Tuesday, November 19, 2013

I NEED TO PART 5





POV: AMIEL

            Matagal na rin pala simula nang nagkalayo kami ni Rome sa isa’t isa. Pero sanay na rin naman na ako. Oo medyo may sakit at konting pangungulila pero mas okay na ito kesa naman lagi kong pinapahirapan ang sarili ko na umasa na matutunan din niya akong mahalin. Syempre nagseselos at nalulungkot pa din ako pag nakikita ko sila ni Lourdes na magkasama at masaya. Minsan napapabuntong hininga na lang ako. Isa sa mga magandang bagay na nangyari sa akin simula nang iniwasan ko si Rome ay napalapit lalo ako sa Diyos. NAtuto akong magdasal. Linggo lingo na rin akong nagsisimba. Madalas na rin akong dumaan sa simbahan upang bisitahin ang Blessed Sacrament. In short, mas lalong lumalim ang relasyon ko sa Diyos.

            Maaaring pinagtatawanan niyo ako pero sa pamamagitan ng pagdarasal ay napupunan yung pagkukulang na hinahanap ko. Masaya ako dito lalo na at may mga kaibigan at pamilya naman akong kumakalinga at nagpapasaya sa akin. Akala ko ayos na yung ganitong setup. Ngunit mali pala ako. Hindi natin dapat takas an ang problema dahil mas lalo itong lumalala.


            Buwan na nang Disyembre. Malapit na ang Pasko. Malamig na ang simoy ng hangin. Damang dama mo na ang kapaskuhan dahil sa mga dekorasyon at mga pailaw sa paligid lalo na sa aming unibersidad.

            Ako ang taong may ayaw sa Pasko. Napakalungkot noon para sa akin. Siguro dahil hinahanap ko ang isang masayang Pasko kasama ang aking buong pamilya. Pero hindi na ito mangyayari pa. May iba nang pamilya ang aking ama. Pero may komunikasyon naman kami. Masaya naman kaming mag-iina kasama ang kapatid kong babae. Ngunit may kulang. Siguro naghihintay ako ng isang taong magmamahal sa akin. Isang taong tatanggapin ako ng buo. Naghahanap ako ng isang taong magpaparamdam sa akin ng init ng kanyang pagmamahal sa isang malamig na Pasko. Pero hindi na ako naniniwala roon. Imposible iyon. Mamamatay siguro akong malungkot at nag-iisa.

            Isang gabi, nagkayayaan ang kaming mga lalaki na mag-inuman sa isang bar. Sumama ako dahil namimiss ko na rin sila. Ganun din si Rome. Na-late ako ngunit unfortunately magkatabi kami ni Rome. Sobrang awkward sa pagitan naming dalawa. Lima kami sa mesa. Nang medyo lumalalim na ang gabi at napaparami na ang inuman ay biglang nagsalita si Borj.

“Amiel. Rome. Umamin nga kayo sa amin. Seryoso to ah. Magkaaway ba kayo?”

Nabigla ako sa tanong ni Borj. Hindi ko alam kung aaminin ko sa kanila o hindi.

“Oo nga. Hindi niyo maikakaila sa amin na may tension sa pagitan ninyong dalawa. Ano bang nangyari sa inyong dalawa?” sabat ni Miggy.

“Amiel, mauna ka mag-share. Please? Hindi ka makakapagsinungaling sa amin.”

“Wala akong alam sa pinagsasabi niyo,” deretso kong tugon.

            Biglang hinampas ni Rome ang mesa.

“Eh bakit hindi mo sabihin ang totoo, Amiel? Ha?!”

            Napatingin kami sa kanya. Kinakabahan na ako.

“Bakit hindi mo sabihin sa kanila na nagseselos ka sa relasyon namin ni Lourdes kaya hindi mo ako kinikibo. Oo, nagseselos yang si Amiel kasi silahis siya. Matagal na niya akong gusto.”

            Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Rome. Hindi ako makaimik. Shit. Guilty ako.

“Pwe, ano gusto mo akong sampalin? Sige gawin mo. Apektado ka no? Kasi aminado ka sa sarili mo na bakla ka!”

            Tumayo ako upang dakmain ang leeg niya. Binuhat ko siya mula sa collar nung polo niya.

“Ulitin mo ang sinabi mo,” malamig kong tugon.

“Bakla ka!”

Doon ko siya sinuntok sa mukha ng malakas. Gumanti siya. Pareho kaming duguan ang labi. Dehado ako sa kanya kasi matigas siya. Hindi naman kasi ako sanay sa awayan eh. Sinusuntok niya ako ng mabilis at hindi ako makalaban.

            Sinubukan kaming awatin nila Borj, Miggy at Steve. Hawak ako nilang tatlo samantalang si Rome ay hawak ng mga waiter.

“Ano? Sige lumaban ka? Bakit mo tinatanggi na bakla ka? Alam ko na ang lahat. Nabasa ko ang sulat mo.”

Sulat?


Sulat?

Anong sulat iyon? Napapaisip ako at bigla kong naalala ang sulat sa notebook ko na ginawa ko. Sinulat ko ito sa maliit na papel ngunit nawala ito noong isang linggo. Akala ko naitapon ko sa basurahan. Iyon pala hawak niya. Nagdilim na ang paningin ko at pinilit kong makaalpas kanila Steve. Inatake ko ng suntok si Rome ngunit nakaganti siya nang ibato niya sa akin ang isang bote ng alak at tumama ito sa ulo ko. Nahilo ako dahil sa lakas at sakit ng tama sa akin ngunit buti na lang nakakita rin ako ng bote at naibato ko ito sa kanya. Unfortunately, hindi ko na nakita kung tumama ito sa kanya. Nahimatay na ako at nawalan na ako ng malay.

Nakaupo ako sa simbahan hawak ang isang papel at ballpen. Napagpasyahan ko kasing sumulat ng isang liham para kay Rome. Ngunit hindi ko ito ibibigay sa kanya. Pang-alis lang ng depresyon.
            Dear Rome,
Masaya ako na naging kaibigan kita. Masaya ako sa dalawang taon ng pagkakaibigigan natin. Masaya ako at nagpapasalamat dahil nakilala kita bilang isang kaibigan. Hindi ko sinasadya ang lahat. Hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sayo. Hindi ko inaasahang mamahalin kita at magiging malapit ka sa puso ko. Patawarin mo sana ako kung lagi akong naging aburido at galit sayo simula nang maging kayo ni Lourdes. Mahal kasi kita. Nagseselos ako at nasasaktan ako. Sorry, tao lang din ako na nasasaktan. Sorry, dahil hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko sayo. Miss na miss kita. Pero alam kong hindi na maibabalik ang dati. Mahal na mahal kita Rome.
                                                                                                                        Nagmamahal,
                                                                                                                        Amiel
Namalayan ko ang sarili ko na lumuluha habang sinusulat ang liham na ito. Matapos koi tong maisulat ay dumeretso na ako sa classroom. Naramdaman kong naiihi ako at minabuti kong pumunta ng banyo dahil wala pa naman ang propesor. PAgbalik ko ay nagulat ako sa nadatnan ko. Magulo ang aming mga upuan at sumabog ang filler notebook ko. Inayos ko kaagad ito. Natapos ang aming klase at umuwi ako sa bahay. Chineck ko ang aking kwaderno at napansin na wala ang aking liham. Shit! Fuck! Lahat na yata ng mura ay nasambit ko ng hindi koi yon mahanap. Sumuko ako matapos ang isang oras ng paghahanap. Bumalik pa mismo ako sa simbahan at sa patio na aming dinaanan ngunit wala ito. Ang tanging naiusal ko na lamang na panalangin ay sana walang makakita ng sulat na iyon.

Kinabukasan, pagpasok ko sa aming silid ay pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase at pinagtatawanan. Pinuntahan ako ni Steve. Akala ko may sasabihin siyang seryoso ngunit sinampal niya ako at sinabing, “Hi Papa!” Fuck. Nagtawanan ang lahat. Nagsimula silang batuhin ako ng gma basura at papel na binola. Tumakbo ako palabas ng classroom para umuwi ng bahay ngunit hinablot ako ng mga lalaki kong classmate. Dinala nila ako sa liblib na bahagi n gaming unibersidad. Hawak nila ang mga braso ko. Nagsimula na silang bastusin ko. Nilalagay nila ang palad ko sa mga ari nila. Ang iba mismong piantigas pa ang kanilang ari at ibinalot ang mga iyan sa aking mga kamay. Iyong iba pinipilit na isubo sa akin ang kanilang titi. Sa bawat pag-ayaw ko ay isang suntok sa tagiliran, sipa sa aking sikmura at tadyak sa aking mukha ang nararamdaman ko. Nakita ko lang si Roma na nakatayo sa isang tabi. Nakangiti at tuwang tuwa habang nakikitang naghihirap ako. Dahil sa katigasan ng ulo ko, pumutol ang mga lalaki ng isang sanga sa puno na puno ng langgam at pilit na isinasaksak ito sa likuran ko. Fuck. Ang sakit. Tama na! Ayoko na.

“Rome” ito ang huling salita na nabanggit ko.

Minulat ko ang aking mata habang hinahabol ko ang aking hininga. Isa lang palang masamang panaginip. Ngunit lumuluha pala ako habang tulog. Ang sakit ng ulo ko maging ng buong katawan ko. Pagkamulat ko ay nakita ko ang aking ina at si Rica na nagbabantay sa akin. Tuwang tuwa ang aking ina maging si Rica at ang aking kapatid na babae nang ako’y magkamalay na. Tinawag nila ang doctor at kinonsulta nito ako. Sinabi naman ng doctor na ayos na ako at pahinga lang ang kailangan ko.

“Alam mo anak nagalala ako ng husto sa iyo. Bakit ka ba kasi nakipag-away? Gusto mob a ipa-blotter natin iyang kaibigan mo?”

“Wag na po, Ma. Lalo lang lalaki ang gulo.”

“Hindi maari iyan. Grabe ang ginawa niya sa iyo. Akala ko malapit kayong magkaibigan pero bakit kayo humantong ditto?” galit na sambit ng aking ina.

“Tita, hayaan niyo nap o ang desisyon ni Amiel. May personal siyang mga dahilan na hindi niya pwedeng sabihin sa inyo. Intindihin nyo na lang po ang binate niyo,” pagpapakalma ni Rica kay Mama.

“Kayo talagang mga kabataan kayo oh. Oh basta Amiel tandaan mo nanay mo pa din ako. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang kami ni Cagalli.”

Tumango lang at ngumiti ako kay Mama. Alam na niya iyon na nagpapasalamat ako sa kanya. Lumabas muna si Mama at si Cagalli dahil alam niyang gusto kong makausap si Rica.

“Friend, anong nangyari? Sabihin mo sa akin ang totoo?”

“Masakit, Rica. Sinigawan niya akong bakla at ibinuko niya ako sa mga kaibigan naming na silahis ako. Pinahiya niya ako. Nawalan na ako ng moral at mukhang maihaharap.”

Nagngingitngit si Rica sa mga narinig niya. Gulat na gulat siya sa mga narinig niya. Magsasalita n asana siya nang dumating ang mga kaklase kong babae at kinumusta nila ako. Malakas ang kutob ko na wala pang nakakaalam ng buong pagkatao ko sa kanila. Binisita din ako ni Steve. Tanging siya lang ang bumisita sa akin. Masakit sa akin iyon dahil ang mga inaakala kong tunay kong kaibigan ay nilalayuan na ako dahil siguro pinandidirian nila ang pagkatao ko. Pero sabagay ditto mo malalaman kung sino ang mga tunay mong kaibigan. Actually, matagal ko na itong tanggap at pinaghandaan.
Inuwi na ako sa bahay ng makalwang araw. Nalaman ko na ako lang ang naospital dahil nakailag si Rome sa binato kong bote. Buti na lang daw. Nagulat ako ng si Rome daw ang nagbayad ng mga billings ko sa ospital. Hindi ko alam ang dahilan. Siguro iyon ang mga naging arrangements.
Pumasok na rin ako matapos ang isang linggo pahinga. Pinilit kong habulin ang mga klaseng naiwan ko. Medyo marami nang pinapagawa dahil malapit na ang Christmas break. Malapit na nga ang Pasko. Masaya na ang mga tao. Ngunit ako malungkot pa din.

Minsan, sinipag akong umattend ng Simbang Gabi at ito ang unang araw. Syempre mag-isa lang ako. Hindi ko na rin nakakasama sila Miggy at Borj. Mailap na rin ako sa barkada naming kahit sa mga babae. Si Steve? Madalang na rin niya ako samahan.
Nasa loob ako ng simbahan. I am currently reflecting in front of the tabernacle nang may tumabi sa akin. Hindi naming sinasadya na tingnan ang isa’t isa at nagulat kami. Patay kasi ang ilaw at nakatutok lang ang lights sa Tabernacle. Si Rome ang tumabi sa akin. Maging siya ay nagulat. Iiwas na sana ako ng tingin ngunit ngumiti siya sa akin at binati niya ako. Tumango lang ako sa kanya. Ngunit tahimik pa din.

Nagsimula na ang Misa. Dahil medyo maraming tao ay nagsisiksikan kami sa isang hanay. Hindi maiaalis na magkadikit ang aming mga braso at siko kaya ilang na ilang ako. Maging sa pag-upo ganoon din. Minsan nga, may mga pagkakataon na napapasandal ang kanyang hita sa akin. Hindi ko nalang iyon pinansin.

Dumating na ang Homiliya/Sermon ng pari.

“Ang Pasko ay hindi lamang panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan. Ang Pasko ay panahon din ng pagpapatawad. Ito ay panahon upang palayain ang ating mga puso mula sa sakit at galit na nang-aalipin sa atin. Bakit kailangan nating magpatawad ngayon kapaskuhan? Simple lang! Dahil ang Diyos ay mapagpatawad. Pinatawad niya ang ating mga kasalanan sapagkat ipinadala Niya ang Kanyang bugtong na anak upang maging tao at makisalamuha sa atin. In short, ang Diyos ang naging tao upang mamuhay sa atin. Kung hindi niya pinatawad ang kasalanan ng ating mga unang magulang, malamang hindi natin makikilala si Hesus. Kung si Hesus ay hindi naging tao katulad natin, hindi natin makakamtan ang langit. Hindi tayo rito makakapasok. Hindi tayo maliligtas.”

Napaka-striking ng sermon ni Father para sa akin. Grabe tinamaan ako. Ito na nga ba ang tamang panahon upang magkabati ulit kami ni Rome? Hindi eh. Mahapdi at sariwa pa ang mga sugat sa pagitan namin.

Nagpatuloy ang Misa at dumating yung portion na magbabatian ng “Peace be with you!” Hindi ko sana sya lilingunin ngunit bigla nyang hinawakan ang mga braso ko at pinihit ako paharap sa kanya at sinabing, “PEACE BE WITH YOU!” Matagal siyang nakatungo sa harapan. Nagulat ako sa ginawa niya. Upang hindi siya mapahiya, binati ko na rin siya at tumango lang ako. Manghang mangha siya sa ginawa ko na nakita ko na naluluha siya habang tinitingnan ako. Nagkatititgan kami ng ilang Segundo ng bigla niya akong inakap. Syempre yakap na pangkaibigan. Wala akong reaksyon nun. Binulungan ko na lang siya na bumitiw na siya dahil may mga taong nakatingin.

Tahimik lang kami hanggang matapos ang Misa. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakalabas ako ng simbahan at nagmadaling umuwi. Ayokong makita ulit siya.

ITUTULOY…

Wednesday, November 13, 2013

I NEED TO PART 4



Tulala ako nang namalayan kong umalis na si Rome at nasa loob na kami ng bahay ni Rica. Nagulat ako sa sarili ko sa mga nangyari. Syempre proud ako sa sarili ko dahil nasabi ko ang mga ganoong bagay. Siguro, dahil na rin sa matinding galit.

“Friend, panalo ang acting mo kanina. Congrats! Pam-FAMAS!” pang-aasar sa akin ni Rica.
Matipid akong ngumiti bilang reaksyonsa sinabi ni Rica.

“Ano? Bakit ka tahimik dyan? Huwag mo sabihing nagsisisi ka sa ginawa mo? Wala nang atrasan ito, friend.”

Tama nga siguro si Rica. Wala nang atrasan ito. Kailangan kong pangatawanan lahat ng sinabi k okay Rome.

“Teka, Rica. Bakit ka nga pala pumunta dito?” tanong ko.

“Naramdaman ko kasing susundan ka ni Rome. Hehe. Instinct. Alam mo na nakakaamoy ako ng lansa.”

“Tigilan mo nga ako sa mga pagbibiro mo.”

“Hindi kita ginugudtaym no. Hahaha. Wait, himala. Hindi ka umiiyak.”

“Para saan?”

“OMG. Ang tapang mo na ngayon.”

“Hahaha. Loka loka ka talaga. Wala na siguro akong maiiyak. Siguro sawa na ako sa tatlong taon na lagi na lang akong umaaasa at nasasaktan.”

“Ikaw kasi. Ang tanga tanga mo sa pag-ibig.” Binatukan ako ni Rica. Medyo masakit iyon. Pero eye opener iyong sinabi sa akin ng baliw na babaeng ito.

Oo nga no. Halos tatlong taon na rin akong umaaasa na masusuklian ni Rome ang pag-ibig na ipinapakita ko sa kanya. Halos araw araw dinadasal ko sa Diyos na matutunan din niya akong mahalin kaso wala naming nangyayari. Pagod na ako. Tama na siguro ito. Panahon naman upang bigyan ko ng panahon ang sarili ko. Tatlong taon na puro sa kanya umiikot ang buhay ko.

“O sya friend, uuwi na muna ako. Mukhang okay ka na naman. Basta call me nalang if ever my problem ka. Remember, I am your fiancée,” sabay kindat sa akin ni Rica.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.

Sobrang lalim na pala ng gabi. Malamig. Kagagawan siguro ng aircon at malamig na simoy ng hangin dahil malapit na ang Pasko. Hindi ako makatulog dahil naaalala at nanggagalaiti pa rin ako sa mga nangyari kanina. Ngunit, sa kabila noon, pagod na pagod ang isip ko. Gusto ko ng katahimikan. Gusto ko ng inner peace. Gusto ko ng makakausap na makakaintindi sa akin. Oo, alam ko nandiyan si Rica pero may kulang.

Umiikot ang kaisipan ko nang gabing yaon hanggang sa mapansin ko ang isang nakasabit na krusipiho sa aking kwarto. Pinagmasdan ko ito nang mabuti. Simple lang ito. Gawa sa kahoy at ang taong nakabayubay ay gawa naman sa bronze. Hindi ito magara ni mukhang mamahalin ngunit may isang puwersa na nagtulak sa akin upang tumayo at lumuhod sa harapan nito.

Hindi ako relihiyosong tao ngunit nagdadasal at sumisimba naman ako tuwing linggo. Namalayan ko na lang ang aking sarili na nakaluhod. Wala akong inuusal na panalangin. Wala akong binabanggit na mga salita. Nakayuko lang ako sa imaheng iyon habang nakapikit. Ewan ko. Napakasarap ng pakiramdam ko habang ako ay nakaluhod. Ibang klaseng katahimikan at init ang pumapasok sa aking puso. Hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na inaalala kung paano kami unang nagkakilala ni Rome.

FLASHBACK

“Okay, class. Ako ang inyong propesor sa asignaturang Philosophy. Ayoko ng ganyang seating arrangement. Ang gusto ko alphabetical order. Lumipat kayo ng pwesto ngayon na!” utos n gaming propesor.

Ito ang unang araw ko sa kolehiyo. Bago lahat. Wala akong kakilala. Tanging si Steve lang ang kaibigan ko kahit isang oras pa lang kami nagkakausap. Dahil nga sa utos ng aking propesor ay nag-iba ang seating arrangement ng aming klase. Dito ko unang nakilala si Rome sapagkat magkatabi kami sa upuan. Tahimik siyang tao tulad ko. Hindi kami nag-iimikan noong una kaso nga lang nagrequest ang aming propesor na kumuha kami ng papel. Kaso malas dahil wala akong dala at napilitan akong humingi sa katabi ko at iyon nga si Rome.

Binigyan nga niya ako ng isang piraso ng papel at saka siya nagpakilala,

“Rome nga pala, pare.”

“Ako naman si Amiel.”

Ngumiti siya at nginitian ko siya. Noong una, hindi ako attracted sa kanya. Ngunit noong tumagal ay napansin kong may itsura pala ang mokong at naatract ako everytime na siya ay ngumingiti. Iyong tipong wala na siyang mata dahil chinky eyes at yung abnormal niyang dimples sa kanyang cheeks. Hahaha. Abnormal kasi hindi katulad ng normal na dimples na nasa may ibabang bahagi. Yung sa kanya kasi medyo mataas. Hehehe.

Doon nga nagsimula ang pagkakaibigan naming ni Rome. Lagi na kaming magkasama halos noon. Madalas kaming magkulitan. Madalas niya akong sinusundot sa tagiliran at hinahampas kasi medyo mataba nga ako at pinanggigigilan niya ako. Masaya ako noon pag kasama ko siya hanggang sa namalayan ko ang sarili ko na nahuhulog na ang loob sa kanya.

Noong una nagtataka at natatakot ako sa sarili ko. Hindi ako bading. Hindi ako silahis. Hindi pwede ito. Subalit, hindi ko napigilan. Masaya ako pag kasama ko siya. Hindi ko man lang naisip na maaaring masaktan ako sa future. Malay ko ba. Ito ang unang beses kong umibig. Wala pa akong alam.

I was daydreaming while I am kneeling. Pero hindi iyon basta pagpapantasya. Ito siguro iyong tinatawag nilang reflection. Medyo nanghihinayang ako nang mga pagkakataong iyon ngunit naisip ko hindi ko na mababawi ang mga sinabi ko. OO, malungkot ako ng mga oras na iyon kasi pakiramdam ko nasayang ang pagkakaibigan naming. Naisip ko din na siya nga ba talaga ang may kasalanan o may konrtibusyon din ako. Mahirap sagutin ngunit sinisisi ko ang sarili ko.
 
“Kung hindi lang sana ako nagselos at nagreact ng ganito sana magkaibigan pa din kami.”

Napabuntong hininga ako ngunit napaisip naman ulit ako.
 
“Pero tao lang din ako. Normal sa akin ang masaktan at magkaroon ng reaksyon upang ibulalas ang aking damdamin.”

Napagod na din akong mag-isip kaya ako ay umakyat na sa kama upang matulog. Kailangan kong magpahinga at magpalakas. Mahabang laban ang pagdaraanan ko sa mga susunod na araw.

POV: ROME

Mainit pa din ang kaliwang pisngi ko dahil sa malakas na pagkakasampal sa akin ni Amiel. Magkahalong inis at awa ang nararamdaman ko ngayon. Naiinis ako dahil sa ugali niya at awa dahil naiintindihan ko na ang pagkakamali ko. Naalala ko noong bago ako pumunta sa kanila ngayong gabi. Tumawag si Steve.

“Hello?”

“Ui Rome, pare. May itatanong lang sana ako.”

“Ano iyon?”

“Hindi naman sa nagiging tsismoso ako o nangingialam pero matagal ko na kasing nahahalata ito.”
Natigilan ako at pakiramdam ko tungkol sa amin ni Amiel ang tanong ni Steve. “Ano iyon?” inosente kong tugon.

“May problem aba kayo ni Amiel? I mean nag-awat ba kayo?”

“Ah eh. Hindi naman. Bakit mo naitanong?”

“Sigurado ka ba? Yung totoo?”

“Wala nga. Hindi ko alam iyong sinasabi.”

“Oh cge sabi mo eh. Pero tandaan mo nakakahalata na ang ibang barkada natin. Kung meron man kayong di pagkakaunawaan eh sana maayos niyo na ito.”

“Ok cge. Salamat sa payo.”

Natapos ang usapan naming ni Steve. Dahil sa biglaan niyang pagtawag, kaya ako napilitan sundan si Amiel hanggang sa kanila at ganito na nga ang nangyari.

Lumakas ang kutob ko na silahis nga si Amiel. Hindi ko alam kung tama ang pakiramdam ko ngunit malakas talaga ang hinala ko. Silahis si Amiel at may gusto siya sa akin. Nandiri ako sa naisip ko. Hindi niya iyon maitatanggi. Hindi niya sinagot ang tanong ko at bigla pa niya ako sinampal. Umiiyak pa siya kanina. Halatang halata na. Dapat layuan ko na siya. Nakakadiri siya. Sa dalawang taon, baka matagal na niya akong pinagnanasaan. Matagal na niya akong hinahalay hindi ko lang napapansin. Yuck. Wala akong kaibigang bading.



Nagpatuloy ang buhay ko at hindi na nga kami naguusap ni Amiel. Kinakausap ko lang siya about sa academics at ganoon din siya. Hindi ko na siya kinukulit katulad nung dati. Makikita sa mukha niya na lagi siyang malungkot. Ako kaya ang dahilan nito? Eh ano naman ngayon? Itinulak niya akong palayo tapos ano inaasahan niya? Na ako ang lalapit sa kanya? No way! Isa pa kung bading man siya ayoko na makipagkaibigan sa kanya. Masama na kung masama pero ayoko talaga.

Napansin ko na hindi na sumasama madalas si Amiel sa aming mga lakad. Madalas lamang itong sasama kapag hindi ako kasama. Ngunit may mga ibang kaso na magkasama kami ngunit hindi kami nag-uusap. Kung mag-uusap man civil lang. Hindi na katulad ng dati. May mga pagkakataon na nagiiwasan kami. Kung sakaling kami man ay magkakasalubong, ang isa ay magiiba ng daan o ruta. Hindi naming pinapabayaan na magkasalubong ang aming mga landas. In short, we are entirely hostile to each other.

ITUTULOY…

Saturday, November 9, 2013

I NEED TO PART 3


ANG NAKARAAN...


"Puta, si Rome iyon ah at si..."



Kaya pala. May lakad pala sila ni Lourdes at magkaholding hands sila. Masaya sila sa presensya ng isa't isa. Dito na talaga ako naawa sa sarili ko. Puta dito pa yata sa shade na ito sila papunta. Fuck. I need to go. Ayoko maging third wheel. Pero nakita nila ako.



"Amiel" tawag sa akin ni Lourdes.



"Hi" tugon ko kay Lourdes. Hindi ko pinansin si Rome. Mukha ring wala sa mood si Rome para kausapin ako.



"I got to go." dagdag ko.



"Malakas ang ulan. Wala kang payong," sagot ni Lourdes.



"Hindi mo iyan mapipigilan. Pag ginusto niya, gagawin niya." sabat ni Rome.



As usual, ang sakit kasi nagexpect ako na pipigilan nya din ako. Mabuti pa yung girlfriend niya may puso at concern sa akin.



Dali dali kong sinugod ang malakas na ulan. Basang basa ako ng ulan. Dito na ako napaiyak at humagulhol ng todo. Okay lang to. Wala namang nakakakita sa akin dahil malakas nga ang ulan at madilim ang langit. Naaawa na ako sa sarili ko. Niloko ako at pinaaasa. Ni hindi man lang ako inabisuhan na hindi kami tuloy.


************

Napagdesisyunan ko na huwag na muna ako pumasok sa gabing iyon dahil sa dalawang dahilan. Una, mukhang magkakasakit yata ako dahil sinugod ko ang ulan. Ikalawa, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at umiyak ako sa harap ng klase dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ginawa ni Rome na pang-iindyan sa usapan namin. In short, pinaasa niya ako. Pinagmukha niya akong tanga.

Eventually, I received a text from him.

Rome: Miel, malelate ako ng pasok. Update me if may prof na.

Puta. Gago ka ba? Ano ako tanga? Matapos mo akong paghintayin kanina? Bahala ka sa buhay mo.

Hindi ako nagreply sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Nakaidlip ako habang nakatitig lang sa cellphone ko. Mga 7pm ng gabi, bigla akong naalimpungatan. Ang daming text messages galing sa mga kaklase ko. Hinahanap nila ako. Na-touch naman ako kaso bigla akong nalungkot kasi walang text si Rome di tulad dati na hinahanap niya ako.

"Iba na talaga ang case ngayon," sabi ko sa aking sarili.

Tinext ko mga classmates ko na nagtatanong na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya hindi ako pumasok sa klase.

Gusto kong mag unwind. Since maaga pa, tinext ko si Rica para magdinner. She agreed and we went to a mall. We ate on Tokyo Tokyo since paborito namin ang Asian cuisine particularly Japanese. We also went window shopping. Habang naglalakad kami ay bigla syang naging sweet sa akin. She coiled her arms on mine.

"Bruha, sumakay ka sa trip natin. Nakita ko mga kabarkada mo at si Rome," sambit sa akin ni Rica. Loka loka talaga ang babaeng ito. Ang talas ng paningin. Pero sumakay na din ako.

Kapag sinuswerte ka nga naman, hindi kami nakita nang buong barkada. I saw them na umuuwi na after buying some stuff sa national bookstore. School supplies siguro. Kaso, accidentally, nasalubong namin ni Rica si Rome.

Umiwas ako ng tingin. Kunwari kausap ko si Rica. Binati siya ni Rica kaya napatingin na rin ako. He smiled at her and he tapped my shoulder. Wala akong ginawang feedback. After ng pangyayaring iyon, hinatid ko si Rica sa condo niya since katabi lang ng mall yung place niya. Unfortunately, habang papauwi ako ay nakita ko si Rome na nasa exit gate ng mall na parang may hinihintay.

As usual, hindi ko pa din siya pinansin. Lumabas ako ng mall at sumunod yata siya sa akin. Ewan ko. Parang lumabas siya at pakiramdam ko sumusunod siya sa akin. Nang malapit na ako sa jeep, pinili kong hindi ako sumakay dahil confirmed sinusundan niya ako. Macocorner niya ako sa jeep. Ayokong mag-burst ang emotions ko doon. So, minabuti kong maglakad kahit medyo malayo ang bahay ko. Okay na rin yun. Makakapag-exercise pa ako. Hehehe.

Until finally, nakarating ako sa gate ng bahay namin. Akala ko wala na siya ngunit bigla siyang sumulpot sa likuran ko.

"May sakit pala huh. Bakit hindi ka pumasok kanina. Lumandi ka lang kasama yung fiancee mo na si Rica eh. Kailan ka pa natutong magsinungaling?" nagbibiro niyong tanong.

"Wala kang pakialam. Wala akong panahon magpaliwanag sa mga walang kuwentang taong katulad mo." Shit. Nasabi ko yun. Achievement! Grabe ang bilis ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Medyo naluluha ako pero fulfilling.

"Miel, kausapin mo nga ako ng matino," utos niya. May authority ang tono niya.

"Anong kailangan mo?" sagot ko habang nakatalikod ako sa kanya.

"Gusto kitang makausap. Naguguluhan ako. Please? Kwentuhan tayo?"

"Wow. Bago to ah. Lumalapit ka sa akin dahil gusto mo akong makakwentuhan? Hahaha. Himala. Wala ka yatang pabor na hihingin? Hahaha" sarkastiko kong tugon.

"Ano ba, Miel? Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit parang ang laki ng galit mo sa akin?"

"Umalis ka na. Ayokong mag-aksaya ng panahon sa mga taong katulad mo."

Pumasok ako ng gate at nagpumilit siyang pumasok. Kahit hinaharangan ko siya, nakapasok siya sa bakuran namin. Buti nalang walang tao. Ako lang ang tao sa bahay noon.

"Ano ba?! Hindi ka ba nakakaintindi? Umalis ka na. Hindi ka welcome dito!"

"Aalis ako pag sinabi mo ang dahilan kung bakit hindi ka pumasok sa klase kanina."

"Bakit ba? Magulang ba kita? Ha?! Bakit ba ang dami mong tanong!"

"Nag-aaalala kasi ako sayo! Bwisit! Concern ako sa mga nangyayari sayo. Bakit hindi mo makita iyon?!" bulyaw niya. Napikon na rin siguro siya sa akin.

"Wow. Concern pala ha? Talaga? Alam mo ang plastic mo!"

Kinuwelyuhan niya ako. Natakot na ako sa mga mangyayari. Galit ang mata niya. Nakaya niya akong i-angat kahit kung tutuusin mas malaki katawan ko at mas mabigat ako sa kanya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"Plastic ka." matapang kong tugon.

"Ano?"

"Plastic ka. Akala ko kaibigan kita. Yun pala hindi!" dito na tumulo ang luha ko. Humahagulhol na ako sa sakit na naramdaman ko.

Nakita niya akong umiiyak. Nagulat siya sa nakikita niya. Ito kasi ang first time na makita niya akong umiiyak.

"Ano ba ang nagawa kong mali, Miel? Sabihin mo naman sa akin. Nahihirapan din kasi ako."

"Kanina! Pinaghintay mo ako sa wala! Ilang oras akong naghintay doon. Ni wala ka man lang abiso na hindi tayo matutuloy!"

"Sorry. Nagtext kasi si Lourdes kailangan niya ng kasama."

"Oo nga naman. Girlfriend mo nga pala si Lourdes. Kaibigan lang ako. Syempre mas uunahin mo ang girlfriend mo kesa sa akin. Pero, PUTANG INA MO! May cellphone tayong tinatawag at imposibleng hindi mo ako matetext kasi NAKAPLAN KA!" galit na galit kong sambit ko sa kanya.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?! Ang hirap mo kausap! Bakit, nagseselos ka ba kay Lourdes?"

"Hindi ako nagseselos. Puta. Ang sinasabi ko dito parang hindi ka kaibigan kaninang umaga. Buti pa yung girlfriend mo concern sa akin. Eh ikaw? May ginawa ka ba? Hinayaan mo akong mabasa sa ulan. Ni hindi mo man lang ako pinigilan?"

"Eh kasi yun ang gusto mo. Matigas ang ulo mo. Pag ginusto mo yun ang masusunod kaya hindi kita pinigilan!"

"Kahit na. Rome, ang sakit. Alam mo ba ang sinakripisyo ko para lang masamahan kita kanina? Ha?! Tapos hindi mo ako inabisuhan na hindi pala tuloy. Bwisit!' Wala ng luha ang tumutulo sa akin. Pero ramdam ko ang pula ng mata ko.

"Alam mo hindi na kita maintindihan eh. Simula nang naging kami ni Lourdes lagi ka nalang aburido. Ano bang meron? Minsan hindi ko maisip na nagseselos ka. Oo nga siguro. Nagseselos ka! Bakit ka nagseselos, bakla ka ba? Ha? Bakla ka?"

Dumilim ang paningin ko at bigla ko syang sinampal.

"Rome, umalis ka na. Umalis ka na kung ayaw mo ng gulo. Kung hindi ka pa aalis sa loob ng dalawang minuto ay tatawag ako ng barangay tanod upang ikulong ka magdamag sa selda."

Lumaglag ulit ang luha ko.

"Miel, sorry. Hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng damdamin ko. Miel." Lumapit siya at niyakap ako. Ang sarap sa pakiramdam na yakapin niya ako. Ang init ng katawan niya. Gusto ko din gumanti ng yakap na mahigpit kaso nagdadalawang isip ako. Hindi pwede to nahuhulog ulit ako sa charm niya.

Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin. Tumutulo ang luha ko. Pinahid niya mismo ito.

"Miel?"

"Wag mo akong tawaging, Miel. Ang sakit Rome. Pinaasa mo ako sa isang lakad. Ni hindi mo ako inabisuhan na hindi matutuloy. Pinagmukha mo akong tanga kahihintay sa iyo. Rome, alam mo ba ang sinakripisyo ko para masamahan lang kita? Dapat magkikita kami nung bestfriend ko nung high school. Ngayon lang siya umuwi galing Hong Kong. Bukas aaalis na siya. Hindi lang iyon, Rome. Nagawa mo akong pabayaan sumugod sa malakas na ulan. Ni hindi mo ako pinigilan. Wala kang ginawa. Pero naiintindihan ko naman kasi nga nandoon si Lourdes."

"Sorry, Miel. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Pero, sorry."

Tumigil na ang pagpatak ng luha ko. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan ng aming dalawa nang biglang sumulpot sa gate si Rica at nagsalita,

"Rome, nadinig ko lahat ng sigawan niyo ni Amiel. Please, Rome umalis ka na muna. Konting respeto naman sa kaibigan mo," malamig na tugon ni Rica.

Tumingin siya sa akin at naglakad palabas. Bago siya umalis ay tumingin muli siya sa akin. Nangungusap ang mga mata niya. Wari'y nagsisisi sa mga nagaw niya at humihingi ng tawad.

"Miel," sambit niya. Ang kanyang tono ay parang nagmamakaawa.

"Layuan mo muna ako. Kahit sandali lang." sabi ko sa kanya.

"Pero..." Nakatitig pa din siya na parang nagpapaawa.

"Magkaibigan pa din tayo kaso hindi na katulad noong dati."


ITUTULOY...

Friday, November 8, 2013

I NEED TO PART 2




Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa loob ng kotse ni Rica at umiiyak. Si Rica ay matiyagang nakikinig sa akin. Sa lahat ng kwento ko maging sa bawat singhot at hagulhol ko habang umiiyak.


"Friend, stop crying na. Halos mag-iisang oras ka ng umiiyak eh. Hayaan mo may plano ako."

"Ano yun?"

"Bago ko sabihin iyon, may isheshare ako sayo. Alam mo friend nung nakita ko kayo kanina na hawak niya yung braso mo ay nakaramdam ako ng spark sa pagitan ninyong dalawa."

"Kung sinasabi mo iyan dahil gusto mo lang pagaanin ang loob ko ay tumigil ka na. Do not comfort me with your lies."

"Bobo. Kailan ba ako nagsinungaling sayo. Malakas ang pakiramdam ko malansa din yang si Rome."

Hindi ako sumagot sa sinasabi ni Rica. Pinakalma ako ni Rica at tinulungan ko ang sarili. Rica started to drive in order to bring me to my residence.

"Amiel. Be strong. Kaya mo iyan. Malalampasan mo iyan. Heto ang plano natin."

Tumingin ako sa kanya.

"Magpapanggap akong fiancee mo. Hihintayin natin kung ano ang magiging reactions ni Rome. "

"Sige. Ikaw ang bahala."

Inuwi ako ni Rica sa bahay namin. She kissed me on my cheek before I went out of her car.


Dumaan ang tatlong linggo at maraming pagbabago ang dumaan sa akin. Madalas akong malungkot at tulala. Bumababa na rin ang grades ko. Hindi na ako nakakapag-aral ng mabuti. Malimit din akong nag-iinom kapag gabi kahit ako lang mag-isa sa bahay kaya palagi akong may hangover sa school. Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ang mga ito. Isa lang ang nararamdaman ko sa panahing ito: PAGOD NA AKO SA BUHAY KO. BAKIT AKO NAGING SILAHIS? SANA HINDI KO NA LANG SIYA NAKILALA. Grabe, sobrang sakit.

Natapos ang unang semestre nang taong iyon. Hindi ko inaasahan ang mga nakita ko sa grades ko. Mababa lahat. Nawala ang aking scholarship. Pinagalitan ako ng mga magulang ko. Kinausap ako ng aking mga propesor. Bumaba ang tingin ko sa aking sarili. Nalugmok ako. Malaking kahihiyan ito para sa aking pride. Wala na akong naiisip kundi ang magseryoso sa buhay. Hindi pwedeng sa kanya nalang umikot ang buhay ko. Kailangan kong mas pagbutihin ang pag-aaral ko. Yung mga nararamdaman ko sa kanya? Saka na muna siguro. Paano lahat ng mga sakit na nararamdaman ko? Balang araw, sinusumpa ko makakaganti ako sa kanya. Darating iyong araw na ikaw naman ang masasaktan.

Darating ang araw na ako naman ang makakaganti sa kanya.

Darating ang araw na gaganti ako sa kanya.

Darating araw na masasaktan ko siya.

Darating ang araw na siya naman ang masasaktan.

Ito ang mga katagang umiikot sa isipan ko nang mga panahong iyon.

***********

Nagsimula ang ikalawang semestre. Naglalakad ako papunta sa aking building ng may biglang tumabi sa akin. Hindi niya alam kung aakbayan niya ako hindi. Ngunit sa huli, naipatong niya ang kanyang kamay sa kanang balikat ko.

"K-kamusta? Balita ko hindi ka na scholar. Paano ka nakapag-enroll?" Nagulat ako dahil si Rome pala yung tumabi sa akin.

Isang matipid na ngiti ang sinagot ko sa kanya.

"Uyy okay lang iyan. Makakabawi ka pa naman." sagot niya habang hinihimas niya ang likod ko na parang nagpapakalma ng isang umiiyak na tao.

"Nilalait mo ba ang katayuan ko sa buhay?" asik ko sa kanya. Seryoso, hindi ko alam kung bakit ako na-offend sa mga oras na iyon. Basta ang alam ko nasaktan ang ego ko at isa siya sa mga may kasalanan kung bakit hindi ko na-maintain ang scholarship ko.

"Grabe ka naman. Ngayon nga lang tayo nakapag-usap ulit ganyan pa ang sinasabi mo sa akin. Ganoon ba kasama tingin mo sa akin?" Malungkot niyang tugon.

Hindi ko siya sinagot.

"Ano ba kasing problema, Amiel? Ang tagal mo na akong hindi kinikibo. Lagi kang galit sa akin. Wala akong balita sa'yo nung sembreak."

Ang sarap pakinggan nung mga sinabi niya. Oo. Miss na miss ko na siya. Pero kailangan ko nang dumistansya. Ako ang dehado sa pagkakataong ito. Sa huli, ako lang ang masasaktan.

"I got to go. Nagtext sa akin si Rica. Magkikita pa kami. Magkita na lang tayo sa classroom." Malamig kong tugon sa kanya.

Umalis na lang ako bigla. Umiba na ang trajectory ng lakad ko. Ine-expect ko na pipigilan niya ako or may sasabihin siya kaso mali pala inaakala ko. Medyo nasaktan ako. Nakita ko siya na tahimik na naglalakad papasok ng building. Mas mabuti na siguro ang ganito.


Nakipagkita nga ako kay Rica. Lalapit pa lang siya sa akin ay tumutulo na ang luha ko.

"Friend, anyare?"

"Nakokonsensya na ako sa hindi ko pagkibo kay Rome eh. Nagtatanong na siya kung bakit nilalayuan ko siya. Kung may problema daw ba kami."

"Be strong. Kaya mo iyan. Nandito lang ako. Poprotektahan kita." sabay yakap at alo sa akin.

Na-touch ako sa sinabi ni Rica. Wait, ano yung narinig ko? Poprotektahan niya ako? Anong ibig sabihin noon? Ganoon na ba ako kahina tingnan? Naawa ako sa sarili ko. Nahihiya ako kay Rica. Anong nangyayari sa akin?

"Ganito. Tuloy mo ang buhay mo. Maging cold ka pa din kay Rome. Dont expect anything. I will diagnose the events. Be ready for the worst circumstances. Understand?"

"Yes. Thank you."

POV: ROME


Naguguluhan na ako sa ikinikilos ni Amiel. Parang ang laki ng galit niya. Lagi niya akong iniiwasan. Hindi niya ako kinakausap. Wala na yung katulad nang dati. Parang ang layo layo na niya sa akin.

May kasalanan ba ako sa kanya? Hindi ko alam. Wala akong naaalalang ginawang masama sa kanya.

Naoffend ba siya sa sinabi ko kanina? Hindi ko naman sinasadya eh. Hindi naman talga iyon ang intensyon ko. Teka bakit nga ba ako nag-aalala kung inosente naman ako?

Biglang may pumasok sa pinto. Si AMiel. Naghahanap siya ng upuan. Unfortunately, isa na lang ang upuan na natitira. Ito yung katabi ko. Syempre sinave ko ito para sa kanya. Bestfriends kami eh.

Bestfriends....

Bestfriends....

Bakit nga ba siya ilang sa akin ngayon? Masasayang ba yung dalawang taong pagkakaibigan namin?

Wala siyang nagawa kundi umupo katabi ko. Bahala na. Nadadala naman sa pangungulit si Amiel. Baka pag piangpatuloy ko itong pangungulit imikan niya ako. Tutal, may times na nagtatampo siya sa akin dati pero konting kwneto ko lang sa kanya nagkakabati na kami. Hehehe.

"Kamusta bakasyon mo?"

Hindi niya ako sinagot. Tumalikod siya at may tinanong kay Steve. Pero nung bumalik siya, sinundot ko siya sa tagiliran. Nagreact siya at ngumit dahil alam kong may kiliti siya doon.

"Anong problema mo?"

"Inaano kita dyan?"

"Ang sakit nung sundot mo sa tagiliran no?"

"Hindi mo kasi ako pinapansin. Ang sungit sungit mo."

"Wala naman tayo dapat pag-usapan eh." Biglang lumamig na naman ang kanyang tugon.

"May regla ka ba ngayon?"

Dito na siya tumingin sa akin. Ginamit ko ang pagkakataon upang kulitin, sundutin at kurutin siya. Sa pagkakataong iyon, gumanti na siya ng hampas. Malaks iyon. Nasaktan ako. Pero nakangiti siya. Pinapansin na niya ulit ako. Yehey!

Kaso nga lang dumating na ang aming professor. Natigil ang kulitan namin. Boring ang professor na iyon. Buti na lang nagtext si Lourdes at nagkukwentuhan kami sa text. Sweet na girlfriend si Lourdes. Mabait. Masipag. Matalino. Maaalalahanin. Hindi naman perfect. May konting arte siya sa katawan pero mahal ko siya at nagkakasundo kami.

Habang magkatext kami ni Lourdes ay tahimik lang si Amiel. Minsan nakikita ko siyang tinitingnan ang katext ko. Pinakita ko naman na si Lourdes ang katext ko. Ngumiti lang siya. Isang matipid na ngiti.

POV: AMIEL

Oo nga pala. Magsyota na nga pala si ROme at Lourdes. Ang sweet nila maging sa text. Hindi ko kinakaya. Anu ba yan? Namumula na naman ako. Nakakainis. Hindi maitago ng katawan ko ang pagseselos. Shit! Baka makahalata na si Rome. Anong gagawin ko? 

Humiga ako sa desk ko.

"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong ni Rome.

"Wala. Masama lang talaga pakiramdam ko."

"Namumula ka. Wala ka bang lagnat?"

"Wala. Huwag mo akong hawakan."

Natapos ang klase para sa araw na iyon. Wala na rin kami naging usapan ni Rome. After class, jumingle muna ako. Nang pabalik na ako sa barkada, naisipan kong maghide at makinig sa pinaguusapan nila. 

"Saan tayo kakain ng dinner?" tanong ni Steve.

"Sa McDo," sagot ni Mark.

Sumangayon ang karamihan.

"Ok lang ba na isama ko ulit sa atin si Lourdes?" tanong ni Rome.

"Oo naman. In namna siya sa barkada natin eh."

Matapos kong marinig ang usapan na iyon ay nagdesisyun na akong hindi na ako sasama para kumain ng dinner. 

"Bakit hindi ka sasama?" tanong ni Rome. Nag-aalala ang tono niya.

"Wala akong gana."

"Kumain ka para mawala yang panghihina mo. Nagpapalipas ka yata ng gutom kaya ka nanghihina or?" nakangisi siya sa akin.

"Huwag mo akong itulad sayo na manyakis at malibog," naiinis kong sagot.

"Oyyy defensive." sabay hampas sa akin.

"Sige guys uwi na ako."

Nagpaalaman kami sa isa't isa. Dumating ako sa bahay. Nakatulog ako agad paghiga ko sa kama. Nagising ako ng mga 10PM ng gabi. Namimiss ko si Rome. Di ko mapigilan. Tinext ko siya kasi may itatanong ako na mahalagang bagay regarding sa acads. Alam kong gising pa siya kasi online sya sa facebook at tweet sya ng tweet gamit ang phone niya. Nagprivate message na rin ako sa kanya. Ang tanging nakita ko lang sa chatbax ay ang sign ng "Seen". Alas dose na ng gabi naghihintay pa din ako sa posibleng reply niya. Nainis na ako at si Steve na lang ang tinext ko. Bahala siya sa buhay niya. Huwag syang makahingi hingi ng tulong sa akin.

Matutulog na ako nang nakareceive ako ng text galing sa kanya. Fuck. GM lang pala regarding sa mga activities bukas. Wait. May text ulit. Nagyayaya siya kumain bukas sa Zarks. Dahil hindi pa ako nakakakain doon, pumayag ako. Isa kasi sa mga kahinaan ko ang pagkain. Hekhekhek. Kinansela ko ang dapat na meet up ko sa aking bestfriend na three years ko nang hindi nakikita para sa kanya. Tinext ko si Rica na resched yung meetup naming tatlo. Wala eh tanga ako sa kanya. Hindi ko siya matanggihan. Pinalampas ko yung hindi nya pagreply sa akin.

Kinabukasan, dumating ako sa tamang oras sa meeting place na aming pinagusapan. Ang ganda ng klima ng araw na iyon. Makulimlim pero walang bakas ng maaaring pag-ulan. Malamig ang hangin palibhasa malapit na ang Disyembre.

Wala pa ding Rome na dumarating kahit na mahigit tatlumpung minuto na ang nakakalipas. Magiisang oras na at wala pa siya. Nakalimang text na ako at walang sumasagot. Masama na ang timpla ko. Ayoko ng pinaghihintay ako. Nang magdadalawang oras na at wala pa ding sign na darating si Rome, umalis na ako sa meeting place para umuwi upang maghanda sa pang gabi kong klase. Subalit, sadyang ako ay tinamaan ng malas ng araw na iyon. Bigla nalang bumuhos ang ulan at wala akong dalang payong. Sinamahan pa ito ng malakas na hangin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko noon. Napamura na lang ako. Habang ako ay nasa silong ay natanaw ko ang isang pamilyar na tao.

"Puta, si Rome iyon ah at si..."

Kaya pala. May lakad pala sila ni Lourdes at magkaholding hands sila. Masaya sila sa presensya ng isa't isa. Dito na talaga ako naawa sa sarili ko. Puta dito pa yata sa shade na ito sila papunta. Fuck. I need to go. Ayoko maging third wheel. Pero nakita nila ako.

"Amiel" tawag sa akin ni Lourdes.

"Hi" tugon ko kay Lourdes. Hindi ko pinansin si Rome. Mukha ring wala sa mood si Rome para kausapin ako.

"I got to go." dagdag ko.

"Malakas ang ulan. Wala kang payong," sagot ni Lourdes.

"Hindi mo iyan mapipigilan. Pag ginusto niya, gagawin niya." sabat ni Rome.

As usual, ang sakit kasi nagexpect ako na pipigilan nya din ako. Mabuti pa yung girlfriend niya may puso at concern sa akin.

Dali dali kong sinugod ang malakas na ulan. Basang basa ako ng ulan. Dito na ako napaiyak at humagulhol ng todo. Okay lang to. Wala namang nakakakita sa akin dahil malakas nga ang ulan at madilim ang langit. Naaawa na ako sa sarili ko. Niloko ako at pinaaasa. Ni hindi man lang ako inabisuhan na hindi kami tuloy.

Pagkauwing pagkauwi ko ay naligo ako. After kong maglinis ng katawan ay tinawagan ko kaagad si Rica. Uminit ang dugo niya sa kwento ko. Mukhang mas galit pa siya sa akin eh. Gusto daw niyang sugudin at sampalin si Rome. Sa manner ng pagsasalita ni Rica, natawa ako. Napakalukaret ng babaneng ito. Buti na lang nandito sya para icomfort ako. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko noon. Lalong tumindi ang galit ko sa kanya.

Itutuloy...

Wednesday, November 6, 2013

I NEED TO PART 1



Note: Dahil medyo matatagalan iyong pagpopost ko nang aking mga naipangakong series, narito ang isang maikling kwento na nawa ay magustuhan ninyong aking mga tagasubaybay. Ito ay isang kwento tungkol sa isang discreet bisexual na minahal ang isang malapit na kaibigan ngunit ito ay hindi nasuklian. Tumigas ang kanyang puso at nasaktan niya ang damdamin ng kanyang minamahal. Sa huli, malalaman nila na sinasaktan lang nila ang isa't isa.

Nawa ay magustuhan niyo po ang aking ihahaing piyesa. Maraming salamat!