mamamatay siguro akong malungkot at nag-iisa.

            Isang gabi, nagkayayaan ang kaming mga lalaki na mag-inuman sa isang bar. Sumama ako dahil namimiss ko na rin sila. Ganun din si Rome. Na-late ako ngunit unfortunately magkatabi kami ni Rome. Sobrang awkward sa pagitan naming dalawa. Lima kami sa mesa. Nang medyo lumalalim na ang gabi at napaparami na ang inuman ay biglang nagsalita si Borj.

“Amiel. Rome. Umamin nga kayo sa amin. Seryoso to ah. Magkaaway ba kayo?”

Nabigla ako sa tanong ni Borj. Hindi ko alam kung aaminin ko sa kanila o hindi.

“Oo nga. Hindi niyo maikakaila sa amin na may tension sa pagitan ninyong dalawa. Ano bang nangyari sa inyong dalawa?” sabat ni Miggy.

“Amiel, mauna ka mag-share. Please? Hindi ka makakapagsinungaling sa amin.”

“Wala akong alam sa pinagsasabi niyo,” deretso kong tugon.

            Biglang hinampas ni Rome ang mesa.

“Eh bakit hindi mo sabihin ang totoo, Amiel? Ha?!”

            Napatingin kami sa kanya. Kinakabahan na ako.

“Bakit hindi mo sabihin sa kanila na nagseselos ka sa relasyon namin ni Lourdes kaya hindi mo ako kinikibo. Oo, nagseselos yang si Amiel kasi silahis siya. Matagal na niya akong gusto.”

            Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Rome. Hindi ako makaimik. Shit. Guilty ako.

“Pwe, ano gusto mo akong sampalin? Sige gawin mo. Apektado ka no? Kasi aminado ka sa sarili mo na bakla ka!”

            Tumayo ako upang dakmain ang leeg niya. Binuhat ko siya mula sa collar nung polo niya.

“Ulitin mo ang sinabi mo,” malamig kong tugon.

“Bakla ka!”

Doon ko siya sinuntok sa mukha ng malakas. Gumanti siya. Pareho kaming duguan ang labi. Dehado ako sa kanya kasi matigas siya. Hindi naman kasi ako sanay sa awayan eh. Sinusuntok niya ako ng mabilis at hindi ako makalaban.

            Sinubukan kaming awatin nila Borj, Miggy at Steve. Hawak ako nilang tatlo samantalang si Rome ay hawak ng mga waiter.

“Ano? Sige lumaban ka? Bakit mo tinatanggi na bakla ka? Alam ko na ang lahat. Nabasa ko ang sulat mo.”

Sulat?


Sulat?

Anong sulat iyon? Napapaisip ako at bigla kong naalala ang sulat sa notebook ko na ginawa ko. Sinulat ko ito sa maliit na papel ngunit nawala ito noong isang linggo. Akala ko naitapon ko sa basurahan. Iyon pala hawak niya. Nagdilim na ang paningin ko at pinilit kong makaalpas kanila Steve. Inatake ko ng suntok si Rome ngunit nakaganti siya nang ibato niya sa akin ang isang bote ng alak at tumama ito sa ulo ko. Nahilo ako dahil sa lakas at sakit ng tama sa akin ngunit buti na lang nakakita rin ako ng bote at naibato ko ito sa kanya. Unfortunately, hindi ko na nakita kung tumama ito sa kanya. Nahimatay na ako at nawalan na ako ng malay.

Nakaupo ako sa simbahan hawak ang isang papel at ballpen. Napagpasyahan ko kasing sumulat ng isang liham para kay Rome. Ngunit hindi ko ito ibibigay sa kanya. Pang-alis lang ng depresyon.
            Dear Rome,
Masaya ako na naging kaibigan kita. Masaya ako sa dalawang taon ng pagkakaibigigan natin. Masaya ako at nagpapasalamat dahil nakilala kita bilang isang kaibigan. Hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sayo. Hindi ko inaasahang mamahalin kita at magiging malapit ka sa puso ko. Patawarin mo sana ako kung lagi akong naging aburido at galit sayo simula nang maging kayo ni Lourdes. Mahal kasi kita. Nagseselos ako at nasasaktan ako. Sorry, tao lang din ako na nasasaktan. Sorry, dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sayo. Miss na miss kita. Pero alam kong hindi na maibabalik ang dati. Mahal na mahal kita Rome.
                                                                                                                        Nagmamahal,
                                                                                                                        Amiel
Namalayan ko ang sarili ko na lumuluha habang sinusulat ang liham na ito. Matapos koi tong maisulat ay dumeretso na ako sa classroom. Naramdaman kong naiihi ako at minabuti kong pumunta ng banyo dahil wala pa naman ang propesor. PAgbalik ko ay nagulat ako sa nadatnan ko. Magulo ang aming mga upuan at sumabog ang filler notebook ko. Inayos ko kaagad ito. Natapos ang aming klase at umuwi ako sa bahay. Chineck ko ang aking kwaderno at napansin na wala ang aking liham. Shit! Fuck! Lahat na yata ng mura ay nasambit ko ng hindi koi yon mahanap. Sumuko ako matapos ang isang oras ng paghahanap. Bumalik pa mismo ako sa simbahan at sa patio na aming dinaanan ngunit wala ito. Ang tanging naiusal ko na lamang na panalangin ay sana walang makakita ng sulat na iyon.

Kinabukasan, pagpasok ko sa aming silid ay pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase at pinagtatawanan. Pinuntahan ako ni Steve. Akala ko may sasabihin siyang seryoso ngunit sinampal niya ako at sinabing, “Hi Papa!” Fuck. Nagtawanan ang lahat. Nagsimula silang batuhin ako ng gma basura at papel na binola. Tumakbo ako palabas ng classroom para umuwi ng bahay ngunit hinablot ako ng mga lalaki kong classmate. Dinala nila ako sa liblib na bahagi n gaming unibersidad. Hawak nila ang mga braso ko. Nagsimula na silang bastusin ko. Nilalagay nila ang palad ko sa mga ari nila. Ang iba mismong piantigas pa ang kanilang ari at ibinalot ang mga iyan sa aking mga kamay. Iyong iba pinipilit na isubo sa akin ang kanilang titi. Sa bawat pag-ayaw ko ay isang suntok sa tagiliran, sipa sa aking sikmura at tadyak sa aking mukha ang nararamdaman ko. Nakita ko lang si Roma na nakatayo sa isang tabi. Nakangiti at tuwang tuwa habang nakikitang naghihirap ako. Dahil sa katigasan ng ulo ko, pumutol ang mga lalaki ng isang sanga sa puno na puno ng langgam at pilit na isinasaksak ito sa likuran ko. Fuck. Ang sakit. Tama na! Ayoko na.

“Rome” ito ang huling salita na nabanggit ko.

Minulat ko ang aking mata habang hinahabol ko ang aking hininga. Isa lang palang masamang panaginip. Ngunit lumuluha pala ako habang tulog. Ang sakit ng ulo ko maging ng buong katawan ko. Pagkamulat ko ay nakita ko ang aking ina at si Rica na nagbabantay sa akin. Tuwang tuwa ang aking ina maging si Rica at ang aking kapatid na babae nang ako’y magkamalay na. Tinawag nila ang doctor at kinonsulta nito ako. Sinabi naman ng doctor na ayos na ako at pahinga lang ang kailangan ko.

“Alam mo anak nagalala ako ng husto sa iyo. Bakit ka ba kasi nakipag-away? Gusto mob a ipa-blotter natin iyang kaibigan mo?”

“Wag na po, Ma. Lalo lang lalaki ang gulo.”

“Hindi maari iyan. Grabe ang ginawa niya sa iyo. Akala ko malapit kayong magkaibigan pero bakit kayo humantong ditto?” galit na sambit ng aking ina.

“Tita, hayaan niyo nap o ang desisyon ni Amiel. May personal siyang mga dahilan na hindi niya pwedeng sabihin sa inyo. Intindihin nyo na lang po ang binate niyo,” pagpapakalma ni Rica kay Mama.

“Kayo talagang mga kabataan kayo oh. Oh basta Amiel tandaan mo nanay mo pa din ako. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami ni Cagalli.”

Tumango lang at ngumiti ako kay Mama. Alam na niya iyon na nagpapasalamat ako sa kanya. Lumabas muna si Mama at si Cagalli dahil alam niyang gusto kong makausap si Rica.

“Friend, anong nangyari? Sabihin mo sa akin ang totoo?”

“Masakit, Rica. Sinigawan niya akong bakla at ibinuko niya ako sa mga kaibigan naming na silahis ako. Pinahiya niya ako. Nawalan na ako ng moral at mukhang maihaharap.”

Nagngingitngit si Rica sa mga narinig niya. Gulat na gulat siya sa mga narinig niya. Magsasalita n asana siya nang dumating ang mga kaklase kong babae at kinumusta nila ako. Malakas ang kutob ko na wala pang nakakaalam ng buong pagkatao ko sa kanila. Binisita din ako ni Steve. Tanging siya lang ang bumisita sa akin. Masakit sa akin iyon dahil ang mga inaakala kong tunay kong kaibigan ay nilalayuan na ako dahil siguro pinandidirian nila ang pagkatao ko. Pero sabagay ditto mo malalaman kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Actually, matagal ko na itong tanggap at pinaghandaan.
Inuwi na ako sa bahay ng makalwang araw. Nalaman ko na ako lang ang naospital dahil nakailag si Rome sa binato kong bote. Buti na lang daw. Nagulat ako ng si Rome daw ang nagbayad ng mga billings ko sa ospital. Hindi ko alam ang dahilan. Siguro iyon ang mga naging arrangements.
Pumasok na rin ako matapos ang isang linggo pahinga. Pinilit kong habulin ang mga klaseng naiwan ko. Medyo marami nang pinapagawa dahil malapit na ang Christmas break. Malapit na nga ang Pasko. Masaya na ang mga tao. Ngunit ako malungkot pa din.

Minsan, sinipag akong umattend ng Simbang Gabi at ito ang unang araw. Syempre mag-isa lang ako. Hindi ko na rin nakakasama sila Miggy at Borj. Mailap na rin ako sa barkada naming kahit sa mga babae. Si Steve? Madalang na rin niya ako samahan.
Nasa loob ako ng simbahan. I am currently reflecting in front of the tabernacle nang may tumabi sa akin. Hindi naming sinasadya na tingnan ang isa’t isa at nagulat kami. Patay kasi ang ilaw at nakatutok lang ang lights sa Tabernacle. Si Rome ang tumabi sa akin. Maging siya ay nagulat. Iiwas na sana ako ng tingin ngunit ngumiti siya sa akin at binati niya ako. Tumango lang ako sa kanya. Ngunit tahimik pa din.

Nagsimula na ang Misa. Dahil medyo maraming tao ay nagsisiksikan kami sa isang hanay. Hindi maiaalis na magkadikit ang aming mga braso at siko kaya ilang na ilang ako. Maging sa pag-upo ganoon din. Minsan nga, may mga pagkakataon na napapasandal ang kanyang hita sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Dumating na ang Homiliya/Sermon ng pari.

“Ang Pasko ay hindi lamang panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ang Pasko ay panahon din ng pagpapatawad. Ito ay panahon upang palayain ang ating mga puso mula sa sakit at galit na nang-aalipin sa atin. Bakit kailangan nating magpatawad ngayon kapaskuhan? Simple lang! Dahil ang Diyos ay mapagpatawad. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan sapagkat ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na anak upang maging tao at makisalamuha sa atin. In short, ang Diyos ang naging tao upang mamuhay sa atin. Kung hindi niya pinatawad ang kasalanan ng ating mga unang magulang, malamang hindi natin makikilala si Hesus. Kung si Hesus ay hindi naging tao katulad natin, hindi natin makakamtan ang langit. Hindi tayo rito makakapasok. Hindi tayo maliligtas.”

Napaka-striking ng sermon ni Father para sa akin. Grabe tinamaan ako. Ito na nga ba ang tamang panahon upang magkabati ulit kami ni Rome? Hindi eh. Mahapdi at sariwa pa ang mga sugat sa pagitan namin.

Nagpatuloy ang Misa at dumating yung portion na magbabatian ng “Peace be with you!” Hindi ko sana sya lilingunin ngunit bigla nyang hinawakan ang mga braso ko at pinihit ako paharap sa kanya at sinabing, “PEACE BE WITH YOU!” Matagal siyang nakatungo sa harapan. Nagulat ako sa ginawa niya. Upang hindi siya mapahiya, binati ko na rin siya at tumango lang ako. Manghang mangha siya sa ginawa ko na nakita ko na naluluha siya habang tinitingnan ako. Nagkatititgan kami ng ilang Segundo ng bigla niya akong inakap. Syempre yakap na pangkaibigan. Wala akong reaksyon nun. Binulungan ko na lang siya na bumitiw na siya dahil may mga taong nakatingin.

Tahimik lang kami hanggang matapos ang Misa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakalabas ako ng simbahan at nagmadaling umuwi. Ayokong makita ulit siya.

ITUTULOY…