POV: AMIEL
Matagal na rin pala simula nang
nagkalayo kami ni Rome sa isa’t isa. Pero sanay na rin naman na ako. Oo medyo
may sakit at konting pangungulila pero mas okay na ito kesa naman lagi kong
pinapahirapan ang sarili ko na umasa na matutunan din niya akong mahalin.
Syempre nagseselos at nalulungkot pa din ako pag nakikita ko sila ni Lourdes na
magkasama at masaya. Minsan napapabuntong hininga na lang ako. Isa sa mga magandang
bagay na nangyari sa akin simula nang iniwasan ko si Rome ay napalapit lalo ako
sa Diyos. NAtuto akong magdasal. Linggo lingo na rin akong nagsisimba. Madalas
na rin akong dumaan sa simbahan upang bisitahin ang Blessed Sacrament. In
short, mas lalong lumalim ang relasyon ko sa Diyos.
Maaaring pinagtatawanan niyo ako
pero sa pamamagitan ng pagdarasal ay napupunan yung pagkukulang na hinahanap
ko. Masaya ako dito lalo na at may mga kaibigan at pamilya naman akong
kumakalinga at nagpapasaya sa akin. Akala ko ayos na yung ganitong setup.
Ngunit mali pala ako. Hindi natin dapat takas an ang problema dahil mas lalo
itong lumalala.
Buwan na nang Disyembre. Malapit na
ang Pasko. Malamig na ang simoy ng hangin. Damang dama mo na ang kapaskuhan
dahil sa mga dekorasyon at mga pailaw sa paligid lalo na sa aming unibersidad.
Ako ang taong may ayaw sa Pasko.
Napakalungkot noon para sa akin. Siguro dahil hinahanap ko ang isang masayang
Pasko kasama ang aking buong pamilya. Pero hindi na ito mangyayari pa. May iba
nang pamilya ang aking ama. Pero may komunikasyon naman kami. Masaya naman
kaming mag-iina kasama ang kapatid kong babae. Ngunit may kulang. Siguro
naghihintay ako ng isang taong magmamahal sa akin. Isang taong tatanggapin ako
ng buo. Naghahanap ako ng isang taong magpaparamdam sa akin ng init ng kanyang
pagmamahal sa isang malamig na Pasko. Pero hindi na ako naniniwala roon.
Imposible iyon. Mamamatay siguro akong malungkot at nag-iisa.
Isang gabi, nagkayayaan ang kaming
mga lalaki na mag-inuman sa isang bar. Sumama ako dahil namimiss ko na rin
sila. Ganun din si Rome. Na-late ako ngunit unfortunately magkatabi kami ni
Rome. Sobrang awkward sa pagitan naming dalawa. Lima kami sa mesa. Nang medyo
lumalalim na ang gabi at napaparami na ang inuman ay biglang nagsalita si Borj.
“Amiel. Rome.
Umamin nga kayo sa amin. Seryoso to ah. Magkaaway ba kayo?”
Nabigla ako sa
tanong ni Borj. Hindi ko alam kung aaminin ko sa kanila o hindi.
“Oo nga. Hindi
niyo maikakaila sa amin na may tension sa pagitan ninyong dalawa. Ano bang
nangyari sa inyong dalawa?” sabat ni Miggy.
“Amiel, mauna ka
mag-share. Please? Hindi ka makakapagsinungaling sa amin.”
“Wala akong alam
sa pinagsasabi niyo,” deretso kong tugon.
Biglang hinampas ni Rome ang mesa.
“Eh bakit hindi
mo sabihin ang totoo, Amiel? Ha?!”
Napatingin kami sa kanya.
Kinakabahan na ako.
“Bakit hindi mo
sabihin sa kanila na nagseselos ka sa relasyon namin ni Lourdes kaya hindi mo
ako kinikibo. Oo, nagseselos yang si Amiel kasi silahis siya. Matagal na niya
akong gusto.”
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni
Rome. Hindi ako makaimik. Shit. Guilty ako.
“Pwe, ano gusto
mo akong sampalin? Sige gawin mo. Apektado ka no? Kasi aminado ka sa sarili mo
na bakla ka!”
Tumayo ako upang dakmain ang leeg
niya. Binuhat ko siya mula sa collar nung polo niya.
“Ulitin mo ang
sinabi mo,” malamig kong tugon.
“Bakla ka!”
Doon ko siya
sinuntok sa mukha ng malakas. Gumanti siya. Pareho kaming duguan ang labi.
Dehado ako sa kanya kasi matigas siya. Hindi naman kasi ako sanay sa awayan eh.
Sinusuntok niya ako ng mabilis at hindi ako makalaban.
Sinubukan kaming awatin nila Borj,
Miggy at Steve. Hawak ako nilang tatlo samantalang si Rome ay hawak ng mga
waiter.
“Ano? Sige
lumaban ka? Bakit mo tinatanggi na bakla ka? Alam ko na ang lahat. Nabasa ko
ang sulat mo.”
Sulat?
Sulat?
Anong sulat
iyon? Napapaisip ako at bigla kong naalala ang sulat sa notebook ko na ginawa
ko. Sinulat ko ito sa maliit na papel ngunit nawala ito noong isang linggo.
Akala ko naitapon ko sa basurahan. Iyon pala hawak niya. Nagdilim na ang
paningin ko at pinilit kong makaalpas kanila Steve. Inatake ko ng suntok si
Rome ngunit nakaganti siya nang ibato niya sa akin ang isang bote ng alak at
tumama ito sa ulo ko. Nahilo ako dahil sa lakas at sakit ng tama sa akin ngunit
buti na lang nakakita rin ako ng bote at naibato ko ito sa kanya.
Unfortunately, hindi ko na nakita kung tumama ito sa kanya. Nahimatay na ako at
nawalan na ako ng malay.
Nakaupo ako sa simbahan hawak ang isang papel at
ballpen. Napagpasyahan ko kasing sumulat ng isang liham para kay Rome. Ngunit
hindi ko ito ibibigay sa kanya. Pang-alis lang ng depresyon.
Dear
Rome,
Masaya ako na naging kaibigan kita. Masaya ako sa
dalawang taon ng pagkakaibigigan natin. Masaya ako at nagpapasalamat dahil nakilala
kita bilang isang kaibigan. Hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ko inaasahang
mahuhulog ang loob ko sayo. Hindi ko inaasahang mamahalin kita at magiging
malapit ka sa puso ko. Patawarin mo sana ako kung lagi akong naging aburido at
galit sayo simula nang maging kayo ni Lourdes. Mahal kasi kita. Nagseselos ako
at nasasaktan ako. Sorry, tao lang din ako na nasasaktan. Sorry, dahil hindi ko
mapigilan ang nararamdaman ko sayo. Miss na miss kita. Pero alam kong hindi na
maibabalik ang dati. Mahal na mahal kita Rome.
Nagmamahal,
Amiel
Namalayan ko ang sarili ko na lumuluha habang
sinusulat ang liham na ito. Matapos koi tong maisulat ay dumeretso na ako sa
classroom. Naramdaman kong naiihi ako at minabuti kong pumunta ng banyo dahil
wala pa naman ang propesor. PAgbalik ko ay nagulat ako sa nadatnan ko. Magulo
ang aming mga upuan at sumabog ang filler notebook ko. Inayos ko kaagad ito.
Natapos ang aming klase at umuwi ako sa bahay. Chineck ko ang aking kwaderno at
napansin na wala ang aking liham. Shit! Fuck! Lahat na yata ng mura ay nasambit
ko ng hindi koi yon mahanap. Sumuko ako matapos ang isang oras ng paghahanap.
Bumalik pa mismo ako sa simbahan at sa patio na aming dinaanan ngunit wala ito.
Ang tanging naiusal ko na lamang na panalangin ay sana walang makakita ng sulat
na iyon.
Kinabukasan, pagpasok ko sa aming silid ay
pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase at pinagtatawanan. Pinuntahan ako ni
Steve. Akala ko may sasabihin siyang seryoso ngunit sinampal niya ako at
sinabing, “Hi Papa!” Fuck. Nagtawanan ang lahat. Nagsimula silang batuhin ako
ng gma basura at papel na binola. Tumakbo ako palabas ng classroom para umuwi
ng bahay ngunit hinablot ako ng mga lalaki kong classmate. Dinala nila ako sa
liblib na bahagi n gaming unibersidad. Hawak nila ang mga braso ko. Nagsimula
na silang bastusin ko. Nilalagay nila ang palad ko sa mga ari nila. Ang iba
mismong piantigas pa ang kanilang ari at ibinalot ang mga iyan sa aking mga
kamay. Iyong iba pinipilit na isubo sa akin ang kanilang titi. Sa bawat
pag-ayaw ko ay isang suntok sa tagiliran, sipa sa aking sikmura at tadyak sa
aking mukha ang nararamdaman ko. Nakita ko lang si Roma na nakatayo sa isang
tabi. Nakangiti at tuwang tuwa habang nakikitang naghihirap ako. Dahil sa katigasan
ng ulo ko, pumutol ang mga lalaki ng isang sanga sa puno na puno ng langgam at
pilit na isinasaksak ito sa likuran ko. Fuck. Ang sakit. Tama na! Ayoko na.
“Rome” ito ang huling salita na nabanggit ko.
Minulat ko ang
aking mata habang hinahabol ko ang aking hininga. Isa lang palang masamang
panaginip. Ngunit lumuluha pala ako habang tulog. Ang sakit ng ulo ko maging ng
buong katawan ko. Pagkamulat ko ay nakita ko ang aking ina at si Rica na
nagbabantay sa akin. Tuwang tuwa ang aking ina maging si Rica at ang aking kapatid
na babae nang ako’y magkamalay na. Tinawag nila ang doctor at kinonsulta nito
ako. Sinabi naman ng doctor na ayos na ako at pahinga lang ang kailangan ko.
“Alam mo anak
nagalala ako ng husto sa iyo. Bakit ka ba kasi nakipag-away? Gusto mob a
ipa-blotter natin iyang kaibigan mo?”
“Wag na po, Ma.
Lalo lang lalaki ang gulo.”
“Hindi maari
iyan. Grabe ang ginawa niya sa iyo. Akala ko malapit kayong magkaibigan pero
bakit kayo humantong ditto?” galit na sambit ng aking ina.
“Tita, hayaan
niyo nap o ang desisyon ni Amiel. May personal siyang mga dahilan na hindi niya
pwedeng sabihin sa inyo. Intindihin nyo na lang po ang binate niyo,”
pagpapakalma ni Rica kay Mama.
“Kayo talagang
mga kabataan kayo oh. Oh basta Amiel tandaan mo nanay mo pa din ako. Kung
kailangan mo ng tulong nandito lang kami ni Cagalli.”
Tumango lang at
ngumiti ako kay Mama. Alam na niya iyon na nagpapasalamat ako sa kanya. Lumabas
muna si Mama at si Cagalli dahil alam niyang gusto kong makausap si Rica.
“Friend, anong
nangyari? Sabihin mo sa akin ang totoo?”
“Masakit, Rica.
Sinigawan niya akong bakla at ibinuko niya ako sa mga kaibigan naming na
silahis ako. Pinahiya niya ako. Nawalan na ako ng moral at mukhang maihaharap.”
Nagngingitngit
si Rica sa mga narinig niya. Gulat na gulat siya sa mga narinig niya.
Magsasalita n asana siya nang dumating ang mga kaklase kong babae at kinumusta
nila ako. Malakas ang kutob ko na wala pang nakakaalam ng buong pagkatao ko sa
kanila. Binisita din ako ni Steve. Tanging siya lang ang bumisita sa akin.
Masakit sa akin iyon dahil ang mga inaakala kong tunay kong kaibigan ay
nilalayuan na ako dahil siguro pinandidirian nila ang pagkatao ko. Pero sabagay
ditto mo malalaman kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Actually, matagal ko
na itong tanggap at pinaghandaan.
Inuwi na ako sa
bahay ng makalwang araw. Nalaman ko na ako lang ang naospital dahil nakailag si
Rome sa binato kong bote. Buti na lang daw. Nagulat ako ng si Rome daw ang
nagbayad ng mga billings ko sa ospital. Hindi ko alam ang dahilan. Siguro iyon
ang mga naging arrangements.
Pumasok na rin
ako matapos ang isang linggo pahinga. Pinilit kong habulin ang mga klaseng
naiwan ko. Medyo marami nang pinapagawa dahil malapit na ang Christmas break.
Malapit na nga ang Pasko. Masaya na ang mga tao. Ngunit ako malungkot pa din.
Minsan, sinipag
akong umattend ng Simbang Gabi at ito ang unang araw. Syempre mag-isa lang ako.
Hindi ko na rin nakakasama sila Miggy at Borj. Mailap na rin ako sa barkada
naming kahit sa mga babae. Si Steve? Madalang na rin niya ako samahan.
Nasa loob ako ng
simbahan. I am currently reflecting in front of the tabernacle nang may tumabi
sa akin. Hindi naming sinasadya na tingnan ang isa’t isa at nagulat kami. Patay
kasi ang ilaw at nakatutok lang ang lights sa Tabernacle. Si Rome ang tumabi sa
akin. Maging siya ay nagulat. Iiwas na sana ako ng tingin ngunit ngumiti siya
sa akin at binati niya ako. Tumango lang ako sa kanya. Ngunit tahimik pa din.
Nagsimula na ang
Misa. Dahil medyo maraming tao ay nagsisiksikan kami sa isang hanay. Hindi
maiaalis na magkadikit ang aming mga braso at siko kaya ilang na ilang ako.
Maging sa pag-upo ganoon din. Minsan nga, may mga pagkakataon na napapasandal
ang kanyang hita sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin.
Dumating na ang
Homiliya/Sermon ng pari.
“Ang Pasko ay
hindi lamang panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ang Pasko ay panahon din
ng pagpapatawad. Ito ay panahon upang palayain ang ating mga puso mula sa sakit
at galit na nang-aalipin sa atin. Bakit kailangan nating magpatawad ngayon
kapaskuhan? Simple lang! Dahil ang Diyos ay mapagpatawad. Pinatawad niya ang
ating mga kasalanan sapagkat ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na anak upang
maging tao at makisalamuha sa atin. In short, ang Diyos ang naging tao upang
mamuhay sa atin. Kung hindi niya pinatawad ang kasalanan ng ating mga unang
magulang, malamang hindi natin makikilala si Hesus. Kung si Hesus ay hindi
naging tao katulad natin, hindi natin makakamtan ang langit. Hindi tayo rito
makakapasok. Hindi tayo maliligtas.”
Napaka-striking
ng sermon ni Father para sa akin. Grabe tinamaan ako. Ito na nga ba ang tamang
panahon upang magkabati ulit kami ni Rome? Hindi eh. Mahapdi at sariwa pa ang
mga sugat sa pagitan namin.
Nagpatuloy ang
Misa at dumating yung portion na magbabatian ng “Peace be with you!” Hindi ko
sana sya lilingunin ngunit bigla nyang hinawakan ang mga braso ko at pinihit
ako paharap sa kanya at sinabing, “PEACE BE WITH YOU!” Matagal siyang nakatungo
sa harapan. Nagulat ako sa ginawa niya. Upang hindi siya mapahiya, binati ko na
rin siya at tumango lang ako. Manghang mangha siya sa ginawa ko na nakita ko na
naluluha siya habang tinitingnan ako. Nagkatititgan kami ng ilang Segundo ng
bigla niya akong inakap. Syempre yakap na pangkaibigan. Wala akong reaksyon
nun. Binulungan ko na lang siya na bumitiw na siya dahil may mga taong
nakatingin.
Tahimik lang
kami hanggang matapos ang Misa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakalabas ako ng
simbahan at nagmadaling umuwi. Ayokong makita ulit siya.
ITUTULOY…
maganda ang story pero ang tagal ng update eh tas ang ikli. hahaha.
ReplyDeleteanyways, thanks for the update. keep on checking ur blog for an update.
Please be informed that I have a new blog wherein I will recreate a different universe for Amiel. Thank you.
Deletehttp://lexetamore.blogspot.com/
Please be informed that I have a new blog wherein I will recreate a different universe for Amiel. Thank you.
Deletehttp://lexetamore.blogspot.com/
Ganda talaga ng story na to :)) !
ReplyDeleteSana habaan mu pa plss...
PAsensya na po. Busy lang talaga sa academic load. Maraming salamat sa mga komento. Pipilitin ko po sa susunod.
ReplyDelete