Wednesday, November 13, 2013

I NEED TO PART 4



Tulala ako nang namalayan kong umalis na si Rome at nasa loob na kami ng bahay ni Rica. Nagulat ako sa sarili ko sa mga nangyari. Syempre proud ako sa sarili ko dahil nasabi ko ang mga ganoong bagay. Siguro, dahil na rin sa matinding galit.

“Friend, panalo ang acting mo kanina. Congrats! Pam-FAMAS!” pang-aasar sa akin ni Rica.
Matipid akong ngumiti bilang reaksyonsa sinabi ni Rica.

“Ano? Bakit ka tahimik dyan? Huwag mo sabihing nagsisisi ka sa ginawa mo? Wala nang atrasan ito, friend.”

Tama nga siguro si Rica. Wala nang atrasan ito. Kailangan kong pangatawanan lahat ng sinabi k okay Rome.

“Teka, Rica. Bakit ka nga pala pumunta dito?” tanong ko.

“Naramdaman ko kasing susundan ka ni Rome. Hehe. Instinct. Alam mo na nakakaamoy ako ng lansa.”

“Tigilan mo nga ako sa mga pagbibiro mo.”

“Hindi kita ginugudtaym no. Hahaha. Wait, himala. Hindi ka umiiyak.”

“Para saan?”

“OMG. Ang tapang mo na ngayon.”

“Hahaha. Loka loka ka talaga. Wala na siguro akong maiiyak. Siguro sawa na ako sa tatlong taon na lagi na lang akong umaaasa at nasasaktan.”

“Ikaw kasi. Ang tanga tanga mo sa pag-ibig.” Binatukan ako ni Rica. Medyo masakit iyon. Pero eye opener iyong sinabi sa akin ng baliw na babaeng ito.

Oo nga no. Halos tatlong taon na rin akong umaaasa na masusuklian ni Rome ang pag-ibig na ipinapakita ko sa kanya. Halos araw araw dinadasal ko sa Diyos na matutunan din niya akong mahalin kaso wala naming nangyayari. Pagod na ako. Tama na siguro ito. Panahon naman upang bigyan ko ng panahon ang sarili ko. Tatlong taon na puro sa kanya umiikot ang buhay ko.

“O sya friend, uuwi na muna ako. Mukhang okay ka na naman. Basta call me nalang if ever my problem ka. Remember, I am your fiancĂ©e,” sabay kindat sa akin ni Rica.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Sobrang lalim na pala ng gabi. Malamig. Kagagawan siguro ng aircon at malamig na simoy ng hangin dahil malapit na ang Pasko. Hindi ako makatulog dahil naaalala at nanggagalaiti pa rin ako sa mga nangyari kanina. Ngunit, sa kabila noon, pagod na pagod ang isip ko. Gusto ko ng katahimikan. Gusto ko ng inner peace. Gusto ko ng makakausap na makakaintindi sa akin. Oo, alam ko nandiyan si Rica pero may kulang.

Umiikot ang kaisipan ko nang gabing yaon hanggang sa mapansin ko ang isang nakasabit na krusipiho sa aking kwarto. Pinagmasdan ko ito nang mabuti. Simple lang ito. Gawa sa kahoy at ang taong nakabayubay ay gawa naman sa bronze. Hindi ito magara ni mukhang mamahalin ngunit may isang puwersa na nagtulak sa akin upang tumayo at lumuhod sa harapan nito.

Hindi ako relihiyosong tao ngunit nagdadasal at sumisimba naman ako tuwing linggo. Namalayan ko na lang ang aking sarili na nakaluhod. Wala akong inuusal na panalangin. Wala akong binabanggit na mga salita. Nakayuko lang ako sa imaheng iyon habang nakapikit. Ewan ko. Napakasarap ng pakiramdam ko habang ako ay nakaluhod. Ibang klaseng katahimikan at init ang pumapasok sa aking puso. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na inaalala kung paano kami unang nagkakilala ni Rome.

FLASHBACK

“Okay, class. Ako ang inyong propesor sa asignaturang Philosophy. Ayoko ng ganyang seating arrangement. Ang gusto ko alphabetical order. Lumipat kayo ng pwesto ngayon na!” utos n gaming propesor.

Ito ang unang araw ko sa kolehiyo. Bago lahat. Wala akong kakilala. Tanging si Steve lang ang kaibigan ko kahit isang oras pa lang kami nagkakausap. Dahil nga sa utos ng aking propesor ay nag-iba ang seating arrangement ng aming klase. Dito ko unang nakilala si Rome sapagkat magkatabi kami sa upuan. Tahimik siyang tao tulad ko. Hindi kami nag-iimikan noong una kaso nga lang nagrequest ang aming propesor na kumuha kami ng papel. Kaso malas dahil wala akong dala at napilitan akong humingi sa katabi ko at iyon nga si Rome.

Binigyan nga niya ako ng isang piraso ng papel at saka siya nagpakilala,

“Rome nga pala, pare.”

“Ako naman si Amiel.”

Ngumiti siya at nginitian ko siya. Noong una, hindi ako attracted sa kanya. Ngunit noong tumagal ay napansin kong may itsura pala ang mokong at naatract ako everytime na siya ay ngumingiti. Iyong tipong wala na siyang mata dahil chinky eyes at yung abnormal niyang dimples sa kanyang cheeks. Hahaha. Abnormal kasi hindi katulad ng normal na dimples na nasa may ibabang bahagi. Yung sa kanya kasi medyo mataas. Hehehe.

Doon nga nagsimula ang pagkakaibigan naming ni Rome. Lagi na kaming magkasama halos noon. Madalas kaming magkulitan. Madalas niya akong sinusundot sa tagiliran at hinahampas kasi medyo mataba nga ako at pinanggigigilan niya ako. Masaya ako noon pag kasama ko siya hanggang sa namalayan ko ang sarili ko na nahuhulog na ang loob sa kanya.

Noong una nagtataka at natatakot ako sa sarili ko. Hindi ako bading. Hindi ako silahis. Hindi pwede ito. Subalit, hindi ko napigilan. Masaya ako pag kasama ko siya. Hindi ko man lang naisip na maaaring masaktan ako sa future. Malay ko ba. Ito ang unang beses kong umibig. Wala pa akong alam.

I was daydreaming while I am kneeling. Pero hindi iyon basta pagpapantasya. Ito siguro iyong tinatawag nilang reflection. Medyo nanghihinayang ako nang mga pagkakataong iyon ngunit naisip ko hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko. OO, malungkot ako ng mga oras na iyon kasi pakiramdam ko nasayang ang pagkakaibigan naming. Naisip ko din na siya nga ba talaga ang may kasalanan o may konrtibusyon din ako. Mahirap sagutin ngunit sinisisi ko ang sarili ko.
 
“Kung hindi lang sana ako nagselos at nagreact ng ganito sana magkaibigan pa din kami.”

Napabuntong hininga ako ngunit napaisip naman ulit ako.
 
“Pero tao lang din ako. Normal sa akin ang masaktan at magkaroon ng reaksyon upang ibulalas ang aking damdamin.”

Napagod na din akong mag-isip kaya ako ay umakyat na sa kama upang matulog. Kailangan kong magpahinga at magpalakas. Mahabang laban ang pagdaraanan ko sa mga susunod na araw.

POV: ROME

Mainit pa din ang kaliwang pisngi ko dahil sa malakas na pagkakasampal sa akin ni Amiel. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako dahil sa ugali niya at awa dahil naiintindihan ko na ang pagkakamali ko. Naalala ko noong bago ako pumunta sa kanila ngayong gabi. Tumawag si Steve.

“Hello?”

“Ui Rome, pare. May itatanong lang sana ako.”

“Ano iyon?”

“Hindi naman sa nagiging tsismoso ako o nangingialam pero matagal ko na kasing nahahalata ito.”
Natigilan ako at pakiramdam ko tungkol sa amin ni Amiel ang tanong ni Steve. “Ano iyon?” inosente kong tugon.

“May problem aba kayo ni Amiel? I mean nag-awat ba kayo?”

“Ah eh. Hindi naman. Bakit mo naitanong?”

“Sigurado ka ba? Yung totoo?”

“Wala nga. Hindi ko alam iyong sinasabi.”

“Oh cge sabi mo eh. Pero tandaan mo nakakahalata na ang ibang barkada natin. Kung meron man kayong di pagkakaunawaan eh sana maayos niyo na ito.”

“Ok cge. Salamat sa payo.”

Natapos ang usapan naming ni Steve. Dahil sa biglaan niyang pagtawag, kaya ako napilitan sundan si Amiel hanggang sa kanila at ganito na nga ang nangyari.

Lumakas ang kutob ko na silahis nga si Amiel. Hindi ko alam kung tama ang pakiramdam ko ngunit malakas talaga ang hinala ko. Silahis si Amiel at may gusto siya sa akin. Nandiri ako sa naisip ko. Hindi niya iyon maitatanggi. Hindi niya sinagot ang tanong ko at bigla pa niya ako sinampal. Umiiyak pa siya kanina. Halatang halata na. Dapat layuan ko na siya. Nakakadiri siya. Sa dalawang taon, baka matagal na niya akong pinagnanasaan. Matagal na niya akong hinahalay hindi ko lang napapansin. Yuck. Wala akong kaibigang bading.



Nagpatuloy ang buhay ko at hindi na nga kami naguusap ni Amiel. Kinakausap ko lang siya about sa academics at ganoon din siya. Hindi ko na siya kinukulit katulad nung dati. Makikita sa mukha niya na lagi siyang malungkot. Ako kaya ang dahilan nito? Eh ano naman ngayon? Itinulak niya akong palayo tapos ano inaasahan niya? Na ako ang lalapit sa kanya? No way! Isa pa kung bading man siya ayoko na makipagkaibigan sa kanya. Masama na kung masama pero ayoko talaga.

Napansin ko na hindi na sumasama madalas si Amiel sa aming mga lakad. Madalas lamang itong sasama kapag hindi ako kasama. Ngunit may mga ibang kaso na magkasama kami ngunit hindi kami nag-uusap. Kung mag-uusap man civil lang. Hindi na katulad ng dati. May mga pagkakataon na nagiiwasan kami. Kung sakaling kami man ay magkakasalubong, ang isa ay magiiba ng daan o ruta. Hindi naming pinapabayaan na magkasalubong ang aming mga landas. In short, we are entirely hostile to each other.

ITUTULOY…

3 comments:

  1. may kasunod paba nito?
    kung merun kaylan po?
    excited nako sa next part :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Please be informed that I have a new blog wherein I will recreate a different universe for Amiel. Thank you.

      http://lexetamore.blogspot.com/

      Delete
  2. Meron na po. Thanks for following my blog.

    ReplyDelete